Una sa Balita

Swim like Jas

0 488

Welcome sa aking unang sports column dito sa Abante.

Masaya ako na maging bahagi ng pahayagang ito, na sabi nga ay ang dyaryo ng tunay na tabloidista.

Of course, salamat sa ating editor na si Ferdz de los Santos sa pagbubukas ng pinto para sa akin.

Starting today, samahan n’yo ako every Sunday sa ating linguhang kwentuhang sports. It’s a date.

***

Kilala tayong mga Pinoy na hindi naman katangkaran. Kaya naman I believe, swimming ang sport na swak para sa ating mga Pilipino! And I thank you!

Well, kidding aside. Ang totoo, kahit sinabi kong swimming ang sport para sa ating mga Pinoy, hindi talaga ako marunong lumangoy. Hahaha! Noong 6 years old kasi ako, nalunod ako sa isang family excursion namin. Kaya simula noon, nagkaroon na ako ng takot sa tubig at hindi na rin ako natuto.

Hanggang sa nakilala ko ang 12-year-old Filipino-Iranian swimmer ng Philippine Swimming League na si Micaela Jasmine Mojdeh.

Six years old lang din nang nagsimulang mag-swimming itong si Mojdeh. Pero hindi siya nalunod na kagaya ko, kaya nga elibs ako sa kanya eh!

Actually, last year ko lang nang personal na makita at makilala si Jas (ganito ang tawag ko sa kanya). As far as I remember, sa isang presscon ‘yun sa resto nila sa Behrouz Persian Cuisine sa Scout Tobias, Quezon City.

Bukod sa masarap at juicylicious na beef kebab na tinambalan ng mainit na kanin na may melted butter on top, at pinartneran ng refreshing na inumin na fresh mango shake, hindi ko na rin nakalimutan itong batang Mojdeh.
Bakit nga?

Siya kasi ang Most Bemedalled Athlete ng 2018 Pa­larong Pambansa sa Vigan, Ilocos Sur kung saan sumisid siya ng 6 gold at 1 silver medals sa pinakamalaking multi-sport event sa Pilipinas. Oh di ba? Kakabilib!
Akala ko, ‘yun na ‘yung highest achievement ni Mojdeh, na noon pala ay regular nang dumadayo sa iba’t ibang mga bansa para mag-compete. Pero hindi lang compete ah? Regular siyang humahakot ngsangkaterbang medalya para sa Pilipinas.

Pero ‘ika nga, to see is to believe.

Kaya naman last March lang this year, sinama ako sa Tokyo, Japan ng Mommy ni Jas na si Ma’am Joan. Sumali kasi noon si Jas sa Age Group Swim Championships sa St. Mary’s International School.

Mantakin ninyo ‘yun. Nakapag-Japan ako dahil sa idol ko! Bukod sa perstaym ko sa Japan, ‘yun din ‘yung chance ko na personal na mapanuod ‘yung langoy ni Mojdeh sa labas ng bansa.

Astig talaga itong si Mojdeh. 6-out-of-6 of her events sa Tokyo ay na-sweep niya para mag-uwi ng 6 gold medals sa naturang swim meet.

Idagdag pa rito ang 22-year-old Open record mark na kanyang binura mula sa girls 11-12 years old 50-meter butterfly event.

Gaya ng kanyang Mommy Joan, proud na proud din ako kay Jas. Feeling ko napanood ko ‘yung performance ng isang future swimming Olympian lalo’t next year sa Tokyo rin gaganapin ang 32nd Summer Olympic Games.

Syempre pa, ito ang target ng lahat ng mga atleta, gaya ng batang Mojdeh.
After noon, lalo ko pang sinubaybayan ang career ni Jas.

Hanggang this month nga, nabalitaan ko na nag-unite na ang Swimming NSA na Philippine Swimming Inc. (PSI) at long-time swim group na Philippine Swimming League (PSL), ang mother club ni Mojdeh.

Ibig sabihin kasi ng unification na ito, ay may chance ng mapabilang si Mojdeh sa Philippine Swimming Team, dahil endorso lamang ng PSI ang kinikilala ng local Olympic group na Philippine Olympic Committee (POC) at world governing body na FINA.

Last week lang nang sumali si Mojdeh sa 1st Leg ng PSI Grand Prix suot ang jersey ng Swimming ‘Pinas, kung saan nanguna siya sa apat na event para umabante sa Grand Prix Finals sa Hulyo.

Ang Grand Prix finals ang last qualifying tournament ng mga swimmer na gustong maglaro sa 2019 Manila Southeast Asian Games.

Kapag nagkataon, ito rin ang magsisilbing debut ni Mojdeh sa Philippine National Swimming team at malalalapit din sa kanyang pangarap na maging isang ganap na Olympian sa 2020 Tokyo Olympics.

Masaya talaga ako para kay Jas. At sana ‘yung na-foresee kong future Olympian last March, ay siyang makita ko rin pagdating sa Tok­yo Olympics next year.

Sa may mga suhestiyon na maging topic natin sa mga future columns ko, maaari n’yo akong i-email sa mallare.arianne@gmail.com.

Hanggang sa susunod nating isyu, sa­lamat!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy