Una sa Balita

‘Sweet tax’ iwas diabetes at obesity

By
0 25

Para iwas obesity at diabetes, ipinanukala ng isang mambabatas ang ‘sweet tax’ o pagtataas ng buwis sa mga pagkaing matatamis.

Ayon kay 1-Edukasyon party-list Rep. Salvador Belaro, obligadong iiwas na sa matatamis na pagkain ang mga Pinoy kung tataas ang presyo ng mga sweet foods.

“The higher tax on sweet products is meant to curb the Filipinos’ growing appetite for sweets and consequently have long-term positive impact of public health” ani Belaro.

Abante Hiring – IT dep

Isa umanong public health issue ang obesity at diabetes sa bansa kaya nakababahala ito at dapat mabigyan ng solusyon.

Sinabi ni Belaro na maraming bata ang nahihilig sa mga matatamis gaya ng chocolates at candy dahil nabibili ito sa murang presyo.

Naniniwala ang mambabatas na kung papatawan ng tax ang mga pagkain na may sugar content ay magreresulta ito ng pagtaas sa presyo.

Kapag naipasa aniya ang kanyang panukala, mapapaisip ang mga Filipino kung bibili ng matatamis na pagkain o mas ilalaan na lamang ang pera sa mas masustansyang pagkain.