Una sa Balita

Sweet Scam Romance

By
0 964

Ika-9 na labas

Galit namang tiningnan ni Leni ang grupo nina Ram mula sa isang table na ‘di kalayuan sa kanila.

“Okay, guys follow me!” galit na sabi ni Leni sa mga ito bilang guro.

Mga yuko ang ulo namang nagsisunuran ang grupo.

“Ma’am, nakawala lang naman po ‘yung palaka na gagamitin namin sa lab mamaya, hindi po sinasadya ‘yon!” narinig pa ni Debbie na katuwiran ng isa.

“Oo nga po ma’am, e sa kay Madam Debs niya gustong lumundag eh!” sabi pa ng isa.

Napapailing na lu­mabas na rin ng canteen si Debbie.

Gabi. Naisipan ni Debbie na magbukas ng laptop. Ang laptop na iyon ang regalo niya sa sarili niya noong nakaraang Pasko at minsan lang niya iyon gamitin. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang mga bagong post na picture ni Leni. Kasama nito ang sinasabing pinsan na si George. Hindi makapaniwala si Debbie.

“Oh no, hindi pwede ‘to!”

Paulit-ulit na tiningnan ni Debbie ang mga picture. Mga tatlo iyon na ang isa ay nakaakbay pa ang lalaki kay Leni na parang close na close na sila agad.

“Grabe, hindi naman siya mukhang lumaki sa America, isa pa wala naman siyang pera, saka sa dinami-dami ba naman ng tao sa mundo, sa bff ko pa talaga siya konektado?”

Nasa ganoong pag-iisip si Debbie nang big­lang may mag pop out na notification  sa upper right side ng laptop niya. Isa iyong friend request mula sa isang foreigner.

“Hmmm, James Louis?”

Nag-isip muna si Debbie kung i-coconfirm niya o iignorin ang friend request. Naisipan niyang i-view muna ang profile nito.

“From Colorado, single, 41 years old…hmmm…”

Related Posts

Muli siyang nag-isip bago nagpasyang i-confirm ito.

Agad naman itong nag-message sa kanya ng “Hello Devorah, thank you for accepting my friend request!”

Napangiti siya at sinagot niya ito ng “You’re welcome!”

Iyon na ang naging simula ng pagpapalitan nila ng mensahe via online. Na-inspire kasi siya sa naging kapalaran ng lovelife ni Leni sa chat mate nitong American kaya naman sinusubukan niya ito ngayon.

“Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko…” kumbinsi pa ni Debbie sa sarili.
“Hello Devorah!”

“Hi James!”

“I hope you had a great day!”

“And I hope you had a great night!”

Mga simpleng mensahe na hindi namamalayan ni Debbie na nagiging dahilan na pala ng mga ngiti sa labi niya.

“Good night Devorah. Have a restful night. Sweet dreams.”
At nadadala niya ito hanggang sa library.

“Tingin mo ba nakakatawa ‘yung binabasa ni Madam Debs?” bulong ng isang babaeng estudyante sa kaklase niya habang nakatingin kay Debbie.

“Siguro, nakangiti siya eh…”

“Ngayon ko lang kasi nakitang ngumiti ‘yan, dapat pala palagi siyang magbasa ng libro na nakakatawa.”

Medyo napalakas ang boses ng estudyante kaya napatingin si Debbie sa kanila.

“Ssshhh!” saway ng dalaga.

Lingid sa mga estud­yante, ikinukubli ni Debbie ang android cellphone niya sa loob ng libro at sa mga sandaling iyon ay ka-chat niya si James Louis sa messenger.

Hindi namalayan ng dalaga ang pagpasok ni Leni sa library kaya naman nang magsalita ito ay muntik nang mahulog ang cellphone mula sa pagitan ng mga pahina ng libro dahil sa pagkagulat niya. (Itutuloy)