Una sa Balita

Sweet Scam Romance

By
0 549

Ika-7 na labas

“Nakakalokah! Nagawa mo ‘yon?” hindi makapaniwalang tanong ni Leni.

Abante Hiring – IT dep

“E ayoko naman talaga sanang kumibo na, kaya lang sa pagkakataong ‘yon hindi ko talaga napigilan ang sarili ko.”

“Pero… pero okay na okay lang ‘yung ginawa mo, kasi source naman talaga palagi ng maling akala ang dalawang matanda na ‘yon na walang pinagkatandaan sa pagtuturo!” natatawang sabi ni Leni.

“Sira! E ano bang pinagkakaabalahan mo ­ngayong gabi? “ naisipang itanong ni Debbie.

“Eto scrolling ng makaka-date online!”

“Ano?”

“Hay naku bff, kung ako sa’yo kalimutan mo na ‘yung issue sa’yo, buti pa buksan mo ang lappy mo tapos gayahin mo na lang itong ginagawa ko at malilibang ka pa! who knows dito mo na mahanap ang iyong knight in shining armor na hindi mo matagpuan sa loob ng libro!”

“Puro ka naman kalokohan eh, mamaya niyan maloko ka pa diyan? Saka kakahiwalay n’yo pa lang ng asawa mo! ”

“Naku, naku, don’t ever mention my ex hubby okay?  try mo muna ito para malaman mo na hindi lang ito isang simpleng kalokohan, ito ang mala­king kalokohan na pwedeng bumago sa buhay mo, good luck na lang kung good or bad ang changes!O pa’no bff baba ko na ang phone ko chat na lang tayo ha?”

“Okay sige… good night… next time na lang tayo mag-chat, inaantok na’ko eh…”

“Okay babush! Nytie!”

Matapos ibaba ang cellphone ay tinigilan na rin ni Debbie ang pagsuklay sa buhok at inilatag ang katawan sa maliit pero malambot niyang kama.

“36 na’ko… bakit nga ba hanggang ngayon hindi pa dumarating ang prinsipe ko?… na-traffic kaya siya sa Edsa? Na-delay ang flight o baka naabutan ng malakas na ulan kaya hindi pa makaalis kung saan man siya nandoon para puntahan ako?… baka naman wala talagang prinsipeng inilaan sa akin si Lord… baka nakatakda akong mag-isa hanggang sa pagtanda ko?” himutok ni Debbie sa sarili.

Sino nga ba naman ang hindi mapapatanong sa sarili kung sa ganoong edad ay ni hindi mo pa naranasang magka-boyfriend man lang. May mga nanligaw naman sa kanya nu’ng high school pa lang siya, tulad ni Bennie na isang nerd, si Robby na sumobra sa pagiging healthy kaya binansagan ng The Giant Robby, si Jack na crush ng bayan pero clepto naman pala… at ang huling nanligaw sa kanya na balak na sana niyang sagutin, si Aldrin na isa naman palang two timer! Pagkatapos no’n wala ng naging career ang lovelife niya.

SATURDAY.

Walang pasok. At tulad ng hindi mabilang na sabadong nagdaan sa buhay ni Debbie, byuti rest lang siya sa apartment niya. Naglagay siya ng dalawang bilog na pipino sa mga mata at saka pahigang sumalampak sa sofa. Nakalimutan kasi niya itong gawin kagabi kaya ngayon na lang. Tutal naman balak niyang magpahinga ng buong araw.

Nang gulantangin siya ng mga sunud-sunod na katok mula sa nakakandado  niyang pintuan.

“Hay, utang na loob, rest day ko ‘to!” reklamo niya sa isip.

Hindi muna niya pinansin ang kumakatok pero nagpatuloy ito na may kasama ng pagsigaw.

“Hello BFF!”

Related Posts

“H-ha? si Leni!”

Dali-daling tumayo si Debbie at binuksan ang pintuan hawak ang dalawang pipino.

“BFF, ano ba ang tagal mo namang magbukas ng pinto!”

“Hello, 6 am pa lang po ng umaga, sana naisip mong baka tulog pa’ko, ano dito ka ba mag-aalmusal?” nakangiting sagot-tanong ni Debbie sa Kaibigan.

“I don’t think I can eat, kasi naman ‘yung ka-chat kong kano, mamaya na ang dating niya para makipag-meet sa’kin!”

“WHAT?” nanlaki ang mga mata ni Debbie.

“As in what? Iyan lang ba ang masasabi mo, please help me, samahan mo ako sa mall, kailangan kong bumili ng new dress, tapos go tayo sa parlor! Kailangan kong maging super ganda sa first meeting namin!” si Leni habang papasok sa loob.

Halos magkasabay lang silang naupo sa blue sofa.

“Bff, magpakatotoo nga, kung ano talaga ang looks mo pagkagising mo sa umaga, let him see, doon mo malalaman kung totoo din siya sa’yo.”

“I know what you mean pero bff first impressions last, syempre naman gusto kong maging perfect ‘yung una naming pagkikita no!”

“Makaasta dalaga lang ang peg?”

“Maiintindihan mo rin ako kapag na-in love ka na!”

“In love ka na ba talaga sa kanong ‘yon?”

Napapikit si Leni bago sumagot.

“I am 95 % sure, at ‘yung 5% na natitira, malalaman ko ‘yon sa pagkikita namin mamaya!”
“Grabe, magkape na nga lang tayo baka sakaling mahimasmasan ka!”

Tumayo na si Debbie at sinundan naman siya ni Leni patungong kusina.

“Dadagdagan mo lang ang nerbyos ko niyan eh, may iced tea ka ba diyan?” hirit pa ni Leni.
No choice si Debbie kundi samahan ang kaibigan. Mall ang una nilang destinasyon. Isang simpleng blouse at long skirt ang suot niya samantalang sleeveless and mini-skirt naman ang kay Leni. Hindi niya linya ang malling kaya naman inip na inip siya sa matagal na pamimili ng kaibigan sa susuotin nito.

Ilang beses itong nagsukat na inilingan niya. Nang sa wakas ay magkatagpo ang choice nilang damit na babagay dito ay niyaya na siya nitong kumain sa isang restaurant.

“Hay, kanina pa nagrereklamo ang tummy ko, sa wakas makakakain na rin tayo!” si Debbie.

“Asus, nagmamadali na nga ako at baka gahulin ako sa oras sa pagpapaganda mamaya!” nakangiting sabi ni Leni.

Nang may mahagip ang mga mata ni Debbie sa isang table ‘di kalayuan sa kanila. Ang lalaking estranghero! Hindi nag-iisa ang lalaki, may katabi itong babae sa table na sa tingin niya ay medyo ahead ang edad dito. Malinaw niyang nakita nang abutan ng babae ng pera ang lalaki na tinanggap naman nito, pagkatapos ay nagpatuloy sa pagkain ang mga ito habang nagkukuwentuhan.

Nang biglang mapatingin sa direksyon niya ang lalaki kaya naman agad niyang dinampot ang menu at itinakip sa sariling mukha.

“Bff naka-order na’ko, may gusto ka pa bang idagdag, sige tingin ka lang diyan sa menu.” pansin ni Leni. (Itutuloy)