Una sa Balita

Sweet Scam Romance

By
0 964

Wakas

“Ang suwerte ni Leni…sana maging masaya sila ni Mark for the rest of their lives…at ako naman…good luck…mukhang destined to forever ako…forever single…”

Tumayo si Debbie para magpalit ng damit. Inumpisahan niyang hubarin ang suot na gown.

Matapos itong hubarin ay dinampot niya ang tuwalya dahil balak niyang mag-half bath bago matulog. Tinapis niya ang tuwalya sa katawan at humakbang na papasok sa banyo na nasa loob din ng silid na iyon.

Nang halos atakehin siya sa gulat nang makitang may naliligong lalaki sa loob ng banyo.

“EEEEEEEE!” malakas pa sa sirena ng bumbero ang sigaw na iyon.

Kulang na lang ay mapasigaw din ang lalaki sa gulat din sa kanya.

“ANONG GINAGAWA MO DITO?” gulat na gulat pa ring tanong ni Debbie kay George na nakahubad.

“Ano ba ang ginagawa sa banyo, it’s either pumupupo or naliligo, obvious naman nakahubad ako at basa kaya malamang naliligo ako!”

“EEEEEEE!” muling tili ng dalaga nang mapansin ang kahubdan ng binata. Tanging brief lang ang suot nito.

“Teka, ang ibig sabihin ba ng tili na ‘yan e gusto mong sumabay sa’kin maligo?” pilyong tanong nito.

“Ang bastos mo!” sabay hampas ni Debbie sa balikat ng binata nang sunud-sunod.

Naagapan naman ni George ang mga kamay niya. Kasabay sa paghawak ni George sa mga kamay ng dalaga ay ipinako niya ito sa mga mata niya. Isang titig na handang tumunaw dito sa anumang oras.

Napatulala naman si Debbie. Hindi niya inaasahan ang ganitong pagkakataon. Oo nga’t gustong-gusto niyang makitang muli ang binata pero hindi sa paraang malaswa na gaya nito. Naka-underwear ito at nakatapis naman siya ng tuwalya. At ang mukha nito ay palapit nang palapit sa kanya habang nananatiling hawak nito ang mga kamay niya.

Ayaw niya ng ganitong eksena pero wala siyang ginawa para tutulan ito. Sa halip ay hinayaan niyang lumapat ang labi nito sa labi niya upang sa ikalawang pagkakataon ay matikman ang tamis ng halik na matagal din niyang hinintay na maulit.

Sa paglalapat ng kanilang mga labi ay unti-unting lumuwag ang hawak ni George sa mga kamay ni Debbie hanggang sa bumitaw ito doon at lumipat ang sariling kamay sa pisngi ng dalaga.

Mga haplos na lalong nagpainit sensasyong bumabalot sa kanilang dalawa. Habang ang mga kamay naman ni Debbie ay unti-unting yumakap sa leeg ng binata. Hanggang sa ang mga katawan ay tuluyang magdikit. Nang bumaba ang mga halik ni George sa leeg ng dalaga ay nagpasya itong wala nang makakapigil sa kanila. Ang nilikhang apoy sa banyo ay ipinagpatuloy nila sa kama. Inangkin nila ang gabi na tila wala ng bukas na darating.

Matapos ang maalab na pag-iisa at pagpapatunay sa kanilang pag-ibig ay magkatabing nahiga ang dalawa sa kama. Nakaunan pa sa braso ni George si Debbie.

Related Posts

“Sorry hindi ako nakaabot sa kasal nila…na-traffic kasi ako, grabe…kaya dito na’ko tumuloy sa back door sa kusina ako dumaan. Nakakatawa nga kasi malay ko ba na ito rin ang ipapagamit sa’yong kuwarto ni Leni.”

Walang kibo si Debbie.

“Hoy kanina pa’ko explain ng explain, ba’t ‘di ka kumikibo diyan, hindi ba kapani-paniwala ang sinasabi ko?”

“Ang hindi ko mapaniwalaan… ‘yung tayong dalawa… ‘yung nangyari sa’tin…”

Natawa si George.

“Bakit, hindi ka ba maka-move on sa pagkawala ng virginity mo at 37?”

Hinampas ni Debbie ang binata.

“Bastos ka talaga eh no?”

“Joke lang, ito naman hindi na mabiro!”

Niyakap ni George si Debbie.

“Alam mo bang nu’ng nagkalayo tayo, namatay ang puso ko, pero nang tawagan ako ni Leni at sabihin sa akin ang pagbabalik mo at paghahanap mo sa’kin, hinukay ko ang puso ko sa pinagli­bingan ko nito, kasi naramdaman ko ulit na muli itong tumibok…”

“Wag ka nga mag-assume na parang may sinabi na’ko na mahal kita.”

“O ayan kasasabi mo lang mahal mo ako!”

“Pwede ba, sumeryoso ka nga!” kunwa’y inis na sabi ni Debbie.

“Seryoso ako Debbie, mahal kita, at utang na loob magdedeny ka pa ba?”

“Of course not, ngayon pa ba’ko magde-deny, nakaunan na ako sa braso mo?”

Muli ay isang masuyong halik ang iginawad ni George sa labi ng dalaga.

“Gusto ko na mag-usap pa tayo ng matagal, pero mas gusto kong iparamdam muna ulit natin sa isa’t isa ang pag-ibig na yayakapin natin habambuhay…” halos pabulong na sabi ni George.

“This time, hindi ako kokontra.” mahina ring tugon ni Debbie na tila nang-aakit ang tinig.

At muli ay sinimulan nila ang pagniniig na punumpuno ng pag-ibig. (Wakas)