Una sa Balita

Sweet Scam Romance

By
0 549

Ika-40 na labas

“Siyanga pala, kumusta si George?”

“Hay naku, ibahin mo man ang sagot mo, patanong man ‘yan o ano, iisa pa rin ang tinutumbok, na-miss mo ba siya?”

“Anong sinasabi mo, kinukumusta ko lang ‘yung tao.”

“Well, he’s not here…anymore.”

“Why?”

“Because bumalik na siya sa America one year ago.”

Biglang nakaramdam ng lungkot si Debbie. At hindi niya iyon maitago kay Leni.

“Uy, affected? Don’t worry high tech na tayo ngayon, may skype, may fb, etc!”
“Sira ka talaga…”

Tumayo si Leni at inikutan ang kaibigan.

“Bff, you can lie to me, but not to yourself.” Halos pabulong na sabi ni Leni sa kaibigan.

Sa kakapilit ni Leni ay napaamin rin nito ang kaibigan.

“Ok, fine,hindi ko lang sya namimiss…feeling ko gusto ko na siya, parang mahal ko na siya…pero…”

“Yan! ‘Yang pero,pero na ‘yan ang laging hadlang sa kaligayahan!”

Hinawakan ni Leni ang mga kamay ni Debbie.

“This is it bff! I have a very very very good idea!”

Binulungan ni Leni si Debbie. Matamis ang pagkakangiti ni Debbie nang marinig iyon. Hindi para sa sarili ang mga ngiti kundi para mismo kay Leni.

“Leni, I’m happy for you!”

“And I am happy for you too!”

Dahil sa matagal na pagkakalayo, nag-aalala si Debbie kung may patutunguhan pa ba ang feelings niya para kay George na matagal niyang kinimkim. Ayon kasi kay Leni after umalis ni George ay naging madalang na ang komunikasyon niya rito. Bumalik na raw si George sa poder ng ama sa America at sinusubukang magbagong-buhay.

Related Posts

Katunayan nga ay tumutulong na ito sa business ng ama roon. Hindi raw naging madali para kay George ang pagtiwalag sa grupo ng mga scammers pero sa tulong ng uncle nito ay naayos naman ang lahat.

At sa isang selebrasyon na mahalagang-maha­laga para sa kaibigan ay nasisiguro niyang muli silang magkikita…teka, sigurado bang darating si George? Paano kung hindi ito available for some valid reason?

Napabuntong hininga si Debbie.

“Please… sana dumating siya…please Lord…”

Wedding ni Leni sa karelasyon nitong Amerikano na si Mark. Si Debbie of course ang kanyang maid of honor at ni-request niya sa kanyang groom na si George ang maging best man.

Sa harap ng whole body mirror sa room na ipinagamit ni Leni kay Debbie, hindi mapakali ang dalaga. Hindi niya alam kung gaano katagal na niyang tinititigan ang sarili. Nakailang re-touch na rin siya hindi pa man siya lumalabas ng silid. Gusto niyang maging perfect ang lahat. Mula sa make-up, sa damit hanggang sa sapatos. Sa kabila ng simpleng ayos niya sa sarili ay gusto niyang maging bongga ito sa paningin ni George.

Simbahan. Akala ni Debbie pagdating niya roon ay nandoon na si George. Pero na-disappoint siya nang malamang wala pa ito.

“Bakit kaya wala pa siya?…” tanong sa isip ng dalaga.

Nasa loob pa sila ni Leni ng white car. Feeling nga niya ay bride din siya dahil ayaw pa rin siyang pababain ng kaibigan.

“Bff, mas mukhang ninenerbyos ka pa kaysa sa’kin ha?” puna ni Leni sa kaibigan.

“Obvious ba na kinakabahan ako?”

“Malamang napansin ko eh…”

“Sorry bff ha,tama ka eh, hindi ko nga maintindihan ang nararamdaman ko…”

“Don’t worry Debs, darating siya, umoo siya sa invitation namin ni Mark na magbe-best man siya sa amin kaya I’m sure darating siya.”

“Kaya nga ako kinakabahan, kasi darating siya at hindi ko alam kung anong magiging reaction namin sa isa’t isa after almost two years na walang communication…”
“Relax, stay calm, and be beautiful!”

Kailangan na nilang lumabas sa bridal car pero wala pa rin daw ang bestman.

Hanggang sa kinailangan na rin nilang maglakad patungong altar ay walang George na dumating. Masaya si Debbie para sa kaibigan, pero sa ibang bahagi ng puso niya ay may lungkot dahil sa hindi pagpapakita ng taong nais niyang makita at makakita sa kanya sa mga sandaling iyon na pinaghandaan niya.

Natapos ang seremonya sa simbahan na hindi lumutang si George. Maging sa reception.

Hindi tuloy nito nakita kung paano malungkot na sinalo ni Debbie ang bulaklak mula sa bride.
“Ako talaga?” nag-aalangan pang tanong nito sa sarili nang masalo ang bulaklak.

Dahil newlywed ay tumuloy sina Mark at Leni sa isang hotel para doon namnamin ang unang gabi ng kanilang kasal. Kaya naman mag-isa lang si Debbie na umuwi sa bahay ng kaibigan.

Dumiretso siya sa kuwarto at mabigat ang katawang ibinagsak sa kama ang sarili. (Itutuloy)