Una sa Balita

Sweet Scam Romance

By
0 964

Ika-4 na labas

Ilang saglit pa ang lumipas at bumukas na rin sa wakas ang pintuan. Pinagpawisan ang lalaki at ganoon din si Debbie dahil sa stress na naramdaman sa loob at sa init.

Abante Hiring – IT dep

Sakto namang paglabas nila sa banyo ay siyang daan ng dalawang guro. Gulat na naglipat ang tingin sa kanila ng mga ito bago nagbulungan habang palayo.

“Malamang headline na tayo bukas niyan sa dyaryo o kaya sa t.v., isang gwapong lalaki at isang manang na babae nag-sex sa loob ng banyo!” natatawang sabi ng lalaki.

“Baliw!” galit na bulyaw ni deb sa lalaki. Nakaka-high blood ang  sinabi nito. Pero hindi niya alam kung alin sa mga sinabi nito ang nakapagpataas ng presyon niya, ang sex sa loob ng banyo o ang tawagin siya nitong manang na babae?

Sa halip na magpakagalit pa ng husto ay pinili na lang ni Devorah na lumakad nang mabilis palayo sa lalaki.

“Hoy, teka, ‘yung bayad mo saka hindi ka man lang ba magpapa­salamat?”

Habol ng lalaki. Pero ni hindi siya nilingon nito.

“Tsk, tsk, ang boring naman ng babaeng ‘yon, pasalamat siya may konting ganda siya…” anang lalaki na hindi na itinuloy ang paghabol.

Kinabukasan. Papasok pa lang si Debbie sa gate ng school ay sinalubong na agad siya ng bff niyang si Leni na isang guro sa paaralan na iyon.

“Bff Debs, naku buti at ako ang unang nakakita sa’yo!”

“Ha? may problema ba?” kunot-noong tanong ni Debbie.

“Ako wala, pero ikaw meron!”

Related Posts

“Sa pagkakaalam ko may stock pa naman akong food sa bahay, ba­yad naman ang electric at water bills ko… wala naman akong ibang utang maliban sa tocino na kinuha ko sa’yo nung makalawa…” alam ni Debbie kung anong tinutukoy ni Leni, gusto lang niyang mag-pretend.

“Debs, this is serious, may nakakita sa inyo, sino ba ‘yon, bakit hindi ko alam?” kunot-noong tanong ni Leni habang sinasabayan ang kaibigan patungong library.

“A ‘yon ba, wala ‘yon, nakulong ako sa banyo kahapon, tinulungan niya akong makalabas, ‘yon lang.”

“Tinulungan ka niyang makalabas, pero pareho kayong galing sa loob?”

“E kasi nga, dumaan siya doon sa bintana ng banyo.”

“E bakit…” bago pa maituloy ni Leni ang susunod na tanong ay sumenyas na si Debbie ng stop.

“Bff gano’n lang kasimple ‘yon, sobrang bad timing lang talaga na natiyempuhan nila kaming palabas ng banyo, pero I SWEAR wala talaga kaming ginawang masama doon sa loob! Kilala mo naman ako! Saka  ang lalaking ‘yon, nakakaasar ang pagmumukha niya!” apela ni Debbie.

“Ganern? Kunsabagay, syempre naman naniniwala ako sa’yo, kaya lang paano ‘yung iba, siguradong nasa hot seat ka ngaun ng topic nila!”

Nasa harap na sila ng library. Kinuha ni Debbie ang susi niya sa bag at binuksan ang pinto.
“Expected ko na, pero lilipas din ‘yon.”

“Hindi ka nag-aalala na masira ang reputasyon mo?”

Pumasok na sa loob ng library si Debbie kasunod si Leni.

“Hindi.”

“Pwes ako ang nag-aalala para sa’yo.”

“No need, ano ka ba.” natatawang sagot ni Debbie.

“Okay, nag-alala lang naman ang bestfriend mo, pero kung okay ka lang e ‘di okay lang din ako, pero ‘wag kang mag-alala, ipagtatanggol kita sa kanila!” nakangiting sabi ni Leni. (Itutuloy)