Una sa Balita

Sweet Scam Romance

By
0 964

Ika-39 na labas

“Alex… we’re friends…”

“Yeah, I know that… however, I can’t help myself from thinking of you… but it doesn’t mean you have to answer now, I can wait for how long it would takes…”

Walang maapuhap na sagot si Debbie. Bagama’t nararamdaman na niya sa mga kilos at salita ni Alex ang tila espesyal nitong pagtingin sa kanya ay ayaw pa rin niyang mag-assume. Pero eto na sa harapan niya ang kumpirmasyon sa kanyang mga hinala.

“A-Alex, sorry… I don’t know what to say…but… I want to be honest with you… I like you as my friend… my dear friend.”
“Like I said, I can wait Debbie…”

Malalim na ang gabi subalit gising pa rin si Debbie. Nakasandal siya sa pintuan ng apartment at nakatanaw sa labas. Nilapitan siya ni Mabel.
“Tita…”

“Mukhang malalim ang iniisip mo ah, kanina pa nakaalis si Alex pero hanggang ngayon nandiyan ka pa rin sa pintuan.
Tumingin si Debbie sa tita niya.

“Alam mo Debs, kahit hindi ka magsabi sa akin, alam ko, nakikita ko ang espesyal na namamagitan sa inyong dalawa.”

“Magkaibigan lang kami ni Alex tita…”
“Talaga ba? kung gano’n may problema ba sa friendship n’yo at mukhang hindi maganda ang aura mo diyan?”

Muling tumanaw sa malayo si Debbie bago sinagot ang tanong ng tiyahin.
“Kasi naman po ‘tong si Alex eh, nagtapat sa’kin kanina…”
Napangiti si Mabel sa narinig.

“O, e, anong problema, wala ka bang feelings sa kanya? Gwapo, mabait, ano pa ba?”
“Iyon na nga ang problema tita eh… ‘yung feelings ko…”
Saglit na natahimik si Mabel bago muling nagsalita.

“Baka naman hindi naman siya nagmamadali, bigyan mo lang siya ng pagkakataon at sigurado akong matututunan mo rin siyang mahalin.”
“Pero kasi Tita Mabel… may iba na po akong minamahal…”

Minamahal? Hindi makapaniwala si ­Debbie na lumabas sa bibig niya ang salitang iyon. #minamahal.
Nabigla si Mabel.

Related Posts

“M-may minamahal ka na? pero sino?”
“S-si…”
“Sige na tell me, tayong dalawa na nga lang dito maglilihiman pa ba?”
Saglit na katahimikan bago sumagot si Debbie.

“Si George… si George ang mahal ko tita… at nasa Pilipinas siya…”

“Gano’n ba, I don’t know him… pero kung wala naman siyang sabit at kung sa tingin mo mutual ang feelings n’yo let him know o baka naman alam na niya? ‘Wag kang magpatumpik-tumpik at baka mawala ang chance!”

“I guess you’re right tita…”
Kahit nagkaka-chat sila ni Leni ay hindi sinabi ni Debbie ang balak niyang pagbabakasyon sa Pilipinas. Gusto niya itong sorpresahin. At gusto rin niyang maging sorpresa para kay George ang pagbabalik niya.

Mula sa airport ay sa bahay na ni Leni dumiretso si Debbie. Deep inside ay excited siyang makitang muli si George at ang magiging reaction nito pagkakita sa kanya matapos ang halos dalawang taon nilang hindi pagkikita.

Napanganga si Leni nang mabungaran sa ­pintuan si Debbie.
“B-BFF?”
“Surprise!” nakangiting bati ni Debbie.

Agad nagyakap ang magkaibigan.
“Lukaret ka, ba’t ‘di ka nagsabing uuwi ka?”
“Surprise nga ‘diba!”

Kanina pa sila nagkukuwentuhan pero ni anino ni George ay hindi pa nakikita ni Debbie at hindi rin ito nababanggit ni Leni sa usapan nila habang magkasalo sila sa lunch.

“Alam mo bff na-miss ko ‘tong adobo mo, iba kasi ang style ng adobo ni Tita Mabel!”
“Talaga?”

“Yup. Ang totoo nga niyan, ang dami kong ­na-miss dito sa ‘Pinas…”
“I know bff, maraming bagay dito na wala doon.”

“Korek…” gustung-gusto na ni Debbie na sabihin kay Leni na na-miss din niya ang pinsan nito.

“And I’m sure, may isang tao kang sobrang na-miss, diba?”
Kinabahan si Debbie kung si George na ba ang tinutukoy nito.
“S-si…”

“Ano ka ba, kailangan mo pa bang i-guess hindi ka pa ba sure?”
“Okay, alam ko na kung sino ang tinutukoy mo…”
“Good, no other than… ME! Your bff, right?”

Natawa si Debbie sa sinabi ng kaibigan.
“Oh, ba’t ganyan ang tawa mo, ‘wag mong sabihing hindi mo ko na-miss?” kunwa’y nagtampo si Leni.

“Syempre na-miss kita, ng sobra-sobra…pero…”
“Pero meron ka pang ibang na-miss tama ba’ko?”
Iba ang isinagot ni Debbie. (Itutuloy)