Una sa Balita

Sweet Scam Romance

By
0 964

Ika-38 na labas

“Oo naman, ‘di ba nga parang ako ikaw, sanay tayong mag-isa!” natatawang sagot ni Mabel na tumanda nang dalaga, sa edad na 50 ay hindi na ito nagkainteres pa sa sariling lovelife.

Abante Hiring – IT dep

Natigilan si Debbie. Tatanda ba talaga siyang dalaga tulad ng tita niya?

Naupo si Mabel sa sofa. Sinundan siya ni Debbie.

“Tita, matanong lang kita, tinanggap mo na ba sa sarili mo na single ka na lang for life?”

“What a question! Pero sasagutin kita, oo as in oo, kasi wala naman akong magagawa kung hindi ako binigyan ni Lord ng partner, at least masaya naman ako sa buhay ko.”

Napabuntong hininga si Debbie kaya tinitigan siya ng tita niya.

“Hoy, alam ko ayaw mo maging katulad ko, bata ka pa naman, may chance ka pa,” natatawang sabi nito.

“Bata pa ba talaga ko? 37 na ko tita… at hanggang ngayon wala pa rin akong boyfriend.”

“Nakakapagtaka nga eh, kasi maganda ka kaya! Teka, baka naman may attitude ka?”

“Kilala mo naman ako eh, siguro paminsan-minsan meron depende sa trato sa’kin ng tao.”

“Pwes you have to change that attitude, baka kailangan maging positive ka all the time para may makapansin sa’yo!” biro pa ni Mabel sa pamangkin.

“Ha ha nakakatawa.” Poker face na tugon ni Debbie.

“Maiba ako, galingan mo sa trabaho ha, para hindi ako mapahiya do’n sa kaibigan ko na may-ari nu’ng prutasan na pagtatrabahuhan mo.”

“Opo naman tita, diyan ako mana sa’yo, pagdating sa trabaho seryoso ako.”

“Good!”

Nagsimula na sa trabaho niya bilang fruit picker si Debbie. Hindi ito gano’n kadali tulad ng inaasahan niya. Mabuti na lang at may experience siya sa agriculture lalo pa at lumaki siya sa bukid bago nagpatuloy ng college sa Manila. At mabuti na lang din may mga bagong kaibigan siyang umaalalay sa kanya.

“Debbie, water?” Si Alex. Half American half Portuguese. Katrabaho niya si Alex na matagal na sa lugar na ‘yon.

“Thank you.” Tinanggap ng dalaga ang mineral water na iniaabot nito.

Napatigil si Debbie sa pag-inom nang mapansing tinititigan siya ni Alex.

“What?”

“Nothing. I just wanna look at you.” Nakangiting sagot ng binata.

“You staring at me.”

Related Posts

“I did?” biro ng lalaki.

“Yes you did.” Nakangiti na ring tugon ng dalaga.

“Well, it’s because you are beautiful.”

Hindi nakasagot si Debbie. Joke lang din ba ‘yon o totoo?

After work ay pagod na ibinagsak ni Debbie ang katawan sa kama. Laman ng isip niya si George at ang halik nito.

“Kumusta na kaya siya… ano kayang ginagawa niya ngayon? Naiisip din kaya niya ko sa mga oras na ‘to?”

Tumagilid ng higa si Debbie. Maya-maya ay dumapa. Tapos ay tumihaya. Naroong pumikit at dumilat siya subalit nanatiling nakapagkit sa isipan niya ang imahe ni George at ang matamis nitong halik.

Mabilis na lumipas ang mga araw. At bawat araw na lumilipas ay nagiging malapit sa isa’t isa sina Debbie at Alex.

Rest day nila pareho. Hindi inaasahan ni Debbie na magiging bisita niya si Alex.

“Alex!”

“Good evening Debbie!”

Ang higit na ikinagulat ng dalaga ay ang dala nitong bulaklak para sa kanya.

“Wow, thank you Alex!” anang dalaga habang inaabot ang boquet ng sunflowers mula kay Alex.

“You are always welcome, to my life and to my heart!”

“Maka-segway wagas…” mahinang sabi ni Debbie.

“What do you say?”

“Nothing.”

Pinaupo niya ito sa sofa katabi niya.

“What do you want, juice, tea or coffee?”

“Maybe it’s you that I want.”

Natawa si Debbie. Inilapag nito ang bulaklak sa center table bago muling nagsalita.

“Wait, so what are you trying to say, what does that mean?”

“Well… sorry if I’m a bit forward but I really think about it… about my feelings for you…”

Natigilan si Debbie. (Itutuloy)