Una sa Balita

Sweet Scam Romance

By
0 549

Ika-37na labas

Lumalakad na palayo si Debbie nang tawagin siya ni Ram.

“MADAM DEBS!”

uminto ang dalaga pero hindi lumingon.

“Sorry po sa lahat… m-mamimiss ka po na­ming…”

Dahil sa narinig ay napalingon si Debbie. Nakatingin sa kanya ang buong grupo. Isang tipid na ngiti at pagtango ang itinugon niya sa mga ito. Muli siyang lumakad palayo pero muli ring pumihit at humarap sa grupo saka sumigaw.

“Hoy kayo, ga-graduate kayong lahat ha!” nakangiti niyang sigaw sa mga ito.

“Opo Madam Debs!” Halos sabay-sabay ring pasigaw na sagot ng grupo.

Lumalakad na ulit palapit sa gate si Debbie nang bigla siyang matapilok sa nakahambalang na bato sa daanan. Unti-unti ang pagbagsak niya at habang bumabagsak ay nag-iisip siya kung ang grupo pa rin ba ni Ram ang may kagagawan nito o si George?

Alerto namang maglalapitan sa kanya ang grupo para tulungan siyang makatayo pero mas mabilis si George na tumakbo kaysa sa kanila.

“W-wait, wait, wait, kaya ko okay?” pigil ni Debbie sa tangka ni George na tulungan siya.

Nilingon ng dalaga ang grupo ni Ram at balak sanang sa mga ito magpatulong pero biglang tumunog ang bell kaya mabilis na nagpulasan pabalik sa kani-kanilang silid ang mga ito.

“Debbie, sa ayaw at sa gusto mo tutulungan pa rin kita.” Pagkasabi niyon ay walang anumang hinawakan ni George ang braso ng dalaga at maingat itong itinayo.

Hindi makatayo nang diretso si Debbie dahil sa napasamang pagkakalinsad ng isang paa niya kaya naman no choice siya kundi magpaalalay sa binata hanggang sa sakayan.

Related Posts

“George, in-e-expect mo bang magpapasalamat ako sa’yo?” naisipan niyang itanong sa binata.

Umiling ang lalaki.

“Ako pa nga ang dapat magpasalamat sa’yo, kasi hinayaan mo akong tulungan ka… sana hayaan mo na rin akong maging bahagi ng buhay mo… bilang ako…‘yung totoong ako…”

Hindi makasagot si Debbie. Sa mga sandaling iyon ay wala siyang maisip sabihin. Tila may pagkakagulong nangyayari sa loob ng dibdib niya. Mga pakiramdam na hindi magkasundo sa dapat at hindi dapat.

Hanggang sa may dumaang jeep at walang kibong sumakay dito ang dalaga.

“Debbie…” halos pabulong na lang iyon na nasambit ni George.

Habang lulan ng eroplano ay mabigat ang pakiramdam ni Debbie. Hindi niya sigurado kung ikinakalungkot ba niya ang unang pagkakataon na lilisanin niya ang bansa o natatakot siya sa kakaharaping pakikipagsapalaran sa ibang bansa o dahil sa tuluyan niyang pagkakalayo kay Geogre?

Napahugot ng malalim na hininga ang dalaga. Napapikit siya. Mukhang ang ikatlo sa pinagpilian niyang dahilan ang sagot sa katanungan niya.

“No, hindi pwede ‘to…”

Naalala niya ang kauna-unahang halik na natikman niya mula sa mga labi ni George. Isang saglit lang iyon subalit tila pinupunuan nito ang oras niya.

“’Wag mo siyang isipin Debbie, please… please… please…”

Sa apartment ng Tita Mabel niya tumuloy si Debbie sa Canada.

“Wow Tita Mabel, ang laki pala ng apartment mo!” inililibot ni Debbie ang paningin habang inilalapag ang dalang bagahe sa floor.

“Medyo lang, pero tamang-tama kasi dalawa ang room dito kaya hindi natin kailangang mag-share sa isang room.”

“Mag-isa ka lang ba talaga rito?” (Itutuloy)