Una sa Balita

Sweet Scam Romance

By
0 964

Ika-36 na labas

“Pakibuksan ang pinto pwede?” sigaw ni Debbie.

Walang tugon. Kinuha ni Debbie ang cellphone sa bag at dinayal ang number ni Leni.

“Come on bff, pick up your phone.”

Sa mga sandaling iyon ay abala sa klase niya si Leni kaya hindi nito napapansin ang pagtunog ng cellphone na nasa loob ng bag.

Sinubukan naman ni Debbie na tawagan ang ka-close niyang guwardiya sa school. Subalit busy ang phone nito. Malamang may kausap.

Pinindot-pindot ni Debbie ang switch ng ilaw, pero mukhang kasama talaga sa plano ito. Ayaw magbukas. Napilitan ang dalaga na bumalik sa table niya at naghintay ng mga susunod na mangyayari habang patuloy na idina-dial ang numero ni Leni.

Maya-maya ay naisipan ni Debbie na muling tumayo. Kahit papa’no naman ay may konting liwanag pa rin sa loob ng silid mula sa dalawang maliit na bintana. Humakbang siya patungo sa hanay ng mga aklat at kumuha ng isa. Bubuklatin na lang niya ito nang makarinig siya ng tunog ng gitara. Nagmula iyon sa likuran ng hanay ng mga aklat.

Intro ng “It Might Be You” ang naririnig niya. Kasunod noon ang marahang paghakbang ng lalaki palapit sa kanya habang patuloy sa pagtipa.

“P-paano ka nakapasok dito?”

“Nalaman ko kasing pupunta ka ditto… kaya inunahan na kita… I was hiding inside…” sagot ni George habang patuloy sa pagtipa sa intro ng kanta.

“So, ito ba ang plano mo, ikulong ako dito, patayin ang ilaw at tugtugan ako?”

“Isn’t it romantic?” nakangiting tanong ng binata.

“Romantic? Alam mo ba ang meaning ng romantic?”

“Para sa’kin ang meaning ng romantic ay ‘IKAW AT AKO’ gets mo?”

Saglit na natigilan si Debbie.

“H-hindi, hindi kita maintindihan… kung forgiveness ang gusto mo, sige, ibibigay ko ‘yon sa’yo, tutal naman hindi na tayo magkikita…”

Si George naman ang saglit na natigilan. Binitawan nito ang gitara at isinandal sa tabi bago muling humarap kay Debbie.

Hindi agad nakahuma ang dalaga nang biglang hawakan ni George ang mga kamay niya bago ito nagsalita.

Related Posts

“Debs, manhid ka ba talaga o nagtatanga-tangahan ka lang?”

“Wow, ang sweet naman ng tanong mo!” asar na sagot ng dalaga.

“At gusto ko rin ng sweet na sagot mula sa’yo.”

Napangiti si Debbie. Tinangka niyang bawiin ang mga kamay niya mula sa pagkakahawak ni George pero mas lalo lang nitong hinigpitan ang hawak sa kanya.

“Okay, gusto mo ng sweet na sagot?… It might be candy, chocolates or sugar.”

“Or it might be a kiss…” pagkasabi niyon ay walang sabi-sabing inilapat ni George ang mga labi niya sa labi ng dalaga.

Nabigla si Debbie. Nanlaki ang mga mata niya at ang mga labi ay hindi nagawang iiwas sa isang halik na ngayon lang niya natikman sa tanang buhay niya. Daig pa niya ang natuklaw ng ahas. Napakabanayad lang ng halik na iyon subalit pakiramdam niya ay sobrang wild.

‘Yung tipong nakasakay siya sa isang roller coaster at anumang oras ay mahuhulog siya.

Mapapapikit na sana siya nang biglang bawiin ni George ang mga labi at…
“How is that? You didn’t expect that, did you?” nakangiting tanong ng binata.

Isang malakas na sampal naman sa pisngi ng lalaki ang naging tugon ni Debbie.

“You didn’t expect that too, did you?” ulit nito sa tanong ni George.

Hindi nakakibo si George. Kasabay no’n ang pagtalikod sa kanya ni Debbie. Hinablot nito ang shoulder bag sa table at mabilis na lumakad patungong pintuan. Subalit napahinto ito dahil nakasara pa rin ang pinto. Nilingon niya ang binata.

“Diyan ka lang, ‘wag na ‘wag mo akong susundan.”

Pero hindi makaalis ang dalaga sa kinatatayuan dahil nanatiling nakasara ang pintuan.

“Debbie, I’m sorry…” narinig niyang sabi ng binata.

May tinawagan si George sa phone.

“Sige na, buksan n’yo na.”

Agad namang nagbukas ang pintuan ng library. Bumungad kay Debbie ang grupo ni Ram. Lumapit si Ram sa dalaga at iniabot ang isang boquet ng red roses.

Nagulat si Debbie pero hindi siya nagpahalata. Tinanggap niya ang bulaklak para idiretso lamang iyon sa basurahan na nasa gilid.

“Salamat sa effort n’yo Ram.” Sabay talikod nito. (Itutuloy)