Una sa Balita

Sweet Scam Romance

By
0 964

Ika-35 na labas

“Ahm, nay, tay ‘wag po kayong mag-alala, titingnan ko po ang magagawa ko sa problema natin sa bukid.” Pag-iiba na ng dalaga sa usapan.

Nakabalik na sa Manila si Debbie. Bisita niya si Leni ng araw na ‘yon.

“Bff, hindi na ba talaga kita mapipigilan?” si Leni. Magkatabi silang nakaupo sa sofa habang nanonood ng t.v. at kumakain ng pop corn.

“Wag ka ng magsa­yang ng effort kasi final na ang desisyon ko…saka nakakahiya naman sa tita ko sa Canada na nag-recommend sa’kin do’n sa pinagtatrabahuhan niya kung magba-back out lang ako diba?”

“E pa’no si George?”

Napatingin si Debbie kay Leni.

Related Posts

“Anong pa’no si George?” ulit tanong ni Debbie.

“Ang ibig kong sabihin, hindi mo pa rin ba siya mapapatawad? Alam mo ang laki na ng pinagbago niya, saka sabi niya tumiwalag na siya dun sa grupo ng mga scammers…saka ginawa lang naman daw niya ‘yon dahil sa pagrerebelde niya sa dad niya. May personal argument kasi sila…saka…”

“Saka ano pa? kailan ka pa naging abogado ng pinsan mo?”

“Sus, ito naman, hindi naman sa ipinagtatanggol ko ‘yung pinsan ko, gusto ko lang na bago ka umalis e maiwan na ‘yung mga mabibigat na bagahe mo dito sa Pinas.”

Hindi kumibo si Debbie.

3 days bago ang kanyang flight. Binalikan ni Debbie ang library na naging pangalawang tahanan na niya sa loob ng mahabang panahon. Pinayagan naman siya ng principal na bisitahin ang library room bilang pamamaalam.

Naupo siya sa table niya at sinariwa ang mga alaala doon na karamihan naman ay pangkaraniwang alaala lang. Maliban sa pagdating ni George sa buhay niya. Naging saksi ang silid aklatan na ito sa mga pang-aasar at pangungulit nito sa kanya. And speaking of kulit, siguradong mami-miss niya ang grupo ni Ram na wala ng ginawa kundi asarin siya.

Nasa ganoon siyang isipin nang biglang mamatay ang ilaw. Kasunod noon ay sumara ang pinto. Agad tumayo si Debbie at tinangkang buksan ang pinto subalit naka-lock na ito.

“Eto na naman sila…hindi talaga nila ako titigilan hanggang sa huling sandali…” ang grupo ni Ram ang nasa isip ni Debbie. (Itutuloy)