Una sa Balita

Sweet Scam Romance

By
0 964

Ika-33 na labas

Napa-second look pa si Debbie nang maramdaman ang presensya niya.Inunahan na niya ito sa pagsasalita.

“Anong ginagawa ko rito? Eto oh, dinalhan lang kita ng merienda…b-baka kasi nagugutom ka na…” inilapag ni George ang isang styro ng bibingka sa mesa ni Debbie.

Ang sinabi ni George ay sinundan ng tuksuhan ng mga estudyanteng nandoon lalo na ang grupo ni Ram na pumito pa.

Hindi naman maipinta ang mukha ng dalaga. Isinara nito ang binabasang libro at tumayo.

“Mukha ba akong gutom? At kahit mamatay ako sa gutom, hindi ako kakain ng galing sa’yo, kaya sige na, iuwi mo na ‘yang merienda mo!”

Pero hindi tuminag ang lalaki. Desidido naman si Debbie na paalisin ito kung kinakailangan na ipagtulakan niya ito palabas ay gagawin niya mawala lang ito sa paningin niya.

Subalit paghakbang niya palapit dito ay naapakan niya ang balat ng saging na inihagis kanina ni Ram kaya na-out of balance siya at muntik bumagsak sa sahig kundi lang naagapan at nasalo ng mga braso ni George.

Muli ay umugong ang malakas na tuksuhan ng mga estudyante na may kasamang sipol.

At tulad sa mga eksena sa pelikula, ay saglit na tumigil ang pag-ikot ng mundo nang magtama ang kanilang paningin. Nakiraan si Kupido at bumulong sa hangin na nagsasabing ang dalawang pusong ito ay itinakda para sa isa’t isa sa tamang panahon.

Tila nahimasmasan namang galit na kumawala si Debbie mula sa mga braso ni George.

“Wag mo nang hintaying ipagtulakan pa kita palabas George!”

“Okay, aalis na muna ako…babalik na lang ako pag maganda na ang mood mo…”
Nagtawanan pa ang grupo ni Ram sa tinuran ng binata.

Nang makaalis si George ay binalingan ni Debbie ang mga estudyante.

“Sino ang nagtapon ng balat ng saging dito?”

Wala siyang nakuhang sagot, lahat ay yumuko at nagbisi-bisihan sa mga libro.

“Okay, kung sinuman ang makakapagsabi sa akin kung sino ang may kagagawan nito ay bibigyan ko ng 300 worth of gift check!”

Agad tumaas ng kamay ang isang babaeng estudyante na nakaupo sa pinakasulok na bahagi ng library.

“Sino Lilet?”

Inginuso nito si Ram na nasa bandang unahan. Kulang na lang ay mag-transform si Ram na beast sa sobrang beast mode nito kay Lilet na tila minime ni Debbie dahil parehong nakasalamin ang mga ito.

Dahil doon, sa guidance ang bagsak ni Ram.

Related Posts

Uwian.

“Bff!” tawag ni Leni na humahabol sa mabilis na lakad ni Debbie.

Huminto sa paglakad si Debbie at hinintay na makalapit ang kaibigan.

“O bakit Leni?”

“Pwede ba’kong matulog sa apt mo?”

Napakunot noo pero nakangiti si Debbie nang sumagot.

“Bakit? iko-comfort mo ko gano’n ba?”

“Parang gano’n, pero more than that, miss na talaga kita…”

“Asus, lagi naman tayong nagkikita dito sa school diba?”

“Ang tagal mo kayang nag-leave, saka hindi naman tayo makapagkuwentuhan ng matagal dito, teka, ayaw mo ba’kong makasama?” may himig pagdaramdam ang tinig ni Leni.

“Hindi naman sa gano’n, baka lang kasi masyado kang nag-aalala sa’kin, don’t worry I’ll be fine.”

“Yes you’ll be fine, but not yet, baka lang gusto mo ng kausap.”

“E ‘di iko-comfort mo nga ako!” sinabayan ni Debbie ng lakad ang pagkasabi niya no’n.

“Yes or no?” natatawang tanong ni Leni.

“Yes of course!” nakatawa ring sagot ni Debbie.

Gabi. Nag-volunteer si Leni na magluto ng hapunan para sa kanila ni Debbie. Ang paboritong ulam nito na adobong baboy ang niluto niya. Gumawa rin siya ng dessert na vegetable salad na paborito naman niya.

“Alam mo na-miss ko ‘to…” si Debbie habang magkasalo sila sa hapunan.

“Ang adobo?”

“Ang pagkain…”

Napangiti si Leni.

“I know, kaya nga dinamihan ko ang luto, alam ko naman na hindi ka nagkakakain nitong mga nakaraang araw eh.”

“Pasensya ka na bff, alam mo naman siguro ang pinagdadaanan ko ngayon, pero pansamantala lang naman ‘to diba, sooner makakalimutan ko rin ang lahat.” (Itutuloy)