Una sa Balita

Sweet Scam Romance

By
0 549

Ika-32 na labas

Bumalik si Debbie sa silid at kinuha ang cellphone. Sinadya niyang lakasan ang boses para marinig ni George.

“Hello, Is this police department? Si Devorah Mendoza po ito ng B6 L59 San Agustin, may lalaki po kasing nandito sa apartment ko ngayon at ayaw po niyang umalis… yes po? Opo… kilala ko po siya pero…”
Paglingon ni Debbie sa nakaa

ang na pintuan ng silid ay hindi na niya nakita ang lalaki. Humakbang pa siya palapit sa salas at nasiguro niyang wala na nga ito.

Wala naman talaga siyang kausap sa cellphone.
Habang mag-isang umiinom ng beer si George sa terrace ay nilapitan siya ni Leni.
“O ano na, may development na ba?”

Umiling ang binata.
“Ganyan talaga, kapag malalim ang sugat, kailangan talaga ng sensitibo at medyo matagal na gamutan.”

“Nagtataka lang ako kung bakit…”
“Anong bakit?”

“Na ganoon siya ka-affected… Oo alam ko, mali talaga ang nagawa ko, pero ganoon na ba talaga kalalim ‘yung pagmamahal niya sa isang tao na nakilala lang niya on line at ni hindi pa niya nakikita in person, and even on video chat para masaktan siya ng ganoon din kalalim?”

Lumapit pa ng konti si Leni sa pinsan bago nito sinagot ang tanong.

“Alam mo George, kaming mga babae, drea­mer kami… most of us, fall in love with words… with ideas and thoughts… instead of reality, kaya kapag na-broke kami, it will be the death of us… plus the fact na hindi pa nararanasan ni Debbie ang ma-in love sa isang lalaki na totoo, I mean ‘yung lalaki na nakikita niya in person, nakakausap ng harapan, nahahawakan, kaya nga hindi na ako nagtaka kung nagmahal man siya ng sobra sa isang James Louis na nagpadama sa kanya ng pagmamahal na inakala niyang totoo.

At hindi na rin ako nagtaka kung nasasaktan man siya ngayon ng sobra. Because she did get her hopes up too high, she was in over her head.”

Tinungga ni George ang bote ng beer bago muling nagsalita.
“So I think I need more time for this…”

Related Posts

“Kung hindi rin lang bukal sa loob mo, just get out of this… ako na lang ang bahalang tumulong sa kaibigan ko na maka-move on.”

“No. I’ll stay on this mess until it’s over…”
Tiningnan ni Leni sa mga mata si George.

“May tanong lang ako… paano kung sa’yo naman siya mag-fall, pero wala ka namang feelings sa kanya, maaayos mo pa ba?”

Hindi nakasagot si George. Hindi niya maamin sa pinsan na kaya nga hindi siya basta-basta makalabas sa gusot na ito dahil may feelings na rin siya para kay Debbie. At gagawin niya ang lahat para mabaling sa kanya ang pagtingin ni Debbie na inilaan nito para kay James Louis.

“Nga pala, ano bang paboritong pagkain ni Debbie?” paglilihis ni George sa tanong ni Leni.
“Hmp! Iniba mo talaga ang usapan eh no?… bibingka, kahit anong bibingka, mahilig siya sa matatamis.”

Pilit ibinuhos ni Debbie ang buong atensyon sa trabaho. Halos maya’t maya niyang nililinis ang mga librong nananahimik sa mga book shelves at rocks.

Maya’t maya rin niyang tsinetsek ang status ng mga books na hinihiram at isinosoli sa library. Bantay-sarado rin niya ang mga estudyanteng gumagamit ng library at ‘wag na makarinig siya ng kaunting kaluskos ay sinasaway niya agad ang mga ito.

“Ram, bakit kaya sumungit ulit si Madam Debs?” bulong ng ka-grupo ni Ram.
“Baka LQ sila ng chat mate niya o kaya binlock ng crush niya sa fb!” natatawang sagot ni Ram.

Agad namang napatingin si Debbie sa gawi nila. Bahagyang ibinaba sa ilong ang salamin sa mata at kumunot ang noo. Dahil doon ay napayuko si Ram at kaibigan niya.

Nang hindi na nakatingin si Debbie ay dinukot ni Ram ang isang saging sa loob ng bag niya. Patagong binalatan iyon at kinain. Siniko siya ng barkada. Pero nginisian lang niya ito.

Palihim niyang inihagis ang balat ng saging malapit sa table ng librarian.

Maya-maya pa ay bumungad sa pintuan si George. Hinanap agad ng mga mata niya si Debbie. Nakita niya itong subsob sa pagbabasa ng isang makapal na libro.

Marahan siyang humakbang papasok sa loob. Dahil abala sa pagbabasa ay hindi siya nito namalayan hanggang sa makarating siya sa harapan ng table nito. (Itutuloy)