Una sa Balita

Sweet Scam Romance

By
0 964

Ika-31 na labas

Dahil sa patuloy na pagtawag ng binata ay dahan-dahang napabangon si Debbie. Habang nakatitig sa naka-lock na pintuan ay maliliit ang ginawa niyang paghakbang. Nang makarating sa harap ng pintuan ay pinindot niya nang madiin ang door knob, siniguradong hindi ito mabubuksan. Pagkatapos ay sumandal ito sa pinto.

“Debbie, please, let’s talk, ipapaliwanag ko ang lahat… pakinggan mo lang ako pakiusap? Debbie hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo ako kinakausap…”

Napapikit si Debbie sa pakiusap ni George. Sa isip niya, “Grabe siya, matapos niya akong gawing tanga at paasahin sa isang bagay na hindi totoo, akala ba niya ganoon na lang kadali ang lahat, na makukuha lang sa paliwanag ang lahat? Sa paghingi ng tawad? Ang sakit… ang sakit, sakit…”

Nanatiling walang kibo ang dalaga. Tinakpan niya ng sariling mga kamay ang dalawang teynga upang hindi marinig ang pagsusumamo ni George. Subalit tila kampana itong bumabatinting at pilit na sumisingit sa pandinig niya, kaya nagpasya siyang kunin ang cellphone at headset at saka itinodo ang volume nito.

“Hindi bale nang mabingi ako, ‘wag ko lang siyang marinig!” bulong ni Debbie sa sarili.

“Debs, hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo ako kinakausap!” Wala pa ring sagot mula sa dalaga.

“Okay, fine…” nanlulumong napaupo ang binata.

Kinabukasan.

Unti-unting nagmulat ang mga mata ni Debbie. Nasa teynga pa rin niya ang headset.

Tinanggal niya iyon at inilapag sa side table kasama ang cellphone. Tumayo siya at hinawi ang kurtina sa bintana ng kuwarto.

Sa pagsilip niya sa bintana ay nasilayan niya ang magandang sikat ng araw. At tila bumabati rin ito ng isang magandang umaga sa kanya. Subalit hindi niya ma-appreciate iyon. Ang tanging nakikita ng mga mata niya ay ang maulap na kalangitan na may madilim na kulay.

Humugot ng malalim na buntong hininga ang dalaga bago isinarang muli ang kurtina.

Pagbungad niya sa salas ay nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakahilata sa sofa si George at naghihilik pa.

“A-anong ginagawa ng lalaking ito dito?”

Kinuha niya ang alarm clock sa kuwarto at isinet iyon sa pinakamalapit na minute saka inilaga sa mismong tabi ng teynga ng lalaki.

KRRRIIINNG! KRIIIIING!

Related Posts

Napabalikwas ng bangon si George at kunot-noong napatingin sa dalaga na nakapameywang sa harapan niya.

“Wow! Salamat sa paraan mo ng panggigising ha!” asar niyang sabi.

“Anong akala mo sa apartment ko, hotel?”

“I told you, hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo ako kinakausap…”

“Umalis ka na George, kung hindi baka sa kulungan ka na matulog mamayang gabi!”

“Oo na, sige na, tumawag ka na ng pulis at ipakulong mo na ko, lahat handa kong gawin mapagbayaran ko lang ang mga nagawa ko sa’yo…”

Isang saglit na katahimikan ang lumipas bago muling nagsalita si Debbie.

“Isa lang ang dapat mong gawin, ang umalis ka sa buhay ko.”

Makahulugang napatingin si George sa dalaga. Tinapatan naman ng dalaga ng makahulugan ding tingin ang mga mata nito.

“NO. From now on, I’ll stay in your life whether you like it or not.” Pagkasabi niyon ay tumayo ang lalaki.

Galit naman siyang hinarap n Debbie.

“Gusto mo ng kapatawaran? O sige, pinapatawad na kita, happy ka na? Kuntento ka na? Pwede ka na bang umalis sa bahay ko at sa buhay ko?”

Hinawakan ni George sa braso ang dalaga.

“Hindi ako aalis hangga’t hindi ko nakukuha ang tunay mong kapatawaran Debbie, kung kinakailangang pagsilibihan kita hangga’t nabubuhay ako gagawin ko, magpapaalipin ako sa’yo hanggang sa malinis ko ang sarili ko sa puso mo.”

“Sa puso ko? wala na George, wala na ang puso ko, dinurog mo na, at kahit pulutin mo pa isa-isa hindi mo na ito maibabalik sa dati.”

“Kaya ko Debbie… kakayanin ko…”

“Ilang beses ko nang nabasa ‘yan sa mga pocketbook, ano ang gagawin mo? Paiibigin mo ako para mapatawad kita at makalimutan ko ang James Louis na nilikha mo sa isip at puso ko? Pwes ngayon pa lang binabalaan na kita, hindi mo na ako mapapaikot sa mga imahinasyon mo o sa kung anupamang dahilan.

Maybe I am good enough person to forgive you someday… but not stupid enough to trust you again… isaksak mo ‘yan sa utak mo!”

Hindi nakakibo si George. Ang mga sinabi ni Debbie ay tila palasong may lason na tumama sa pinaka-sentro ng puso niya. At pakiramdam niya ay unti-unti siyang papatayin ng lason niyon… (Itutuloy)