Una sa Balita

Sweet Scam Romance

By
0 549

Ika-3 na labas

Saglit na nag-isip ang dalaga, ilang beses humakbang at bumalik sa pwesto. Inihanda ang lalamunan, at saka…

Abante Hiring – IT dep

“HOY KAYO DIYAN, NARIRINIG N’YO BA’KO? BUKSAN N’YO ANG PINTUAN, NAKULONG AKO DITO!”

Walang tugon.

“HELLOOOOO!”

Wala pa ring tugon.

“IS ANYBODY THERE?”

Wala talagang tugon.

“Ha alguem la fora?” ang ibig sabihin noon ay MAY TAO BA DIYAN? sa salitang Portuguese.

Pero wala pa rin talagang tugon.

“Darekaga soko ni arimasu” sa Japanese naman iyon.

Walang pag-asa.

Napaupo sa takip ng toilet bowl si Debbie. Pinipigilan lang niya ang sarili na mag-panic, pero gustung-gusto na talaga niya. Nag-aalala siya na mapagsaraduhan siya ng gate ng school at magpa­lipas ng gabi sa loob ng maliit na banyo na ‘yon.

Ilang ulit pa niyang sinubukang kalampagin ang pintuan o kaya’y sira­in ito, pero tila kinulang siya sa lakas. Ni wala naman siyang makitang anumang bagay sa loob ng banyo na ‘yon na pwedeng makatulong sa kanya.

“Hay, ang malas malas ko naman…. nakakalokah ‘to! “ kulang na lang ay mag-walling si Debbie sa sobrang awa sa sarili. Naisip niyang halungkatin ang laman ng shoulder bag, pero wala rin siyang makita sa loob nito na makakatulong sa kanya para mabuksan ang pinto.

Nabigla siya nang masulyapan niya ang ulo ng isang lalaki sa maliit na bintana ng banyo malapit na halos sa kisame. Nakangiti pa ito sa kanya ng ubod ng tamis.

“HOY IKAW, ANONG GINAGAWA MO DIYAN! NAMBOBOSO KA NO? SISIGAW AKO!”

“Grabe ka naman, boso agad? Hind ba pwedeng napasilip lang dito, kanina ka pa nga sigaw ng sigaw eh, daig mo pa ang mega phone!”

Natigilan si Debbie at nabawasan ang kaba. Oo nga pala, kailangan nga pala niya ng tulong.

“Kung gano’n, nandito ka para tulungan ako?”

“Malamang, alangan namang nandito ako para mag-banyo?”

Related Posts

“Pwede ba tama na, bumaba ka na diyan at gawin mo na ang magagawa mo para tulungan ako!”

“Okay relax, bago ko gawin ‘yan, gusto ko munang malaman kung magkano?”

“Magkano?” napakunot ang noo ng dalaga.

“Miss, Mrs, madam o kahit na sino ka pa man, wala ng libre ngayon!”

Saglit na nag-isip si Devorah.

“Oo na, sige na, bente.”

“Ano ako bata?”

“Okay fine, 50 box!”

“Gawin mo ng 100, mahirap kayang lumusot dito!”

Napapikit sa inis si Debbie pero wala naman siyang choice.

“Okay fine, gawin mo na!”

Tila napakadali lang naman para sa lalaki ang ilusot ang buong katawan sa maliit na bintana ng banyo sa itaas. Para itong uod na isiniksik ang sarili saka patalon na bumaba sa loob ng banyo. Mukhang maayos naman ang pananamit nito maski isang simpleng t-shirt at pants lang. Medyo na-out of balance pa ito sa pagtalon kaya naman muntik nang sumablay ng bagsak, kundi lang nahawakan siya ni Debbie sa braso.

“Ooppps!” gulat na reaksyon ng dalaga.

Saglit namang natigilan ang lalaki nang mapa­tingin sa mga matang natatago sa likod ng malinaw na eye glasses. Napatitig siya dito.

“T-teka, anong balak mo ha, may binabalak kang masama ano?”

“Ha? ikaw ang masama eh, ang sama mong mag-isip, may muta ka kaya, gusto mo tanggalin ko? saka ‘yung kamay mo nasa braso ko pa oh, feel na feel mo!”

Agad na tinanggal ni Debbie ang kamay sa braso ng lalaki at tila napapahiyang tinanggal din niya ang salamin sa mata at saka humarap sa salamin sa banyo. Pero wala naman siyang nakitang muta.

“Niloloko mo ba’ko?”

“Oo, ang boring kasi rito sa loob ng banyo eh, siguro kung seksi ka at maganda, malamang hindi ako ma-bored!”

“Umm! Bastos!” sabay hampas ng dalaga sa lalaki.

“Wag mo nga akong hampasin na parang close tayo.” Natatawang sabi ng lalaki habang kinukutingting ng dala niyang back knife ang seradura ng pinto. Kung tutuusin ay pwede naman niya itong gawin sa labas. Pero mas gusto niya itong gawin sa loob.

Habang ginagawa ito ng lalaki ay panay naman ang lihim na pagsulyap ni Debbie rito.

Makahulugan ang mga tingin. Sa tuwing lilingu­nin naman siya nito ay mabilis niyang naiiwas ang tingin. (Itutuloy)