Una sa Balita

Sweet Scam Romance

By
0 549

Ika-28 na labas

Wala pa ring salita.

“Debbie, I’m sorry…”

“Diretsahin mo ako George, gusto ko yung katotohanan mula sa si­mula hanggang sa katapusan ng lahat ng ito.”

Nanatili silang nakatayo. Ilang saglit bago nagpasya si George na simulan ang pagpapaliwanag.

“Nasa America pa lang ako nang sumali ako sa grupong ‘to…isang grupo ng mga scammers through internet. Ginawa ko ‘to bilang pagrerebelde sa dad ko…”

“Scammers?”

“Oo, kami yung nanloloko ng mga tao kali­mitan sa fb  at sa mga dating sites… para ma­ka­kuha ng pera…”

“What?”

“Natural lang na ibang tao ang gagamitin namin, kumuha ng picture ng iba, mag-iba ng pangalan at kung anu-ano pang kasinungalingan ang tatahiin namin mukha lang ang loob ng target namin…2 years na’ko sa ganitong gawain…hanggang sa makilala kita…”

Related Posts

“At ako na ang tinarget mo?”

Hindi makasagot si George.

“So, walang James Louis? Hindi siya nag-eexist? Ang mga picture niya,hindi rin totoo o malamang ibang tao, ganun ba?” natatarantang sunud-sunod na tanong ni Debbie kasabay ng pangingilid ng luha.

Ilang mararahan na pagtango ang naging tugon ni George.

“N-napakasama mo…” anang dalaga sa mahina at naginginig na boses.

Pagkasabi niyon ay isang ubod lakas na sampal ang pinadapo niya sa pisngi ng binata.

“BAKIT AKO? BAKIT AKO? BAKIT AKO?” Pinaghahampas ni Debbie ang binata sa dibdib nito at hinayaan lang siya nito hanggang sa mapagod siya.

“Umalis ka na…umalis ka na…”

“Patawarin mo ako Debbie…”

“UMALIS KA NA!”

Nagkulong sa kuwarto niya si Debbie. Nakaupo  sa kama , yakap ang dalawang tuhod at nakatingin sa isang bagay na tila hindi naman niya nakikita. Sige lang sa pagpatak ang mga luha niya sa magkabilang pisngi.

Oo nga’t maikli pa lang ang panahon na naniwala siya sa isang pag-ibig, pero tila walang katapusan niya itong mararamdaman sa puso. Nakakabaliw isi­pin na all these times wala naman palang James ­Louis! Na ang lahat ay imahinasyon lang ng isang tao na manloloko! (Itutuloy)