Una sa Balita

Sweet Scam Romance

By
0 549

Ika-25 na labas

“Please, I wanna see you, let’s talk through skype just one time.”
Ilang saglit ang lumipas bago nag-reply si James.

Abante Hiring – IT dep

“Okay, I’ll find a way.”
Dahil sa sinabi nito kahit papa’no ay napanatag si Debbie. Sana nga mali siya, sana mali ang mga pagdududa nila ni Leni.

Hatinggabi na nang dumating si George. Bitbit ang mga pinamiling groceries.
“O, ang dami niyan ah, saan ­galing?” tanong ni Leni na nakaupo sa sofa nang makita ang pinsan.

“Sa allowance ko.”
“Galing sa erpat mo?”
“Buti pa ayusin mo na lang itong mga pinamili ko, para sa atin lahat ‘to!”

Sumunod naman si Leni.
“Okay, okay.”
Matapos ayusin ang mga ­pinamili ng pinsan ay tinungo ni Leni ang terrace at naupo doon.

Napatingin sa kanya si George na nanonood ng t.v. Kinuha nito ang remote at pinatay ang t.v. at saka nilapitan ang babae.
“O insan, may problema ba?”

“Ako wala, pero si Debbie mukhang may haharapin siyang problema…”
“Ha? ano naman?”
Tumingin si Leni kay George bago sumagot.

Related Posts

“Alam mo medyo sensitive itong sasabihin ko sa’yo, hindi ko nga alam kung dapat ko ba itong sabihin sa’yo eh…”
“Insan naman, mapagkakatiwalaan mo ako.”

Saglit na nag-isip si Leni bago muling tumugon.
“Nag-aalala ako kay Debs…’yung kasing foreigner na sinagot niya on line e namomroblema raw sa pera, kaya ayun to the rescue siya…pinadalhan niya.”

Hindi nakaimik si George. Tila nag-iisip.
“O, anong masasabi mo diyan, bakit hindi ka na kumibo?”
“H-ha? e kasi… nagulat lang ako, wala kasi sa tipo niya ang gano’n.”

“Hindi naman talaga niya ugali ‘yon, baka lang kasi masyado siyang na-excite na may nagparamdam sa kanya ngayon ng pagmamahal na buong buhay na niyang hinihintay…NBSB kaya yon!”

“Gano’n ba…”
Saglit na namagitan ang katahimikan. Binasag iyon ni Leni.
“Insan, wala ka ba talagang nararamdaman para kay Debs? Iniisip ko kasi baka maisalba natin siya hangga’t maaga?”

“Alam mo kung gusto ko ‘yang bff mo e ‘di sana niligawan ko na…pero ‘wag kang mag-alala pag-iisipan ko, mukha namang hindi mahirap mahalin si Debbie eh.”
“Sira! ‘Di bale na lang baka ikaw pa ang makasakit sa best friend ko!”

Isang oras na mula nang nahiga si George sa higaan. Pero mulat na mulat pa rin ang mga mata niya.

Laman ng isip niya si Debbie. Katulad ni Leni ginugulo rin siya ng mga alalahanin tungkol dito. Pero hindi lang si Debbie ang gumugulo sa isip niya ngayon kundi maging ang mga choices niya sa buhay, ang mga pagdedesisyon niyang hindi niya alam kung saan ba talaga patutungo.

Kinabukasan. Nagtaka si George kung bakit hindi pa pumapasok si Leni. Kinatok niya ito sa kuwarto.
“Insan? Insan?” (Itutuloy)