Una sa Balita

Sweet Scam Romance

By
0 549

Ika-22 na labas

“Oo naman, actually pinuntahan ko talaga si Leni kasi tinawagan niya ako para ipakuha ‘yung naiwan niyang libro sa bahay, and then pinapunta niya ako rito para ibigay sa’yo ‘to,” ani George habang may kinukuha sa likuran niya na nakasingit sa suot na pants.

Isang libro ang iniabot ni George sa dalaga.

“A-ang Nancy Drew book ko!” halata ang sayang rumehistro sa mukha ni Debbie pagkakita sa libro.

“Matagal mo na raw hinahanap ‘yan, sorry daw nasa cabinet lang daw pala niya.”

Binuklat-buklat ni Debbie ang libro at saka niyakap na parang tao na miss na miss na niya.

“O, wala man lang bang thank you diyan?”

“Pakisabi kay Leni salamat!”

“Kay Leni, e sa akin, ako kayang naghatid sa’yo niyan!”

“Oo na, sige na, thank you na, umalis ka na.”

“Ang harsh mo naman sa’kin, hindi mo man lang ba ko pakakapehin muna?” biro ni George.

“Ano ‘to bahay? Sige na, tsupi ka na, non-sense ka namang kausap!” ganting biro ni Debbie sabay talikod sa binata.

Kakamot-kamot ang ulong lumabas ng library si George habang bumubulong sa sarili.

“Non-sense pa lang kausap ha!”

Related Posts

Sinilip pa ni Debbie ang binata kung nakaalis na nga ito.

Pag-uwi sa apartment ay agad nagbukas ng laptop si Debbie. Hindi niya alam kung bakit ganito ang nararamdaman niyang excitement sa tuwing maiisip niya ang James Louis na ‘yon. Sa tinagal-tagal niyang single eversince in her life ay ngayon lang siya nakaramdam ng ganito.

Ang pagkatulala niya kanina ay dinaig ng pagkatulala niya ngayon nang mabasa niya ang pinakabagong mensahe ni James.

“You know what I was thinking lately? I want to visit you in the Philippines, sometime…”
Hindi makapaniwala si Debbie.

“Lord, are you kidding? You must be kidding!” kausap ng dalaga sa sarili habang nakatingin sa altar.

Iniisip niyang magtatalon sa ibabaw ng kama sa tuwa o kaya ay tawagan si Leni agad-agad para ibalita ito pero mas pinili niyang pumikit at isiping mabuti kung gising ba siya sa mga sandaling iyon o nananaginip lang?

“Calm down Devorah… calm down… relax… inhale… exhale… totoo ito, hindi ito panaginip, magkaka-boyfriend ka na!”

Nang mga sandaling iyon ay nakatanggap ng tawag si George mula sa kaibigang si Jesse.
“Tol, ang bagal mo naman, wala pa bang resulta?”

“Easy Jesse, malapit na, saka kare-remit ko lang naman ‘di ba, bakit ba minamadali mo ko?”
“Hindi ako ang nagmamadali, si boss!”

“Oo, na sige na, tawagan na lang kita.” Pagkasabi niyon ay ini-off na ni George ang cellphone niya.

Buong maghapon at magdamag na pinag-isipan ni Debbie kung ibibigay na ba niya ang matamis niyang “Oo” sa lalaking sa internet lang niya nakilala at nakikita. Nakikita? Puro sa picture lang niya nakikita si James. Ayon kasi dito, hindi raw ito mahilig mag-skype at gusto raw nito na maging surprise ang pagkikita nila sa personal.

“Ang weird… pero type ko ang pa-mystery effect niya ha!” kausap ni Debbie sa sarili habang nag-aalmusal ng pandesal at kape.

Matapos mag-almusal ay naligo at nagbihis na si Debbie para magsimba. Hindi siya madalas magsimba pero lahat ng pangyayari sa buhay niya ay sinisiguro niyang nadi-discuss niya kay Lord kahit sa isip lang. Hindi rin siya nakakalimot magdasal bago matulog, pero paggising, madalas ay nalilimutan niya.

Sa simbahan.

“Lord, alam n’yo naman po na buong buhay ko hindi ko pa naranasan ang magka-bf… sa dami ng blessings na ibinigay n’yo po sa akin, hindi ko po alam kung kalabisan na ang hingin ko sa inyo ang pabor na gaya nito… pero hihilingin ko pa rin…

siguro sasabihin n’yo ang shunga-shunga ko kasi ni hindi ko pa nga nakikila sa personal ang taong ito… ni hindi ko pa nga siya nakikilala ng lubos pero heto at hinihiling ko na siya sa inyo… Lord, gusto ko lang naman pong maging Masaya… ‘yung maranasan ko rin kung paano ma-in love, at sa tingin ko ito na nga po… ito na ‘yung love.”
“Matagal ka pa ba?” (Itutuloy)