Una sa Balita

Sweet Scam Romance

By
0 549

Ika-21 na labas

Nagsabay ang tilaok ng manok at tunog ng alarm clock para magi­sing si Debbie. Inabot ng kamay niya ang alarm clock sa ulunan at ini-off iyon saka muling ipinikit ang mga mata.

Nang bigla niyang maalala  ang sign na inaabangan niya kaya agad siyang nagmulat ulit ng mga mata at ang cellphone naman agad ang hinagilap.

“OMG! Lobat talaga?” inis na tumayo si Debbie at hinanap ang charger.

“Di bale, maliligo muna ‘ko, tsek kita later!”

Matapos maligo ay binalikan na niya ang naka-charge na cellphone. Binuksan niya ito at excited na tiningnan ang message.

Natigilan si Debbie.Natulala siya. Nag-iisip kung ano nga ba ang dapat niyang isipin. Hindi siya makapaniwala na bago matapos ang gabi ay may isa pa siyang message. Ang message na ito ang kumumpleto sa isa sa mga signs na hinihingi niya.

Ibinagsak ni Debbie ang katawan sa kama na hawak  ang cellphone sa dibdib. Dapat ba siyang magtatalon sa tuwa o mangamba?

Isang sign na lang ang hinihintay niya bago siya magdesisyon. Habang inaayos niya ang mga libro sa isang book shelve sa library ay lihim siyang sinusundan-sundan ni George. Sinasadya nitong hindi magpakita sa kanya. Nakakaramdam naman si Debbie na tila may aninong bumubuntot sa kanya.

Huminto ang dalaga sa paghakbang. Dahan-dahan siyang lumingon pero wala siyang nakita.Muli siyang nakiramdam. At lumingon pero wala pa rin siyang nakita. Inisa-isa niya ang mga libro sa shelves para punasan habang patuloy na nakikiramdam.

Related Posts

Sa isip niya, kapag ang grupo na naman ito ni Ram ay siguradong ipaga-guidance ulit niya ang mga ito.

Marahan siyang lumakad patungo sa kabilang shelve. Ganoon din si George na nasa kabilang side.Inunahan ni George ang dalaga sa pagdampot sa isang libro na nasa pagitan nila. Kitang-kita niya kung paano ito nagulat.

“GEORGE!”

Patay malisya ang binata na binuklat pa ang libro na kunwa’y babasahin.

“Hoy, bingi ka ba? ano na naman ba ang ginagawa mo dito?”

Sumagot si George nang hindi tumitingin sa dalaga.

“Ano bang ginagawa ng mga pumupunta sa library, syempre magbabasa.”

“At inisin ako? Alam mo kapag nalaman ng principal na ginagawa mong tambayan itong school siguradong pati si Leni mapapagalitan!”

Ibinalik ni George ang libro sa pwesto nito kaya natakpan ang mukha ni Debbie.

Lumigid ang dalaga sa kinaroroonan ng binata na dumampot naman ng iba pang libro.

“Nakikinig ka ba sa sinasabi ko George?” (ITUTULOY)