Una sa Balita

Sweet Scam Romance

By
0 964

Ika-20 na labas

 

“May 3 signs akong winish kay God…una, kapag nakatanggap ako ng eksaktong 10 messages sa kanya sa Sunday, pangalawa kapag ang next photo na ipopost niya ay may kulay na sky blue and lastly kapag sinabi niya sa akin na may plano siyang puntahan ako dito sa Pinas!”

“Wow, parang ang imposible naman nung 10 messages sa Sunday!”

“Let’s see!”

“We’ll see.” Kibit balikat na tugon ni Leni. Dumiretso na siya sa room samantalang back to library naman si Debbie.

Napahinto si Debbie sa paglakad nang mapansin si George na malapit lang pala sa kanila hawak pa ang lata ng pintura. Pero hindi na niya ito pinansin, dumiretso na siya paglalakad patungo sa library. Sinundan siya ng tingin ng binata.

Gabi. Kasalukuyang gumagawa ng lesson plan niya si Leni sa room niya nang katukin siya ni George.

“O insan, bakit?”

“Aalis ako, ‘wag mo na’kong hintayin baka madaling-araw na’ko umuwi eh.”

“Talaga, saan naman ang lakad mo?”

“Basta, trabaho ‘to.”

“Trabaho? “

“Parang call center lang, night shift.” Sabay tapik ni George sa balikat ni Leni.

“Insan walang illegal diyan ha!”

Hindi na sumagot si George sa pahabol ni Leni.

Umaga. Pagmulat pa lang ng mata ni Debbie ay cellphone agad niya ang tsinek niya. Hindi naman siya nabigo dahil may good morning message agad siya mula kay James Louis.

Matapos mag-reply ay nag-scroll naman siya sa newsfeed. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang bagong post ni James. Larawan iyon ng sky. May nakalagay pang time kung kailan iyon kinunan.

Related Posts

“The view from here at 6am in the morning!”

Napabalikwas ng bangon si Debbie. “OMG! SKY is BLUE! Na-grant na ang isa sa mga signs na hinihingi ko, agad-agad?”

Napatingala si Debbie sa Mama Mary na nasa altar niya.

“Thank you po…”

SUNDAY.

Naka-receive ng tawag si Debbie mula kay Leni.

“Sorry Leni, hindi kita masasamahan ngayon, may tinatapos akong libro, wala talaga ako sa mood mag-shopping.”

“Wala ka ba talaga sa mood o nag-aabang ka sa 10 messages na darating ngayong araw na’to ha?”

“Ewan ko sa’yo, tawagan kita mamaya, ayoko lang ma-destruct ngayon sa binabasa ko.”
“Okay fine, enjoy reading!”

Pagkatapos ng pakikipag-usap sa kaibigan ay tsinek agad ni Debbie ang facebook.

“Hmm, 4 messages so far…mahaba pa ang araw, baka lumagpas sa ten…”

Kada oras ay tsinetsek niya ang mensaheng natatanggap. Exactly 7pm 9 messages na ang natatanggap niya mula kay James, ilang oras pa bago matapos ang gabi kaya sure na siya na hindi siya magwawagi ngayon sa sign na hinihingi niya.

Habang mag-isang kumakain ng hapunan ay nakapatong lang sa mesa ang cellphone ni Debbie. Hindi na siya umaasang isang message na lang ang matatanggap niya mula kay James.

Pero sa tuwing tutunog ang cellphone niya ay natataranta siya sa pagtingin kung kanino galing ang message. Mapapahugot siya ng malalim na paghinga kapag nakitang sa ibang fb friend ito nanggaling.

“Okay lang ‘yan Debs, dapat maniwala ka sa sign na hiningi mo kay Lord… dapat maniwala ka kay Lord…kaya pagnabigo ka ngayon, move on agad. Wala ng emo-emo.”

Matapos kumain ay hinugasan na niya ang kinainan. Wala pa ring bagong message.Matapos maghugas ay naligo siya para masarap ang pagtulog niya. Wala pa ring message. Matapos maligo ay tinapos pa niya ang librong hindi niya nagawang tapusin kanina. Wala pa ring message. Alas-onse na ng gabi at nakahiga na siya wala pa ring message.

“Oh God, akala ko sosobra sa message, mukhang nagkamali ako, kakapusin yata!” kausap ni Debbie sa sarili.

Pilit pinaglalabanan ni Debbie ang antok para malaman ang sagot sa kanyang hiling, pero bago pa man mag alas-dose ay naghihilik na siya. (Itutuloy)