Una sa Balita

Sweet Scam Romance

By
0 964

Ika-19 na labas

“Bakit, gano’n din ba kayo nung foreigner mo?”

“Yep! Kita mo naman, it works diba?”

“Ssshhh! ‘wag na kayong maingay lalabas na ang multo.” Muling saway ng nasa unahan.
Galit na bumulong si Leni kay Debbie.

“Ano bang problema niyan, papatulan ko na ‘yan.”

“Wag na nating dagdagan ang problema niya, kaya, sshhh na lang tayo, okay?” bulong din ni Debbie sa kaibigan.

Library. Nagulat si Debbie nang makitang papasok si George sa library bitbit si Ram sa kuwelyo nito.

“GEORGE!”

“Itong mokong na’to, nakita ko may dalang pintura papunta sa likuran ng library, siguro may balak na naman itong kalokohan eh, kaya bago pa niya magawa eto ipinapakita ko na sa’yo.”

“Bitawan mo nga ako, hindi naman ako gagawa ng kalokohan eh!”

Hindi alam ni Debbie kung maiinis siya o matatawa na lang.

“Hay George, bitiwan mo na nga ‘yang mokong na ‘yan.”

“E ‘di bitiwan!” pabalyang pinakawalan ni George ang binatilyo. Dahil pabalya kaya’t na­bitawan din ni Ram ang hawak na lata ng pintura at tumapon ito sa sahig ng library.

“Oh no!” dismayadong bulalas ng dalaga.

“Ahm,sige mauna na’ko ha, may pupuntahan pa kasi ako eh…”

“Teka, teka,teka, bumalik ka nga muna rito!” pigil ni Debbie.

“Nagmamadali ako eh!”

“Ah talaga, sige dahil ikaw naman ang nagdala niyan dito kaya hindi ka makakaalis hangga’t hindi mo nililinis ‘yan, maliwanag?”

Napakamot sa ulo si George.

“Hoy kumag, tulungan mo ako, kasalanan mo to eh!” baling ng binata kay Ram nang humarang na si Debbie sa pintuan.

“Kasi naman nagmamagaling ka, ang pinturang ‘yan gagamitin ni Ram para sa cabinet nila sa physics na pansamantalang inilagay sa likod ng library room hangga’t hindi pa ito napipinturahan, at siya ang kailangang magpintura no’n bilang parusa dahil sa ginawa niyang kalokohan sa kaklase niyang babae nang lagyan niya ng dead lizard ang bag nito.”
Napanganga si George sa sinabi ni Debbie.

“Ano?”

Related Posts

Naiiling na natatawa si Ram.

“Kuya George, bakit ‘di mo na lang kasi diretsahin si Madam Debs kung may gusto ka sa kanya, hindi ‘yung nagpapalapad ka pa ng papel, palpak naman!”

Pinitsarahan ni George ang binatilyo.

“Gusto mo bang gamitin ko ang uniform mo panglampaso sa pinturang ‘yan?”

“Syempre hindi, Madam Debs oh!” sumbong ni Ram sa dalaga.

“Pwede ba tama na ‘yan, umpisahan nyo ang trabaho nyong dalawa, now na!” pagkasabi niyon ay tinalikuran na ni Debbie ang dalawang lalaki.

Naupo si Debbie sa table niya at kinuha ang cellphone. Napangiti siya nang makita may 2 message mula kay James Louis.

Nahuli naman ni George ang mga ngiting iyon. Lihim din siyang napangiti.

“Aba, mukhang may na-receive kang message Madam?” tanong ng binata.

“Pa’no mo naman nasabi?”

“Alam ko na ‘yang mga ganyang ngiti eh.”

“Mind your own business, saka hindi nyo malilinis ng basta ganyan lang ‘yan, kumuha kayo ng pangtanggal diyan sa pintura, may mga gamit do’n sa ibabang cabinet sa stock room, may paint thinner.”

Tumayo si George.

“Yes Madam!”

“Hmp!” sabay irap ng dalaga dito.

Canteen.

“Bff, mukhang napasubo sa’yo ang pinsan ko ah, hanggang ngayon nililinis pa niya ang natapong pintura do’n sa library!” si Leni habang sabay silang kumakain ni Debbie ng merienda sa isang table sa canteen.

“Kasalanan naman niya ‘yon, sa totoo lang, para siyang kabute, bigla-bigla na lang siyang sumusulpot, ayan tuloy napapala niya .”

“Pero in fairness ha, napasaya ka naman niya nung birthday mo diba, ang galing kaya niyang mag-drum!”

“Oo na, pero wala namang kinalaman ‘yon sa…buti pa kumain na lang muna tayo kaysa pag-usapan ang pinsan mo.”

“Asus, okay fine, sabi mo eh, basta pakidalhan mo na lang ng merienda don ang pinsan ko kasi sabi niya tutulungan na rin daw niya si Ram na pinturahan ‘yung cabinet!”

Bago maghiwalay mula sa canteen ay naisipan ni Lenin a uriratin ang kaibigan tungkol sa chat mate nitong foreigner.

“Kailan mo ba siya sasagutin?” (Itutuloy)