Una sa Balita

Sweet Scam Romance

By
0 964

Ika-16 na labas

“Actually, kami ni George, ayaw ka kasi naming iwanan na lasing ka, baka mamaya kung sino pang makapasok dito sa apartment mo, pero sana lang ‘wag mong ibahin ang usapan, dali na, share ka na!”

“Teka, si George? Dito rin siya natulog?”

“Sa sofa, sa salas, pwede ba mamaya na natin pag-usapan si George, ‘yan munang ka-text mo or chat!”

“Okay fine! May chat mate akong isang fo­reigner, James Louis ang name niya and friendship on line lang ang meron kami, satisfied?”

“Wow! I can’t believe this!”

“O ngayon hindi ka naniniwala, buti pa maghahanda na muna ako ng almusal.” Sabay tayo ni Debbie mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama.

“Wait, naniniwala na’ko and I’m happy for you, who knows pareho palang foreigner ang tadhana natin! Finally bff!” habol ni Leni sa kaibigan na palabas na ng pintuan.

“Blah! Blah! Blah!” pang-iinis ni Debbie.

“Sige maghanda ka muna ng almusal, tapos magkuwento ka ha!”

Napahinto si Debbie nang madaanan sa salas si George na tulog na tulog pa. Saglit siyang napatitig dito. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman ng mga sandaling ‘yon. Basta parang may kakaiba.

Almusal.

“Fried rice, egg and hotdog, with banana on the side, sira na naman ang diet ko nito bff!” Si Leni na nagsimula nang sumandok ng sinangag.

“Wala ka bang toasted bread?”

“Wow, nahiya naman ako sa’yo at naghanap ka pa talaga ng ibang almusal makiki-almusal ka na nga lang?” si Debbie sabay irap sa binata.

“Hindi kasi ako mahilig sa sinangag.”

“E ‘di papakin mo na lang ang ulam o kaya mag-saging ka na lang tutal mukha ka namang unggoy!” pang-aasar pa ni Debbie.

“Itong gwapo kong ito? Remind ko lang sa’yo ha, just in case na hindi mo naalala kasi lasing na lasing ka, ako lang naman ang bumuhat sa’yo para makarating ka sa kuwarto mo, utang na loob mo ‘yon sa’kin Miss!”

Natigilan si Debbie.

Related Posts

“Ahm, excuse me, pwede ba kung anuman ang issue ninyong dalawa later na lang after breakfast?” singit ni Leni.

Hindi na kumibo si Debbie. Pilit inaalala ang mga pangyayari kagabi. Natahimik na rin si George pero panay naman ang lihim na pagsulyap sa dalaga habang umiinom ng kape.

“Bff, mauuna na’kong umalis, kasi hindi ko na mahihintay si George, naliligo pa siya, hinihintay na’ko ni Paloma, may bibilhin kaming libro.” Si Leni.

“Okay lang, kaya lang, may dala bang damit ‘yon?”

‘“Wag kang mag-alala, nagbaon talaga kami ng tag-isang set ng damit dahil naisip ko na nga na baka gabihin kaming masyado at hindi kami makauwi.”

“Ah, okay, thank you bff ha, sa effort mo para sa birthday ko.”

“Alam mo naman ang isasagot ko diyan ‘di ba, you’re welcome, pero sana maging okay na rin kayo ng pinsan ko, mabait naman siyang tao, ramdam ko ‘yon kahit ngayon pa lang din kami nagkakasama.”

“Sige na bff, umalis ka na at baka ma-late ka pa sa pupuntahan mo.”

Matapos makipagbeso ay umalis na si Leni.

Naiwan namang nakahalukipkip si Debbie sa pintuan. Hindi siya makapaniwala na sa mga oras na ito ay dalawa na lang sila ni George sa loob ng apartment niya. Ang lalaking kinaiinisan niya ay nasa loob ng banyo niya at naliligo!

Ang lalo pang kinakainis niya ay wiwing-wiwi na siya. Hindi naman niya ito magawang katukin sa banyo. Awkward ‘yon para sa kanya.

Nagpasya siyang papasok na lang muna ng kuwarto nang makasalubong niya si George na galing sa banyo.

“EEEEEEE!” tili niya nang tumambad sa kanya ang kalahating hubad na katawan nito. Nakatapis lang kasi ito ng tuwalya.

“Hoy, ano bang nangyari sa’yo, may sapi ka ba?”

“Anong sapi pinagsasasabi mo diyan? Napakalaswa mo!”

“Ano? Bagong ligo lang ako at nakatuwalya malaswa na, ngayon ka lang ba nakakita ng ganitong katawan?”

Inis na inis na tinalikuran ni Debbie ang lalaki.

Matapos magbihis ay kinatok ni George ang dalaga sa kuwarto nito.

“Manang Debs, aalis na’ko.”

Walang tugon. (Itutuloy)