Una sa Balita

Sweet Scam Romance

By
0 964

Ika-14 na labas

Nang matapos ang dalaga ay nagulat ito nang makita si George sa likuran niya.

“Anong ginagawa mo rito? Hindi ako makukulong sa sarili kong banyo okay, kaya tsupi!” sabay senyas ng dalaga ng alis.

“Nag-alala lang ako sa’yo.”

“Nagpapatawa ka ba? sa tanda kong ‘to inaalala mo ang pagsuka ko?”

“Wala sa edad ‘yan.”

“Ah, sinasabi mo bang nasa pagkatao, mahina ako gano’n ba?”

“Tara balik na tayo do’n, mukha namang okay na okay ka na eh.”

“Oo naman, okay na okay lang ako…” pagkasabi niyon ay gumewang sa paghakbang si Debbie palabas ng banyo. Maagap naman siyang nahawakan ni George sa braso.

“Ano ka ba, kaya ko, buti pa mauna ka na.” inis na sabi ng dalaga.

“Wag ka ng mag-pretend, hindi mo kaya, tutulungan na kita.”

Sabay silang napa­tingin kay Leni na nakatingin din sa kanila.

“Oh, bff ikaw pala, ‘wag mong sabihing nag-aalala ka rin sa’kin?” nangingiting tanong ni Debbie.

“Oo naman. Kaila­ngan mo ng magpahinga.”

“Sshhh! Hindi ko kayo iiwanan, uubusin natin ang mga alak na binili n’yo para sa birthday ko, sasagarin natin ang kasiyahang ngayong gabi!”

“Insan, ako na ang bahala sa bestfriend mo.” Si George.

Related Posts

“Anong ikaw ang ­bahala?”

“Leni, alam ko na’to eh, nangyari na’tong eksenang ‘to, at itong tao na’to mismo ang kasama ko, naalala mo ba ‘yung eskandalong inabot ko sa buong school?”

Nagulat si Leni sa isiniwalat ni Debbie. Nag­lipat ang tingin niya dito at sa pinsan.

“S-si George ‘yung estrangherong lalaking tumulong sa’yo na makalabas sa banyo?”

“Korek! Sorry kung hindi ko agad nasabi sa’yo ha, maski kasi ako hindi makapaniwala eh…”

pagtatapat ni Debbie sa hindi na maayos na boses dahil sa kalasingan.

“Insan, dadalhin ko na siya sa kuwarto niya.”

“George, gusto kong ako na ang gumawa niyan, pero nahihilo na rin talaga ako, kaya sige ipapaubaya ko siya sa’yo pero mangako ka na wala kang gagawin na kahit anong hindi maganda ha!”

“Naman! Anong akala mo sa’kin? Don’t worry good guy ako okay?”
“Okay. I trust you. Babalikan ko muna ang mga kaibigan mo at kailangan ko pa ring ayusin ang mga kalat natin dito.”
“Go ahead.”
Iniwan na ni Leni ang dalawa.
“Grabe, ang sweet talaga ng bff ko no? hanggang sa pagliligpit gagawin niya para sa’kin.”
“Tama ka, masuwerte ka sa kaibigan mo, at masuwerte ka rin dahil nandito ako.”
“Ano?”
Sa halip na sumagot pa ay walang sabi-sabing binuhat ni George ang dalaga.

“Hoy, anong ginagawa mo, ibaba mo nga ako!”

“Oo, ibababa kita, sa kama mo!”

“Hindi, ibaba mo na ako ngayon na!”

Pero diretso lang sa paglakad si George buhat si Debbie hanggang sa makarating sila sa silid nito.

“O, iisa lang naman ang kuwarto dito, malamang ito na ang kuwarto mo!”

Binuksan ni George ng paa niya ang pintuang bahagya lang nakasara.

Nang makapasok sa loob ay maingat niyang ibinaba sa kama si Debbie. Sa sobrang hilo ay hindi na halos maimulat ng dalaga ang mga mata niya. Naupo si George sa gilid ng kama.

Umikot ang paningin niya sa kabuuan ng silid. Napansin niya ang mga nakasinding kandila sa paligid. Naisip niyang isa-isang hipan ang mga ito. (Itutuloy)