Una sa Balita

Sweet Scam Romance

By
0 964

Ika-12 na labas

“Whow! Ang dami mo na palang alam tungkol sa’kin?”

“Nalaman ko lang at nakita ko ang picture n’yo sa facebook, pwede ba, OUT!”

“Sssshhhh!” saway ni Ram na hindi nakatingin sa dalawa.

Sabay namang napalingon sa kanya sina Debbie at George.

“Ano pang hinihintay mo? Out!” sigaw iyon ni Debbie kay George na pabulong.

Pagkatapos ay tinalikuran na nito ang lalaki at inabala ang sarili sa pag-aayos ng napunit na libro.

“Cool! See you later!”

Narinig pa niyang sinabi ni George bago ito tuluyang lumabas sa library. Nang masigurong wala na ang lalaki at nakalabas na rin ang grupo ni Ram ay binalikan ni Debbie ang ka-chat at parang batang nagsumbong dito ng mga nakakainis na pangyayari.

Agad naman siyang kinomfort ng chat mate kaya kahit papa’no ay nabawasan ang nararamdaman niyang inis.

Habang naglalakad sa daan pauwi ay hawak ni George ang cellphone. Napapangiti siya sa binabasang mensahe mula sa ka-chat.

Saturday.

Birthday na ni Debbie. As usual, araw ito ng pagkukulong niya sa sarili. Pinatay lahat ni Debbie ang ilaw sa buong apartment at saka sinindihan ang mga scented candles na ipinalibot niya sa buong silid.

Ang isa ay inilagay niya sa altar, ang isa ay sa ibabaw ng side table niya. Ang iba pa ay nasa iba’t ibang sulok ng bahay. Maghapong patay ang cellphone niya. Gusto lang niyang mapag-isa. Gusto lang niya na dumaan ang araw na ito na tahimik at payapa tulad noong mga nagdaang birthday niya.

Nahiga siya sa kama at ipinikit ang mga mata.

“Good night Debbie…” bulong ni Debbie sa sarili kahit hindi pa naman lumulubog ang araw.
Hanggang sa tuluyan na siyang hilahin ng antok patungo sa panaginip na malayo sa kanyang kamalayan. Pakiramdam niya ay lumilipad siya sa walang kasing lambot na mga ulap na pumoprotekta sa kalangitan.

Related Posts

Hanggang sa ang damdaming nagsisimula na sanang tangayin ng hangin patungo sa kawalan ay nabulabog ng isang ingay na hindi niya inaasahang maririnig sa gitna ng kanyang pag-iisa.

Tunog iyon ng drum. Nagmulat siya ng mga mata at napabalikwas ng bangon. Maingay ang bawat palo sa drum. Dumadagundong iyon sa kanyang pandinig.

“Sa pagkakaalam ko wala naman akong kapitbahay na drummer ah?” kausap ni Debbie sa sarili.

Tumayo ang dalaga at lumabas ng silid. Habang papalapit siya sa pintuan ay papalakas rin nang papalakas ang tunog. Nang magpasya siyang buksan ang pinto ay saka nagkaroon ng direksyon ang tunog ng drum na sinabayan ng electric guitar.

Nanlaki ang teynga ni Debbie at kinilabutan siya nang marinig ang intro ng paborito niyang kanta, “SWEET CHILD OF MINE”. Hindi iyon kilabot ng takot kundi isa iyong matinding emosyon ng kasiyahan na biglang bumalot sa katawan niya. Nakakataas ng balahibo.

Subalit hindi lang iyon ang dahilan ng pagtaas ng mga balahibo niya kundi ang tao na siyang nagmamaniobra sa drum stick.

“George?”

Si George ang nasa drum, may kasama pa itong siyang nagpapatunog ng electric guitar at isa pa. At syempre ang vocalist. Naroon din si Leni sa side na siyang may hawak ng tarpaulin na may nakasulat na…
“Happy birthday BFF!”

Napapailing pero nakangiti si Debbie. Anuman ang hitsura niya mula sa pagbangon ay hindi niya alintana, kahit naka-pajama pa siya.

Nanatili siyang nakatayo sa pintuan at pinanood sila hanggang sa matapos ang kanta.Hindi niya mapigilan ang pangingilid ng luha sa sobrang kasiyahang nararamdaman ng mga sandaling iyon.
“Happy born day bff, ano, nagustuhan mo ba?”

“Ikaw ang utak nito ‘di ba, masasaktan ka kapag sinabi kong hindi ko nagustuhan.”

“Hindi naman ako maniniwala sa’yo na hindi mo nagustuhan eh!”

“Oo na, sige na, nagustuhan ko, pero hindi n’yo naman kailangan ang ganitong effort.”

“Pwede ba magpasalamat ka na lang at papasukin mo muna kami?” singit ni George.

Matapos ligpitin ang mga instrumentong sinetup sa labas ay nagpasukan na sila sa loob. May bitbit silang dalawang case ng beer at mga pulutan.

“Leni, ‘wag mong sabihing kasama tayong iinom ng mga alak na ‘yan?” tanong ni Debbie na pabulong.

“Ano ka ba naman bff, kelan pa ba tayo huling uminom? Sa pagkakatanda ko 2 years ago after akong mabugbog ng ex hubby ko.”

“First and last time ko ‘yon at alam mo naman kung gaano karami ang sinuka ko no’n ‘di ba? Ano ba kasi ang pumasok sa isip mo at sinorpresa mo pa ko ng ganito?” (Itutuloy)