Una sa Balita

Sweet Scam Romance

By
0 964

Ika-11 na labas

“Hindi naman kita binabantayan eh, may iniisip lang ako…”
“Talaga? pwede ko bang malaman?”

“Oo naman, ­actually balak ko ngang humingi ng suggestions sa’yo.”
“So, about what?”

Huminga muna ng malalim si Leni bago sinagot ang pinsan.

“Yung kasing bff ko malapit na ang birthday niya, naisip ko lang tuwing birthday niya palagi na lang siyang umaabsent sa work, tapos nagkukulong siya for the rest of her day sa apartment niya… ang boring no’n diba? what if, bigyan ko siya ng celebration?”

“Ang weird naman ng bff mo!”
“Hindi naman ­masyado, sabihin na lang natin super simple lang siyang tao.”

“Okay, fine, kung ­party ang gusto mo para sa kaibigan mo, aba ipaubaya mo na sa’kin ‘yan!”
“Talaga? pero may kilala ka bang banda na pwede nating arkilahin sa murang halaga lang ha?”

“Banda ba ang type niya?”
“Oo, wala siyang favorite singer, pero marami siyang favorite band!”
“I see… perfect!”
“Bakit perfect?”

“Hindi mo kasi naitatanong dati akong drummer ng isang banda sa America, hindi nga lang kami sumikat pero at least nakapag-perform kami sa ilang kilalang bar doon, and then I have friends here na marunong din tumugtog at kumanta, so we can form a band for you best friend!”

“Wow! Thank you Lord! Parang nakikita ko na kung gaano magiging happy ang bff ko!”
Takang-taka ang grupo ni Ram kung bakit hindi sila sinasaway ni Madam Debs gayong nag-iingay na sila sa loob ng library. Nakayuko ito sa libro na tila busy sa pagbabasa.

“Ram, strategy ba ni Madam Debs na dedmahin tayo?” tanong ng isa.
“Ewan ko, pero tingnan natin kung ‘di pa niya tayo mapansin sa gagawin ko!”

Related Posts

“Anong gagawin mo?”
“Manood ka lang.”
Pinunit ni Ram ang isang pahina ng libro at ginawa itong eroplano.

“Ram, grade school move ‘yang naiisip mo!”saway ng isa.
“So what?”

Walang alinlangang pinalipad ni Ram ang eroplano patungo kay Debbie subalit bago pa ito makarating sa ­dalaga ay nasalo na ito ng ­kamay ni George.

Nagulat pa si ­Debbie nang makitang nasa harapan na niya ang binata hawak ang eroplanong papel.

“Ikaw?”
“Ako nga, pero hindi ako ang piloto ng eroplano na’to, ‘yun oh!” sabay turo ni George sa binatilyo.

Nilapitan ni Debbie si Ram, pero naagaw ang atensyon niya ng punit na libro sa ibabaw ng mahabang mesa.
“Ram, ginawa mo ‘to para inisin ako?”

“S-sorry po Madam Debs…” napayuko ang binatilyo pero halata namang hindi ito sincere sa paghingi ng sorry.

“Makakarating ito sa principal at sisiguraduhin ko sa’yo na kakailanganin mong papuntahin dito ang magulang mo.” Pagkasabi niyon ay kinuha ni Debbie ang libro at dinala sa table niya.

“O, ikaw, anong ginagawa mo rito?”
“Wala naman, napadaan lang ako kasi may pinuntahan ako sa room 341.
“Classroom ni Leni ‘yon.”

“Yep! Siguro naman alam mo na, na magpinsan kami ng bff mo.”
“I don’t care.”

“Wala rin naman akong pakialam, kaya lang naisip ko lang daanan­ ka rito at sabihin na rin sa’yo para naman hindi ka na tanong ng tanong kung anong ginagawa ka rito everytime na makikita mo ko.”

“Bakit, balak mo ba akong daanan dito sa tuwing pupuntahan mo ang pinsan mo, at saka isa pa bakit ba kailangan mo pa ­siyang puntahan dito samantalang magkasama ­naman kayo sa bahay?” (Itutuloy)