Una sa Balita

Sweet Scam Romance

By
0 964

Ika-10 na labas

“Ay kalabaw!” gulat nabulalas ni Debbie nang marinig ang hello ni Leni.
“Excuse me bff ha, tao ako hindi kalabaw okay?”

“Sorry naman, anong ginagawa mo dito, ‘di ba may klase ka pa?”

“Oo nga, ‘yung module ko kasi naiwan ko sa bahay, check ko sana kung meron ka dito.”
“Anong module ba?”

“Hmmm, teka nga muna, ang aliwalas yata ng ganda mo ngayon, bakit ha?” nakangiting tanong ni Leni.

“Anong bakit? sige na sabihin mo na kung anong module ang hihiramin mo at nang makabalik ka na sa klase mo no!”

Sa mga sandaling iyon ay abala rin si George sa pakikipag-chat. Gamit niya ang cellphone habang nakahiga sa sofa. Napapangiti ang binata sa tuwing magre-reply ang ka-chat niya.

Maya-maya lang ay nagpaalam na siya dito. Tumayo siya para kumuha ng tubig.

Umiinom siya ng tubig nang biglang tumunog ang cellphone. Binalikan niya ito sa ibabaw ng center table sa sofa at sinagot ang tawag.

“Tol, bakit?”
“May shifting tayo mamayang gabi 11:00, sharp, sa dati.” Sagot ng kausap.

“O sige, darating ako.”
Gabi. Kausap ni Debbie si Leni sa Skype habang minamanikyuran ang sarili sa salas.

“Hindi ako makatulog bff…” si Leni.
“Bakit naman? Siguro uminom ka na naman ng kape.”

“Oo, pero kanina pa ‘yon, ito kasing si George kung kailan gabi saka naglalakwatsa…”

Natigilan si Debbie. Naalala niya, ang George na pinsan ni Leni na siya ring estrangherong nagbigay sa kanya ng trouble, hindi pa niya iyon nasasabi sa kaibigan.

“O bakit natigilan ka, may nasabi ba’ko, ‘wag mong sabihing nag-aalala ka rin?” nakatawang tanong ni Leni mula sa monitor.

“Hindi, naisip ko lang, baka kung anong illegal ang ginagawa niyang pinsan mo.”

“Illegal talaga? haha! Ikaw naman, wala naman siguro, mukha namang matino ‘yung pinsan kong ‘yon, ang inaalala ko lang baka mapahamak siya.”

“Bakit ‘di mo kaya tawagan?”
“Ginawa ko na, pero naka-off ang cellphone niya.”

“Okay. Next time sabihan mo siya na ipaalam sa’yo kung saang lupalop ng Pilipinas man siya magliliwaliw para hindi ka nag-aalala.”

“Sasabihan ko talaga siya!”
“O sige na, tapos na’kong mag-manicure, matutulog na’ko.”

“Okay, good night bff!”
“Good night, matulog ka na rin ha.”

Matapos makipag-usap sa kaibigan ay tsinek muna ni Debbie kung may message sa kanya si James Louis. Nalungkot siya nang makitang wala itong bagong mensahe.

Related Posts

Hindi pa rin nag-o-online mula kaninang umaga. Ini-off na niya ang laptop at pumasok na sa kuwarto.

Inilatag niya ang katawan sa kama, ipinatong ang mga paa sa pinagpatong na unan sa paanan para masigurong hindi masisira ang pedicure. Ganoon din ang mga kamay, na bagong manicure.

Kinabukasan. Pagmulat pa lang ng mga mata ay hinagilap agad ni Debbie ang cellphone at tsinek kung may bago na siyang message. Hindi naman siya nabigo.

“Hello Devorah! Hope you had a good night sleep, and good morning to you!”
Agad siyang nag-reply.

Matapos mag-reply ay nagtimpla na ng kape ang dalaga at saka naligo. Nang maihanda na ang sarili sa pagpasok sa trabaho ay naisipan niyang humarap sa half body mirror sa kuwarto niya at titigan ang sarili.

“Debs, 36 ka na, malapit na rin ang birthday mo and soon 37 ka na… hindi ako makapaniwala na after all those years hindi mo pa nararanasan ang magka-boyfriend man lang? pero ngayon, sana bago ka tuluyang maiwan ng love bus ay matagpuan mo na ‘yung prinsipe mo… at mukhang hindi siya tagarito…”

Napangiti si Deborah sa isiping iyon.

“Hay, ano ka ba Debs, chat mate lang kayo, friendship on line lang ang meron kayo, ‘wag ka ngang mag-assume diyan… pero, ‘wag kang mag-alala, ‘wag kang mawalan ng pag-asa, malay mo ‘di ba? malay mo… baka siya na nga ‘yung hinihintay mo…”

Matapos kausapin ang sarili sa harap ng salamin ay tumayo na ang dalaga at kinuha ang shoulder bag.

Kumakain ng tanghalian si George nang tumunog ang cellphone niya. Long distance call iyon mula sa ama. Saglit niyang tinitigan ang cellphone na patuloy sa pagtunog bago iyon pinatay.
Nalungkot si Debbie nang makitang nag-log out ang chat mate niya.

“Grabe, hindi man lang siya nagpaalam?”

Agad niyang itinago ang cellphone sa bulsa ng blouse na uniform nang makitang palapit na si Leni sa table nila dala ang sarili nitong tray ng pagkain.

“O, bakit ‘di ka pa kumakain?” nagtatakang tanong ni Leni nang makitang wala pang bawas ang pagkain ng kaibigan samantalang kanina pa ito naka-order.

“Ano ka ba, syempre hinihintay kita.” Pagkakaila ni Debbie. Kahit ang totoo ay nagiging busy na siya lately sa pakikipag-chat niya.

“Okay fine, let’s eat!”
“Bff, kamusta na nga pala kayo nung kano mo?”

“Maka-kano ka naman, bf ko, ayun back to America siya, pero nangako siya na babalik siya dito para magbakasyon!”

“Talaga? e, alam na ba’to ng ex hubby mo?”

“Ano ka ba naman, hiwalay na kami ‘di ba, so wa na’ko care kung malaman man niya o hindi, hindi ko nga rin alam kung meron na rin siyang iba o ano eh…”

“Okay, happy ako para sa’yo.”

“Thank you, expected ko naman ‘yon mula sa’yo, sana lang this time no regrets na.”

Masaya talaga si Debbie para sa kaibigan at hinihiling niya na ganito rin ang mangyari sa kanya. Hindi pa huli ang lahat, makakahabol pa siya sa love bus.

Gabi.

“O, insan, bakit gising ka pa, sinabi ko naman sa’yo wala akong lakad ngayon?” si George, habang palapit kay Leni na nakaupo sa terrace at tila malalim ang iniisip. (Itutuloy)