Una sa Balita

Sweet Dreams napalaban kay Cole Is Bright

By
0 272

Napalaban nang todo ang liyamadong Sweet Dreams matapos ­siyang pahirapan ni Cole Is Bright sa Condition Race noong Martes sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Sa bayan na agad sa simula ng lutsahan sa unang 150 metro ng karera hangang rekta sina Sweet Dreams at Cole Is Bright. Pero hu­ling humalakhak ang mga liyamadista.

Walang tigil na ­kayog ang ginawa ni class B rider EG Guerra kay Sweet Dreams kaya nakuha ang panalo sa 1,300 meter race.

Tinawid ng winning horse ang meta ng may apat na kabayo ang distansya sa nasegundong si Cole Is Bright habang tersera si All For Mama.

Sa largahan sinunggaban ni Cole Is Bright ang bandera, hindi naman agad nakasunod si Sweet Dreams pero nang mag-init ay ­nakatutok na agad ito sa unahan.

“Mabuti nakatutok kami, medyo nahirapan kami bago lampasan si Cole Is Bright,” hayag ni Guerra.