Una sa Balita

My sweet-creepy-stalker

By
0 441

Ika-9 na labas

“Aling Edna pabili nga po ng juice nyo sa pack lang po.”

“Oy Esang kumusta ‘yung boarder n’yo, ­maga­ling na ba?”
“Magaling po? Magaling saan?”

Abante Hiring – IT dep

“Sa lagnat niya? Bumili rito ‘yon ng gamot kagabi, tapos bumili ulit kaninang umaga, e tingin ko namumutla eh.”

“H-ho?”

Tinanong ni Esang kung anong gamot ang ­binili ng binata at bumili rin siya para dito. Pagka­galing sa tindahan ay dumiretso sa tindahan ng goto ang dalaga at bumili rin nito saka muling kinatok ang binata.

“Jackson! Jackson!” pero wala pa ring ­tugon. Nagsimulang mag-alala si Esang kaya inilapag niya muna ang goto at gamot sa pasimano saka ­pinuntahan ang Ate Rhoda niya sa carinderia para hiramin ang duplicate ng susi. Ibinigay naman sa kanya nito dahil sa sinabi niyang kondisyon ng ­binata.

Samantala. Pagbukas ni Martin ng pintuan ay wala naman siyang nakitang tao maliban sa goto at gamot na nasa pasimano.

“Malamang sa kanya galing ‘to…” sa isip ng binata na maputla pa rin. Kinuha niya ang goto at gamot at saka muling isinara ang pinto.

Siya namang dating ni Esang na napakamot sa ulo nang makitang wala na ang goto at gamot sa pinag-iwanan niya kanina.

“Kinuha ba niya?” nagtatakang tanong ng ­dalaga sa sarili.

“Nay, pakikumusta naman si Martin, sabi po kasi ni Aling Edna namumutla nu’ng ­bumili sa ­kanya ng gamot, e baka kung napapa’no na po ‘yon sa loob.” Ani Esang habang ­nagtatastas ng tela. Nagwawalis ang nanay niya sa salas. ­Nila­pitan siya nito.

“May lagnat siya?”

“Malamang po, kumakatok ako kanina pero hindi naman ako pinagbuksan.”

“O sige, bibisitahin ko, tatapusin ko lang ‘tong winawalis ko.”

Napanatag ang loob ni Esang nang bumalik ang ina matapos nitong i-check si Martin.

“Maayos na raw ang pakiramdam niya, salamat daw sa goto at gamot.”

Nanlaki ang mga mata ni Esang.

“Nay!”

“Talagang concern ka sa lalaking ‘yon ano? Saka nga pala, nadulas ako, natawag ko siyang Martin kaya sinabi ko na rin na ikaw ang nagsabing Martin ang pangalan niya.”

“NAY!”

Hindi makaapuhap ng isasagot si Esang sa ina. Nahihiya siya dito. Nahihiya siya sa ginawa niya na alam pala ni Martin.

Labag man sa kagustuhan ng isip ay nangingi­babaw pa rin kay Esang ang kagustuhan ng puso na patuloy subaybayan ang lihim na itinatangi nito. Sa tuwing magkakaroon ng pagkakataon at matitiyempuhan niyang lumabas si Martin ay palihim niya itong kinukuhanan ng litrato sa cellphone.

Maski nakatagilid man ito o nakatalikod. Halos mapuno na nga ang cellphone niya ng mga stolen shots nito. Kapag napapatingin si Martin ay nagkukunwari siyang nagtetext.

Palihim din niya itong sinusundan kapag ­lumabas ito na nakapambahay lang na kadalasan ay sa tindahan lang naman ang punta. Hanggang sa matanggap na ito sa trabaho. Isang beses ay sinundan niya ito para malaman kung saan ito nagta­trabaho. Hindi naman kalayuan sa kanila ang restaurant na pinasukan nito bilang waiter.

Related Posts

Naisipan niyang ayain doon si Jengjeng ng mag-birthday ito.

“Girl dito ba talaga ko kailangan mag-­celebrate ng birthday ko?” taas ang kilay at natatawang tanong ni Jengjeng.

“Why not ‘diba? Carry naman eh, sige na, ­pasok na tayo!”

“Naku lukaret ka talaga, for the sake of him ­talagang kakarayin mo ako dito!”

Naupo sa table for two ang magkaibigan.

“Alam mo ikaw bff, naninibago ako sa’yo ha, kailan ka pa naging stalker? Samantalang dati eh ikaw ang hinahabul-habol ng mga kabinataan sa atin tapos ngayon… I can’t believe!”
“Wag ka ngang maingay diyan, order na lang tayo tapos enjoy!”

Maya-maya pa ay namataan na ni Esang ang hinahanap ng mga mata niya. Nasa kabilang table si Martin at kasalukuyang may siniserban.

Hindi niya maiwasang mapatitig dito. Kahit sa unipormeng pang-waiter lang ay bagay na bagay pa rin kay Martin sa galing nitong magdala ng damit. At kung titingnan ang mukha nito ay hindi halatang may dinadala itong malaking problema. Maaliwalas kaya naman lalong tumitingkad ang kaguwapuhan nito.

“Hoy Esang, sabi niya ano raw ang order ­natin?” ulit ni Jengjeng sa tanong ni Martin na ­nakalapit na pala sa kanila.

“H-ha? e, ikaw ano bang sa’yo?” sabay lipat ng tingin ni Esang sa menu.

“Since birthday ko syempre dapat meron akong dessert na cake and ice cream!”

“Okay, ito na lang ang sa’kin.” Sabay turo ni Esang sa nagustuhan.

Hindi makapaniwala si Esang na sa mga ­sandaling ito ay tila hindi siya makahinga. Kailan ba niya nakumpirma sa sarili na gusto na niya ang la­laking ito? Parang hindi niya matandaan, parang kailan lang ay puno siya ng inis at pagdududa rito, pero bakit ngayon ay tila napakaespesyal na nito sa kanya.

“Listen to me girl, may advise ako sa’yo, be his friend!”

“Sinabi mo na rin ‘yan sa’kin dati…”

“I know pero sinunod mo ba? marami ka ­kasing pero.”

Napaisip si Esang. Wala naman sigurong ­masama kung susubukan niya.

Unang step na ginawa niya ay nag-send siya ng friend request sa fb account nito. Nabuhayan siya ng loob ng i-confirm siya ng binata. Pero hindi man lang siya nito tinanong kung paano niya nalaman ang real name nito.

Isang araw, nawalan ulit sila ng tubig. Alam niyang kailangan maligo ni Martin ng maaga dahil papasok ito sa trabaho kaya nag-suggest siya rito nang makita niya itong palabas ng pintuan bitbit ang dalawang timba.

“A, Martin, dito ka na lang muna maligo sa ­bahay!”

“But there’s a poso naman there ‘diba?  iigib na lang ako.” Nakangiting sagot ng binata.

“Naku mahaba ang pila ngayon, puno pa ­naman ang drum namin kaya okay lang!”

“No thanks, kailangan n’yo rin ng tubig.”

“O-okay… gusto mo samahan na lang kita?”

“No thanks, kaya ko na.”

Pagkasabi niyon ay tumalikod na si Martin. Inis namang hinabol siya ni Esang. (Itutuloy)