Una sa Balita

My sweet-creepy-stalker

By
0 462

Ika-8 na labas

May pinagdadaanan pala talaga itong problema at ganoon na lang kung husgahan niya…

Lumabas na ng restaurant sina Martin at Jackson. Kasunod si Esang pero hindi siya nagpakita sa binata. Sinundan lang niya ito ng tingin habang papasakay ulit ng pedicab pabalik sa inuupahan. Ang kasama naman nito ay sumakay ng taxi.

Abante Hiring – IT dep

“Sa ene, double trouble ang tres, 33!” sigaw ni Aling Susan.

“Esang malalampasan ka niyan!” sabay siko ni Jengjeng sa kaibigan.

“H-ha?” tila gulat si Esang na napatingin sa card niya.

“Nagbibingo ka ba o nagde-day dreaming?” biro ni Jengjeng sa kaibigan.

“May naalala lang kasi ako…”

“Asus, e baka naman inaalala mo na naman si Pretty boy diyan sa paupahan n’yo!”
“Heh!”

Ang totoo tama si Jengjeng, laman nga ng isip ni Esang ang binata.

Gabi. Kahit pa nalaman na niya na may dinada­lang problema ang binata at wala itong kinalaman sa masamang gawain na iniisip niya ay hindi pa rin mawala sa isip ni Esang si Jackson o Martin. Pabiling-biling siya ng higa at umaasang mawawala ito sa isip niya sa gano’ng paraan. Pero nanatili itong nakadikit sa isipan niya.

Kaya napilitan siyang bumangon. Binuksan niya ang laptop at muling tiningnan sa fb ang account ni Martin Payumo. Ini-scroll niya ang mga photos nito at hindi niya namalayang nakangiti na pala siya.

Nang mapansin niyang nakangiti siya habang tinititigan ang close-up picture ni Martin ay agad niyang pinawi ang ngiti sa labi at ibinalik sa sariling account ang fb.

“Ano ka ba Esang, you should be careful, kung picture pa lang napapangiti ka na, what more pa sa mga susunod na araw na makita mo siya o magkasalubong  kayo?… hindi mo siya gusto… hindi mo siya gusto… hindi mo siya gusto…” kausap ni Esang sa sarili.

Mula noon ay palagi nang palihim na sinusubaybayan ni Esang ang bawat kilos ni Martin.

Pero sa pagkakataon na’to ay hindi pagdududa ang laman ng puso niya kun’di excitement.

Excited siyang malaman ang iba pang detalye sa buhay ng binata lalo na sa lovelife nito.

“Nay, diba 6 months ‘yung binayaran ni ­Jackson?” tanong ni Esang sa ina habang tinutulu­ngan ang ina sa pagluluto. Siya ang naghihiwa ng mga gulay para sa pakbet.

“Oo, bakit?”

“Ibig bang sabihin no’n 6 months lang po siyang uupa dito sa’tin?”

Related Posts

“Hindi ko alam, baka… bakit mo natanong?”

“Wala lang po…”

Siyang bungad naman ni Rhoda mula sa sari­ling silid, nakabihis na ito para sa pagbubukas ng carinderia.

“Alam mo ‘nay, nagiging interesado lang ang tao sa isang bagay o tao kapag gusto niya ito!” biro ni Rhoda.

Nakasimangot na nilingon ni Esang ang ate niya.

“Alam mo ate tanghali na, kaya buksan mo na ‘yung carinderia mo para kumita ka na, kaysa nangenge-elam ka pa sa’kin!”

“Mga anak hindi naman masamang magkagusto sa isang tao, basta alam n’yo lang ang limitasyon n’yo.”

“E Nay, wala naman po akong gusto kay Martin eh.”

“Martin?” duet ang gulat na sina Aling Rosita at Rhoda.

Tila nabigla naman si Esang sa sinabi. Nakatatak na rin kasi sa utak niya ang tunay na pangalan ng lalaki na Martin Payumo. Hindi niya ito sinabi sa ina’t kapatid dahil baka malaman nilang nag-tresspass siya sa bahay ng binata. Pero nadulas na rin lang siya ay aaminin na niya…

“O-opo… ‘yun po ang tunay na pangalan niya…nakita ko sa resume…”

“At saan mo naman nakita ang resume niya?” tanong ni Rhoda na lumapit pa sa kanya.

“S-sa loob ng bahay… nakita ko sa ibabaw ng table…”

“OMG Esang kailan ka pa naging miyembro ng akyat-bahay gang ha?” sapo ang noong bulalas ni Rhoda.

“Anak, hindi maganda ang ginawa mo, pero sa nalaman mo mukha ngang may hidden agenda itong si Jackson or Martin!”

“Wala po nay, nagkamali po ako… nalaman ko rin pong may problema ang family niya sa ibang bansa…”

Ikinuwento na lahat ni Esang ang nalaman niya maging ang pagsunod niya kay Martin sa restaurant at pakikinig sa usapan nito at ng isang kaibigan. Siyempre pinagalitan siya ng ina at pinayuhan na tantanan na ang binata.

Naiinip na si Esang sa napakadalang na paglabas ng bahay ni Martin kaya naman naisipan niyang katukin ito para kamustahin.

“Jackson! Tao po! Jackson!”

Walang tugon. Malungkot siyang humakbang palayo sa pintuan. Tinungo niya ang tindahan para bumili ng juice. (Itutuloy)