Una sa Balita

My sweet-creepy-stalker

By
0 441

Ika-7 na labas

Matapos daanan ng mata ang ilan pang detalye sa resume ay binitiwan na niya ito at muling inilapag sa mesa saka nagmamadaling lumabas ng bahay. Saktong makaalis siya ay siyang dating naman ni Jackson na may dalang softdrink at sandwich. Bumili lang pala ito ng merienda sa labas.

Pagbalik sa loob ng bahay ay pumasok si Esang sa kuwarto niya at kinuha ang laptop na isinangla sa kanya at hindi na natubos ng isang kapitbahay. Binuksan iyon at agad hinanap sa fb ang Martin Payumo. Wala kasing picture ang nakita niyang resume pero malakas ang kutob niyang kay Jackson iyon.

“My God, ang dami namang Martin Payumo!”

Iniisa-isa niya iyon hanggang sa tumugma sa hinahanap niya ang isang account.

“Bulls eye! Siya nga! ”

Close up pic ang profile pic ni Martin Payumo na mismong mukha ni Jackson.

“Sabi ko na nga ba may tinatago siya… kung wala bakit kailangan niyang mag-iba ng pangalan?… saan naman kaya siya mag-aapply at gumawa siya ng resume?”

Mula sa mga detalyeng nabasa sa resume at nakita sa fb, nalaman ni Esang na sa America lumaki si Jackson o Martin, pero parehong Pilipino ang mga magulang nito. Kaya lang mukhang hindi ito active ngayon sa fb dahil huling post pa nito ay 3 months ago na.

“Hindi pa’ko kuntento sa nalaman ko… kailangan kong isagawa ang operation manman plan B ko…”

Ang plan B na naisip ni Esang ay palihim na sundan ang binata sa pupuntahan nito kung matiti­yempuhan niya itong paalis at wala siyang ginagawa.

Pero mukhang walang balak umalis ng bahay si Jackson. Straight one week na nagkukulong lang ito sa loob ng bahay. Nakaisip na naman ang dalaga ng dahilan para katukin ang binata.

“Yes?” bungad ni Jackson.

“Ahm, ano kasi baka may ipapatahi kang damit, medyo mahina kasi ang tahiin ko ngayon, mura lang naman akong sumingil!” nakangiting sabi ng dalaga.

“Okay, I’ll tell you later. Thanks.” Sabay sara na ulit ng pintuan ni Jackson.

Sa wakas ay dumating din ang pagkakataon na hinihintay ni Esang. Nakatambay siya noon sa terrace ng kapitbahay at nakikipagkuwentuhan nang makita niyang paalis si Jackson.

Related Posts

“Oy Weng diyan ka muna ha, may bibilhin lang ako sa kanto.” Paalam ni Esang sa kakuwentuhan.

Palihim niyang sinundan si Jackson sa paglalakad nito. Mabuti na lang at pedicab lang ang sinakyan nito kaya nakasunod siya habang sakay rin ng pedicab.

“Malapit lang siguro ang pupuntahan niya…” sa isip ng dalaga.

“Saan po tayo miss?” tanong ng pedicab driver.

“Pakisundan mo ‘yon.”

Huminto ang pedicab na sinasakyan ni Jackson sa isang semi-restaurant. May lalaking sumalubong rito mula sa loob.

“Teka… kaibigan ba niya ‘yon o jowa? Bading ba siya?”

Mula sa posteng pinagkukublihan ay tanaw ni Esang ang pakikipag-usap ni Jackson sa lalaki sa isang table for two. Pero hindi niya nadidinig ang mga ito kaya pumasok din siya sa loob at pumuwesto malapit sa dalawa. Nakatalikod ang pwesto niya sa mga ito.

“Martin pasensya ka na at hindi ako nakarating sa inuupahan mo nung nakaraang lingo.

May big­laan kasi akong lakad, by the way tungkol do’n sa hinihingi mo sa’king pabor, nakausap ko na si uncle, matutulungan ka niyang makapasok sa restaurant niya pero sa mababang puwesto muna. Is that okay with you?”

“Yeah, it’s okay, thank you, kailangan ko talaga ng work habang nandito ako sa Pilipinas, naaawa na rin ako kina mom and dad…”

“Kumusta na nga pala sila?”

“They’re okay, tinawagan ako ni mommy and she said that my dad got home. But still, he have to take medicine. Pero hindi pa’ko pinapauwi ni mommy, masyado pa rin daw magulo, sinisisi pa rin sila ng mga members ng organization na ‘yon and they file cases against my parents.”

“Don’t worry buds, you’ll get over that, ‘yung president naman ng org ang nag-estafa ng pera nila at hindi kayo.”

“I know, iniisip ko lang, tama bang nandito ako habang nakikipaglaban sina mom and dad sa ­problemang ‘yon?”

“Ako na mismo ang magsasabi sa’yo, tama lang, ayaw nilang pati ikaw ay idamay ng mga taong galit sa kanila, and if you’re here and ­getting work mas makakatulong ka pa sa kanila ­financially, dahil siguradong malaki ang mawawala sa inyo dahil sa mga kasong isinampa laban sa kanila.” Nakaramdam ng awa si Esang sa binata. (Itutuloy)