Una sa Balita

My sweet-creepy-stalker

By
0 441

Ika-6 na labas

“Nasa akin ang mga susi, ako na ang nagtatabi, masyado na ka­sing nagiging malilimutin si nanay, palagi na lang naghahanap ng susi.”

“Ahh…” sa isip ni Esang kaya pala nawala ang mga susi sa ilalim ng altar nila.

Abante Hiring – IT dep

“Teka, bakit mo natanong?”
“Wala naman…”

“Alam mo ikaw kung may plano kang pasukin ang bahay ni Jackson,’wag mo nang ituloy, kahit paupahan natin ‘yon karapatan pa rin niyang magkaroon ng privacy.”

“Tinanong ko lang ang susi, iyan agad ang naisip mo?”

“Kilala kita bunso, natatandaan mo ba nung may umupa sa ating babae  na pinagsuspetsahan mong kabit dahil may matandang lalaki na paminsan-minsan lang dumadalaw? E ‘di ba pinasok mo ‘yung bahay nung wala siya, gamit ang duplicate key? O anong natuklasan mo, na tatay niya ‘yung dumadalaw sa kanya, kasi nga gusto nung babae na maging independent at ayaw makasama ‘yung stepmom niya!”

Saglit na natahimik si Esang.

“P-pero matagal na ‘yon…”

“Pero ginawa mo, kaya pwede ba tigilan mo na itong si Jackson, ang importante bayad siya sa upa, sa kuryente, sa tubig at wala naman siyang ginagawang masama o anumang bagay na nakakaapekto sa’yo.”

May point ang ate niya. Pero hindi sapat ang mga sinabi nito para mawala ang pagdududa niya.

Habang nagtatastas ng telang tatahiin ay nasa isip pa rin ni Esang si Jackson. Saglit siyang huminto sa ginagawa nang marinig ang sigaw ng magtataho. Lumabas siya para bumili.

“Mang Ding pakidagdagan ng arnibal ha!” hirit niya sa suking magtataho.

“Oo naman ikaw pa, malakas ka sa’kin!”

Related Posts

Napatingin si Esang sa bahay ni Jackson nang lumabas ito sa pintuan at nagpalinga-linga, pagkatapos ay muling pumasok sa loob at isinara ang pinto.

“Ang weird talaga niya…” sa isip ng dalaga.

Isang araw habang malakas ang buhos ng ulan ay tinanghali ng gi­sing si Esang. Nasa palengke na ang nanay niya at nasa carinderia na ang ate Rhoda niya.

May natatakpang almusal sa mesa. Sinangag at itlog. Pero parang mas gusto niyang magkape na lang.

“Nye, wala na pala kaming kape… makabili na lang nga ng 3 in 1.”

Paglabas ng bahay ni Esang, for the first time ay nakita niyang parang nakabukas ang pintuan ng bahay ni Jackson.

“Aba, aba, aba, himala…”

May naisip ang dalaga. Bumalik  siya sa loob ng bahay at kumuha ng mug  para may dahilan siya sa pagpasok sa bahay ni Jackson.

 “Kunwari hihingi ako ng mainit na tubig pangkape!” sa isip niya.

Humakbang siya palapit sa nakabukas na bahay ni Jackson. Nang makalapit ay kumatok. Walang tugon. Marahan siyang humakbang papasok sa loob.

Walang gamit si Jackson kundi ang laptop nito na nakapatong sa center table katabi ang ilang dokumento.

“Tao po, Jackson! Jackson yuhooo!”

Wala pa ring tugon. Unti-unting kinuha ni Esang ang mga papel at binasa. Isang resume iyon.

 “Martin Payumo?… civil engineer, under grad nga lang!” (I­tutuloy)