Una sa Balita

My sweet-creepy-stalker

By
0 441

Ika-5 na labas

“‘Nay, hindi niyo na dapat inaalala ‘yung mga walang kwentang alaala.” Putol ni Esang sa nais pa sanang ikuwento ng ina.

Hindi na kumibo si Aling Rosita. Tila nasaktan sa sinabi ng anak. Nahalata naman iyon ni Esang kaya nilapitan niya ito at niyakap mula sa likuran.

“‘Nay sorry na po, ayoko lang kasi na maalala niyo pa siya… ayokong maalala niyo ang sakit na iniwan niya sa puso mo, sa puso natin…”

“TOK! TOK! TOK!” sunud-sunod na katok ni Esang sa pintuan ni Jackson.

Ilang saglit ang lumipas bago ito nagbukas.

“Akala ko mamayang gabi mo pa’ko pagbubuksan eh!” reklamo ng dalaga na dala ang isang tasa ng potsero.

“Pasensya na.”

“Okay fine, eto ang potsero pinabibigay ni nanay.” Habang sinasabi ‘yon ay pasimpleng sinisilip ni Esang ang loob ng bahay.

“Thank you.”

“A, wait, ako na ang maglalagay sa table mo!” alok ng dalaga makapasok lang sa loob.

“No thanks, ako na lang.”

“Okay sige, hihintayin ko na lang dito ‘yung tasa.”

“Ako na lang ang magsosoli sa inyo, sige na.” sabay sara na ni Jackson ng pintuan.

Related Posts

“You’re welcome!” inis na sabi ni Esang sabay irap at talikod sa nakasara ng pintuan.

Dahil sa ipinakitang kilos ni Jackson ay lalong lumaki ang hinala ni Esang na may itinatago ito.

“Hmm, baka naman may kasama siyang iba na ayaw niyang ipaalam sa amin kasi baka dagdagan ni nanay ‘yung singil sa tubig?… o baka talagang may mga drugs doon na nagkalat? … relax Esang mapapasok mo rin ang bahay at matutuklasan mo anuman ang inililihim niya!” kausap ni Esang sa sarili.

Patuloy ang ginagawang operation manman ni Esang sa border nila. At hindi ito lingid sa kaibigang si Jengjeng.

“Hoy Bakla, baka naman iba na ‘yung reason kaya mega manman ka dun sa stranger!” tukso ni Jeng habang papunta sila sa palengke.

“Heh! Tumigil ka nga diyan! Isa lang naman ang reason ko eh, kailangan kong malaman ang background niya para mapanatag ako na ligtas kami ng pamilya ko, baka mamaya nagpapatira pala kami ng halimaw!”

“Makahalimaw ka naman, o ano naman ang update sa operation mo?”

“Wala pa nga eh, kasi naman hindi ko siya maha­nap sa fb, ang daming lumalabas na Jackson Jimenez pero puro naman hindi siya ‘yon… kaya lalong tumitibay ang hinala ko na may itinatago siya!”

“Ewan ko sa’yo ha, but if I were you bakit hindi mo na lang siya kaibiganin tapos saka mo siya usisain baka sakaling mag-open up siya sa’yo!”

“‘Yan din ang sinabi ni nanay, kaibiganin ko raw para malaman ‘yung background, pero pa’no ko naman gagawin ‘yon kung super mailap ‘yung tao, kahit nga si nanay hindi niya mausisa dahil matipid daw magsalita. Ang tanging sinabi lang kay nanay e may family problem daw sila kaya kailangan niya munang magsolo, pero pansamantala lang naman daw.”

“O ,e ‘yun naman pala, may problem ‘yung tao!”

“Pero anong malay natin kung sabi lang niya ‘yon… iba kasi ang kutob ko eh…”

Napailing na lang si Jengjeng sa kaibigan.

“Ate Rhoda, nilipat ba ni nanay ng lalagyan ‘yung mga susi?” tanong ni Esang habang tinutulungan ang ate niya sa pagbubukas nito ng carinderia malapit lang din sa kanila. (Itutuloy)