Una sa Balita

My sweet-creepy-stalker

By
0 463

Ika-4 na labas

Tango lang ulit ang naging sagot ng binata. ­Napipikon na si Esang.

“Hoy, ano ka ba pipi, parang wala akong kausap ah!”

Sasagot na sana si Jackson nang biglang may tumawag kay Esang.

“Esang boyfriend mo?” si Raul. Ang long time suitor ni Esang.

“Mukha ba kaming mag-boyfriend?” kunot-noong sagot ng dalaga sabay irap kay Raul na napadaan lang.

“Buti naman, akala ko wala na’kong pag-asa eh!”

“Asa ka pa!” sabay irap ulit nito sa lalaki.

Napangiti si Jackson.

“Hoy ikaw estrangherong pipi, ‘wag ka ngang ngumingiti ng ganyan, hindi bagay sa’yo.”

Gabi na nang matapos si Esang sa pananahi. Nakatulog siyang nakasubsob pa ang ulo sa makina.

Sa silid ni Jackson ay hindi naman ito makatulog. Nakahiga lang pero ang mga mata ay mulat na mulat na nakatitig sa kisame. Iniisip niya ang mommy at daddy niya.

“Do I really need to run from the problem? Do I really need to hide?…” tanong nito sa sarili.

Pero pilit na lang niyang pinapanatag ang sarili sa isiping ito ang kagustuhan ng kanyang ina at ama. Ito ang ipinakiusap nila sa kanya.

“Don’t worry mom, dad, everything is gonna be okay… pupuntahan ko si Jackson…” sa isip ng binata.

Ang tunay na Jackson ay ang kaibigan niyang Pilipino rin na pansamantalang nagbabakasyon dito sa Pilipinas  at babalik ng America next week. Kailangan niya itong makausap tungkol sa problema.

Ang totoo niyang pangalan ay Martin Payumo. Pero bilin ng mga magulang na itago sa ibang tao ang kanyang identity kaya naisip niyang ibahin ang pangalan.

“Sa I, debutante NAGDADALAGA, DISIOTSO!” sigaw ni Weng.

“Puro na!” nakangiti namang sigaw rin ni Jeng­jeng. Nakasali ito dahil sabado naman at walang pasok.

“Puro na rin ako!” sigaw rin ni Aling Susan.

Related Posts

Napatingin si Esang sa inuupahan ni Jackson nang lumabas mula rito ang binata.

akapanglakad ito na polo shirt at obvious na obvious ang kaguwapuhan nito. Hindi tuloy maiwasang humanga ni Esang. Saglit itong napatitig habang nila-lock ni Jackson ang pinto.

Sinundan pa niya ito ng tingin hanggang sa naglalakad na ito palabas sa kanto.

“Hoy bff, nakaka-starstruck ba?” biro ni Jengjeng sabay siko sa kaibigan na nagulat.
“Startstruck ka diyan, ano ‘yon artista?”

“Hindi naman, artistahin lang, pakilala mo naman ako pagbalik!” hirit ng dalaga.

“Oo ba, papakilala lang pala eh, pero saka na, kailangan ko muna siyang kilalanin, baka mamaya masamang tao ‘yon e masisi mo pa’ko kung bakit ko siya pinakilala sa’yo.”
“Eto naman, negative agad?”

“Ah basta, aalamin ko muna ang background niya!”

“Pa’no mo naman gagawin ‘yon, hihingan mo ng biodata o resume?”

“Chillax ka lang, may sarili akong paraan!” nangingiting sabi ni Esang.

Umaga. Habang nasa palengke ang ina ay pumasok si Esang sa kuwarto nito at palihim sanang kukuhanin sa ilalim ng altar ang duplicate ng susi ng inuupahang bahay ni Jackson pero wala ito sa lalagyan.

“Asan kaya ‘yon?… ‘di bale malalaman ko  rin kung anong itinatago mo Mr. Jackson… #the stranger!”

Curious si Esang dahil ilang araw na nakasara lang ang pintuan ng bahay ni Jackson.

Nagkukulong lang ito. Kaya palaisipan sa dalaga kung anong pinagkakaabalahan nito sa maghapon at magdamag sa loob. Baka mamaya nagda-drugs na pala ito o ano!

“Nay silip-silipin n’yo ang boarder n’yo diyan sa kabila at baka kung napapano na ‘yon, aba’y ni hindi ko nakikita maski anino na lumabas eh!” ani Esang habang inaayos ang flower sa vase na nasa center table sa salas.

“Naku, hayaan mo nga siya, e kung gusto mo kaibiganin mo at ayain mo diyan sa bingguhan para naman malibang yung tao.” Sagot ni Aling Rosita na nakaupo sa sofa at nagbabasa ng diyaryo.

“Lumabas nga, hindi niya magawa, magbinggo pa kaya?… pero may naisip ako nay!”
“Ano naman ‘yon?”

“Diba magluluto po kayo ng potsero mamaya sa tanghalian?”

“Bibigyan mo?”

“Opo, para naman ma-tsek natin kung buhay pa ba?”

Natawa si Aling Rosita.

“Hay naku bata ka, lumang style na ‘yang naisip mo, naalala ko tuloy nu’ng dinalhan ko ng potsero ang ama mo doon sa tinutuluyan nilang baraks.” (Itutuloy)