Una sa Balita

My sweet-creepy-stalker

By
0 463

(Huling labas)

“Thank you for your tip mom!”

“Of course you’re welcome!”

Hinagkan pa ni Martin ang ina sa noo.

Todo hikab si Esang nang lumabas sa kuwarto. Pero nabitin ang paghikab niya nang may maapakan siyang mga petals ng rosas sa sahig mula sa pintuan ng kuwarto. Unti-unti siyang yumuko at pumulot ng isa.

“Grabe, ang dami na namang mga petals, malamang monthsary na nina Jinky at Nero!”

“EEEEE! OMG!” tili naman ni Jinky na bumungad din mula sa kuwarto at tuwang-tuwang nakatingin sa mga petals.

Tumayo si Esang at humalukipkip.

“Kinikilig ka na naman noh! Monthsary n’yo ba ngayon?”

“H-hindi!”

“So ano namang espesyal sa araw na ‘to para maisipan na naman ni Nero ang ganitong gimik?”

“Hindi ko alam, e teka sure ka ba na si Nero ang may pakulo nito?” kunot noong tanong ni Jinky.

“E ‘di ba style niya ‘yan saka siya lang naman ang nakakahiram ng susi sa may-ari nitong apartment dahil kakilala nila ng daddy niya. I’m sure, nandiyan siya sa labas at may hawak na boquet ng red roses at hinihintay kang lumabas!” nakangiti namang tugon ng dalaga.

“Gano’n ba, e ‘di tara na labas na tayo para makita natin!”

“Before that, maghilamos ka muna at mag-toothbrush no!”

“Ay oo nga, medyo masama pa ang buga!” sabay amoy pa ni Jinky sa sariling hininga sa palad niya.

Matapos maligo at magbihis ng dalawa ay excited silang tumayo sa pintuan at nagkatinginan pa kung sino ang magbubukas nito.

“Jinky ikaw na ang magbukas.”

“Sure ka ba? pa’no kung…”

“Ayoko nang ma-disappoint ulit!” nakangiting sabi ni Esang.

“Okay, buksan ko na ha, one… two… three!”

Napangiti si Jinky nang bumungad sa kanila ang isang table for two na inayusan sa harap ng bahay nila. Napapalibutan ng mga bulaklak, may pagkain, wine at candle sa mesa. May isang tao rin ang nakatayo sa gilid at inumpisahan ang pagtugtog ng violin.

Tumayo si Martin mula sa upuan. Kinuha ang boquet ng white roses at lumapit kay Esang. Unti-unti namang dumistansya si Jinky.

Related Posts

“MARTIN!”

“Nagustuhan mo ba?”

“Of course it’s beautiful, pero, nakapasok ka sa loob para magkalat ng mga petals?”

“Yes, hiniram ko ang susi kay Jinky.”

“Si Jinky?”

Paglingon ni Esang ay wala na sa likuran niya ang kaibigan. Inalalayan ni Martin ang dalaga paupo sa inihanda niyang table.

“Dito talaga sa harap ng apartment namin naisipan mong mag-almusal?” natatawang sabi ni Esang.

“Yeah, I’m in a hurry kasi kaya ayokong bumiyahe pa tayo patungo sa isang resto or some special place!”

“Bakit ka naman nagmamadali?”

“Excited na kasi akong malaman kung… gaano na lang ako kalayo or kalapit sa dream ko.”
“Anong dream?”

Mula sa bulsa ng polong puti ay kinuha ni Martin ang isang maliit na box na naglalaman ng singsing.

“This ring… for you to wear… kapag sinuot mo ito, tupad na ang pangarap ko. Esang, will you marry me?”

Natigilan si Esang. Hindi makapaniwala.

“Martin…”

“Kung hindi ka pa ready Esang, I’m always willing to wait…”

Agad pinahid ni Esang ang luhang nagbadyang tumulo sa pisngi.

Napatitig siya sa singsing. Malaki ang bato niyon at kung susuotin niya iyon bilang bahagi ng katuparan ng pangarap nila ni Martin ay mas lalaki ang importansya niyon.

“Ready na ko Martin… yes I will marry you!”

Punumpuno ng galak ang puso na isinuot ni Martin ang singsing sa daliri ni Esang. Pagkatapos ay tumayo siya at niyakap ang dalaga.

“Thank you for completing me Esang, I love you with all my heart!”

“I love you, too, Martin, and I always will!”

“From now on, I will be your faithful stalker!” biro ni Martin.

“At ako naman ang angel stalker mo na walang sawang magbabantay at tititig sa’yo mula sa pagtulog hanggang sa paggising mo!”  biro din ng dalaga.

Isang masuyong halik ang nag-sealed sa mga pusong walang pagsidlan ang ligaya. Mga pusong umasa sa katuparan ng tunay na pag-ibig. Mga pusong handang simulan ang bagong kabanata ng kanilang buhay sa piling ng isa’t isa. (Wakas)