Una sa Balita

My sweet-creepy-stalker

By
0 463

(Ika-30 na labas)

“Oo,  ready na talaga ko… ang tagal kong hinintay na makita at makasama ko siya ulit, kaya sa tingin ko ito na ang tamang pagkakataon.”

7:00 pm ang usapan nila ni Martin na susunduin siya nito. Pero 7:30 na ay wala pa ang binata.

Mula sa sofa ay tumayo si Esang at dumungaw sa bintana.

“Bakit wala pa siya?” may pag-aalala sa tinig ng dalaga.

“Esang, relax, ba’t hindi mo siya tawagan?” si Jinky na nakaupo rin sa sofa hawak ang isang magazine.

“Before seven nagtext siya sa’kin na on the way na siya… sabi niya malapit lang sila dito, mga half hour lang ang biyahe…pero bakit wala pa siya?”

“Baka na-traffic?”

Idinial ni Esang ang number ng binata pero ring lang ito ng ring. Muli niya itong itinext pero wala ring reply. Hindi mapakali si Esang nang sumapit na ang alas-nuwebe ng gabi.

Hanggang sa mag-10:00 na. Nagpasya na siyang magbihis ng pangtulog.

“Esang, hindi ko na itatanong kung okay ka, kasi alam ko namang hindi, pero I want to say goodnight pa rin.”

“Good night Jinky…” malungkot na sagot ni Esang.

Habang nakasubsob ang ulo sa unan ay hindi maiwasan ni Esang ang mag-alala. Kahit matagal silang nagkalayo ni Martin ay kilala niya ito, hindi ito basta na lang sisira sa usapan… ‘wag naman sanang may nangyari dito kaya hindi ito nakarating…

Isang call ang natanggap ni Esang kinabukasan.

“Hi Esang, this is Martin’s mom, I know it’s not a good morning for you dahil hindi ka nasundo ni Martin kagabi, I want to inform you that he’ s in the hospital right now, naaksidente siya kagabi but he is okay now. Thank God It’s just a minor accident.”

Kahit sinabi na ng mommy ni Martin na okay na ito ay hindi pa rin maiwasan ni Esang ang mag-alala. Matapos niyang alamin sa ina ng binata ang address ng ospital ay agad siyang nagtungo rito.

Nagulat si Martin nang pagmulat ng mga mata niya ay halos wala siyang makita kundi mga puting lobo at rosas.

“N-nasa langit na ba’ko?” tanong niya sa sarili.

Nang biglang bumungad si Esang mula sa labas ng kuwarto ng ospital.

“Gising ka na pala, kumusta pakiramdam mo?”

“Esang!”

“Mabuti naman at hindi ka nagka-amnesia!”

“feeling ko nga, meron na akong amnesia, sa pagkakatanda ko kasi I’m the one who always bought flowers for you.”

Related Posts

Nilapitan ni Esang ang binata.

“Nandito ka sa ospital, gusto kong pagaanin ang pakiramdam mo kaya eto naisip kong palibutan ka ng mga bulaklak, white para nakakagaan talaga ng pakiramdam.”

Hinawakan ni Martin ang kamay ng dalaga.

“Esang, makita lang kita sobrang gaan na ng pakiramdam ko and I’m sorry kung napaghintay kita kagabi…”

“Okay lang, actualy I already meet your mom, and I think she’s a great mom!”

“That’s true.”

Binawi ni Esang ang kamay niya sa binata at inihaplos iyon sa noo nito.

“Get well soon, aalis na muna ako, I have to work pa kasi, babalik na lang ako bukas.”

Hinagkan pa ni Esang sa noo ang binata bago tuluyang lumabas ng silid.

“Esang…” muling tawag ni Martin.

Lumingon ang dalaga.

“Thank you for being here… Take care… promi­se babawi ako!” halos pabulong na sabi ng binata.

Nakangiting lumabas na ng silid si Esang.

Makalipas ang ilang araw na pagpapagaling ni Martin sa ospital ay pinag-iisipan agad niya ang pagpo-propose kay Esang.

“Anak, kanina ko pa napapansin na para kang balisa or something, may gumugulo ba sa’yo, may nararamdaman ka ba?” puna ni Mrs. Payumo sa anak na paikot-ikot sa paligid niya habang ginagawa niya ang ilang paper works mula sa office.

“Wala po mom, I’m just thinking about something…”

“Like what?”

Humugot muna ng malalim na buntong hininga ang binata bago sinagot ang tanong ng ina.
“Like wedding proposal!”

Napangiti ang ina.

“A wedding proposal?”

“Yes mom! Minsan na kaming nagkalayo ni Esang, tinanggap ko ‘yon kahit masakit sa’kin, but now na pinagtagpo ulit ang landas namin, I think this is the right time! Ayokong mawala ulit siya sa’kin…”

Tumayo si Mrs.Payumo at niyakap ang anak.

“I’m just here supporting you and I’m so proud na naging mabuti kang anak!”
“Thank you mom!”

“Just a little bit of tip from me, kaming mga babae mas kinikilig pa rin kami sa isang classic wedding proposal which is a romantic date with a little bit of new style!” (Itutuloy)