Una sa Balita

My sweet-creepy-stalker

By
0 463

Ika-3 na labas

“Ano? Dito maliligo ang mokong na ‘yon!”

Hindi nakatiis si Esang at lumabas ito sa silid.

“Nay, ano kasi eh, kailangan ko ‘yung tubig sa drum, diba may poso naman po malapit do’n sa tindahan ni aling Edna, bakit hindi n’yo na lang pag-igibin do’n si Jackson?”

“Ha? e, nakakahiya naman kabagu-bago lang niya dito sa’tin mararanasan niya agad na magbomba sa poso!”

“Don’t worry nay, sasamahan ko siya para hindi siya mahiya doon sa pilahan at saka isa pa kailangan niyang masanay!”

Nagulat si Aling Rosita.

“E diba ang dami mong tahiin?”

“O-opo, pero gusto ko rin naman pong magpahinga kasi ngawit na rin po ‘yung kamay ko eh! Kaya okay lang po na samahan ko siyang mag-igib habang pinapahinga ko ‘yung mga kamay ko!” maski si Esang mismo ay tila nabigla rin sa na­ging pasya niya.

Related Posts

“O hawakan mo itong timba.” Iniabot ni Esang kay Jackson ang dalawang timba.

Lumakad sila hanggang sa poso. Mahaba ang pila kaya no choice sila kun’di pumila.

“Kapag nawawalan ng tubig, dito lahat ang takbo ng mga tagarito kasi ito na lang ang natitirang poso sa lugar namin.”

Tumangu-tango si Jackson.

“At kita mo naman kung gaano kahaba ang pila, pero sabi nga nila ‘pag may tiyaga, may tubig!”

Muling tumango ang binata.

“Kaya kung ako sa’yo, habang may tulo ang gripo matutong mag-stock ng tubig, para pag ganitong nawawalan ng tulo e hindi mo na kailangang pumila dito sa poso.”

Tumangu-tango ulit ito.

“Pasalamat ka sinamahan kita, next time may bayad na ang oras ko!” (Itutuloy)