Una sa Balita

My sweet-creepy-stalker

By
0 441

(Ika-29 na labas)

Napakabait ng Diyos sa kanya. Sana lang ay wala nang maging problema sa pagitan nilang dalawa. Sana ay magkaroon din sila ng tinatawag na FOREVER…

Naisip tawagan ni Esang ang ate niya. Ikinuwento niya rito ang tungkol kay Martin.

“Ano pang hinihintay mo sis? Tanggapin mo na siya ulit sa buhay mo!”

“Iyon naman talaga ang gagawin ko ate e… hinihintay ko lang ‘yung susunod niyang move.”

“Hay goodluck sis, basta ‘wag mo na siyang pakawalan, he is your destiny!”

Napangiti si Esang sa sinabi ng ate niya.

Samantala. Mulat na mulat pa rin si Martin.

“This is it… pagkatapos ko siyang ipakilala kay mommy, dadalhin ko siya sa work ko sa site, para ipakilala naman sa mga katrabaho ko… then paghahandaan ko na ang wedding proposal ko…

sisiguraduhin ko na happy na ang ending namin this time…” sa isip ni Martin habang nakatihaya ng higa sa kama at nakatingala sa kisame. Pagkatapos ay sinulyapan niya ang picture nila ni Esang sa Rizal Park na naka-frame sa side table niya at saka siya ngumiti ng ubod tamis.

“Finally… dumating na rin ang tamang panahon para sa atin Esang…”

Mula sa trabaho ay magkasabay na umuwi sina Esang at Jinky. Nang malapit na sila sa apartment ay pareho silang napahinto sa paglakad at nagkatinginan.

“Esang… I think it’s him…” si Martin ang tinutukoy ni Jinky.

“Si Martin?”

Nakalatag ang mga petals ng rosas mula sa unahan ng daan patungo sa pintuan ng apartment.

“Sino pa ba? malamang sandamakmak na rosas ang nasa loob ng apartment ngayon!” nakangiting sabi ni Jinky.

Marahan ang naging paghakbang nila palapit sa pintuan. Puno ng kaba at excitement ang puso ni Esang. Umaasang si Martin ang nasa loob.

“Ikaw na ang magbukas ng pinto Esang, sigurado naman gusto niyang ikaw ang unang makakita ng surprise niya!”

Napakunot ang noo ni Esang nang may maalala.

Related Posts

“Teka, kung si Martin ang nasa loob, paano naman siya nakapasok e wala naman siyang susi?”

“Kung hindi si Martin sino pa ba?”

Hinawakan ni Esang ang seradura at binuksan na ang pintuan. Nagulat siya nang bumungad sa kanila ang tao sa likod ng sorpresang iyon. Si Nero na may hawak pang isang boquet ng red roses.

Mula sa upuan ay napatayo ito at ngumiti sa kanila. Puno rin ng mga rosas ang paligid. Halatang nag-effort ito.

“Nero!  Anong ibig sabihin nito?… ‘di ba may usapan na tayo… we’re just friends?” nagtatakang tanong ni Esang.

“I know… first of all, I’m sorry kung hiniram ko ang duplicate ng susi sa may-ari, and secondly… I’m sorry Esang, this is not for you…”

Unti-unting napalingon si Esang kay Jinky. Unti-unti rin namang napalingon si Jinky sa likuran niya.

“Wait, tayo lang dalawa ang nakatira dito ‘di ba Esang? Kung hindi para sa’yo ang sorpresang ito, ibig bang sabihin… p-para sa’kin?”

“Sa tingin ko tama ka Jinky, I’m happy for both of you!” nakangiting sabi ni Esang na agad tinakpan ng totoong ngiti ang pagkapahiya. Naglipat ang tingin niya sa dalawang kaibigan na sa pagkakataong iyon ay tila nag-uusap ang mga mata. Iniwan na niya ang mga ito at pumasok sa silid.

Nang makapasok sa silid ay nakatanggap naman ng tawag si Esang mula kay Martin. Inaaya siya nitong mag-dinner sa bahay para maipakilala raw sa mommy nito.

“H-hindi ba nakakahiya?”
“What? Ano naman ang dapat mong ikahiya, actually matagal ka nang kilala ni mommy, bukod kasi sa picture mo, I always talk about you.”

“Pero Martin… hindi pa naman tayo…”

Pinutol ni Martin ang sasabihin pa ng dalaga.

“I know, hindi pa pormal ang pagbabalikan natin, but I will do anything, everything, to win you back, so please, give me a chance.”

“O-okay… pupunta ako…”

“No, susunduin kita diyan.”

Gabi. Inihanda na ni Esang ang sarili para sa pagsundo ni Martin. Pinili niya ang pinakamagandang dress na nadala niya.

Inayusan niya ang sarili ng simple pero may dating. Naglagay siya ng manipis na make-up at lipstick. Nagwisik ng paborito niyang perfume at isinuot ang 24k niyang kuwintas na isinusuot lang niya kapag may occasions.

“You look prettier now Esang… beautiful as you always be…” puri ni Esang sa sarili.

“Wow naman, mukhang reding-ready ka na ah!” tukso ni Jinky nang pumasok ito sa kuwarto at maabutan si Esang sa harap ng salamin. (Itutuloy)