Una sa Balita

My sweet-creepy-stalker

By
0 463

(Ika-28 na labas)

“Chill ka lang Esang, walang mangyayaring masama…” pinalalakas ni Esang ang sariling loob.

Nang mula sa kung saan ay sumulpot sa daraanan niya ang dalawang lalaki na mga mukhang goons. Napahinto sa paglalakad si Esang. Hindi niya maiwasang makadama ng takot. At hindi lang basta takot, kundi takot na takot!

“Hey Miss, we’re lonely, can you make us happy?” maangas na tanong ng isa.

Sinubukang hawakan ng isa pang lalaki na negro si Esang pero may kamay na sumangga sa kamay nito. Nanlaki ang mga mata ni Esang nang mapagsino ang may-ari ng kamay.

“MARTIN?” napatingin ang dalaga sa boquet ng red roses na hawak ng binata. Sumagi sa isip niya ang mga natatanggap na bulaklak.

Sa gitna nang pagkabigla ng dalaga ay nagsimulang makipagpalitan ng suntok si Martin sa dalawang lalaki.

“Oh my God! Stop it!” sigaw ng dalaga.

Nakubabawan ng isang lalaki si Martin habang ang isa ay nakikisuntok din. Mabuti na lang at may dumaan na mobile ng police kaya nagpulasan ang dalawang lalaki. Tinulungan ni Esang na makatayo si Martin. Nang makatayo na ang binata ay saglit silang nagkatitigan.
Sa isip ni Esang “Mas lalo siyang gumwapo at lumaki ang katawan niya…”

Sa isip naman ni Martin “Mas lalo talaga siyang gumanda, lalo na kapag malapitan…”

Puno ng pananabik ang mga mata ng binata habang puno naman ng katanungan ang mga mata ng dalaga.

“Martin, anong ginagawa mo rito?”

“I’m so glad to see you again!”

“Sagutin mo ang tanong ko…”

Ang mga bulaklak na kanina ay hawak ni Martin, ngayon ay nakakalat na sa daan nang mabitiwan nito dahil sa pakikipagsuntukan.

Dinampot ni Esang ang isang bulaklak at saka muling hinarap si Martin. Nagtatanong ang mga mata.

Napayuko ang binata. Humugot ng malalim na buntong hininga bago nagsalita.

“Yes, it’s me…”

Hindi makapaniwala si Esang. Pagkatapos ng ilang taon na hindi pagkikita ay sa ganitong sitwasyon pala muling magtatagpo ang landas nila.

Related Posts

“Esang, please let me explain…”

Sabay na naglakad ang dalawa nang mabagal patungo sa apartment.

“I saw you… in the cemetery… from there, palagi na kitang sinusundan…”

“Bakit hindi ka nagpakita agad?” kunot-noong tanong ng dalaga.

“Because I’m afraid na hindi mo na ako tanggapin… because of that guy…”

“S-sinong guy? If you’re talking about Nero, he’s a friend.”

Nang makarating sila sa apartment ay hindi muna sila pumasok sa loob, sa halip ay magkatabi silang naupo sa malaking batuhan sa harapan sa tabi ng mga halaman.

Isinalaysay ni Esang ang pagdating niya, kung paano niya naging kaibigan si Nero na anak ng matalik na kaibigan ng tatay niya, at ang pagkakatagpo niya sa puntod ng ama.

“Ikaw, anong ginagawa mo sa sementeryo?” tanong ng dalaga.

“My dad… he passed away last year…”

Hinawakan ni Esang ang kamay ni Martin. “I’m sorry…”

“You don’t have to… I thank God dahil sinunod ko ang gusto mo… dahil do’n nakasama ko at napagsilbihan ko si dad before he died… and my mom, I take care of her… and also, isa na akong civil engineer ngayon… but after all, I’m so glad to see you… I’m very happy…”
“Ako rin naman eh… masaya kong nakita kita ulit…”

Tinitigan ni Martin sa mata ang dalaga bago muling nagsalita.

“Esang, after all these years, you’re still here…” itinuro ni Martin ang puso niya.
Hindi agad nakaimik ang dalaga. Subalit bakas sa mga mata nito ang damdaming pilit na itinatago.

“I really tried my best na kalimutan ka, pero kahit isinubsob ko ang sarili ko sa pagbabalik eskuwela, sa trabaho, sa pag-aalaga sa mga magulang ko… my heart can’t move on…”

“Martin, sinubukan ko rin naman eh… sinubukan kong alisin ka sa puso’t isipan ko… pero…”
“Pero mahal mo pa rin ako ‘di ba?”

Bago pa muling makasagot ang dalaga ay narinig na nila ang tinig ni Jinky.

“Hey guys, baka gusto nyong pumasok sa loob, Rose Anne, baka naman pwede mo akong ipakilala sa bisita mo!”

Dahil sa tagal nang hindi pagkikita ay hindi maubusan ng pagkukuwentuhan sina Martin at Esang. Pero hindi sila makapag-usap ng tungkol sa damdamin nila dahil pasingit-singit si Jinky.

Malalim na ang gabi pero dilat na dilat pa rin si Esang at gising na gising pa rin ang diwa niya. Binabalik-balikan sa isip ang muling pagku-krus ng landas nila ni Martin.

Parang hindi kapani-paniwala na ang dalawang bagay na inisip niyang imposible ay parehong nagkaroon ng katuparan sa loob lamang ng maikling panahon. Una ay ang pagkakatagpo sa ama. Ngayon naman ay si Martin. (Itutuloy)