Una sa Balita

My sweet-creepy-stalker

By
0 463

(Ika-27 na labas)

Paalis na siya sa sementeryo nang maramdaman niyang tila may sumusunod sa kanya. Huminto siya sa paghakbang at nakiramdam. Tapos ay nagpatuloy sa paghakbang.

Pero muli siyang nakaramdam ng tao sa paligid kaya muli siyang huminto at lumingon. Luminga sa katahimikan ng sementeryo. Sinulyapan ang mga puntod sa paligid. Pero wala siyang nakita na anumang kakaiba.

“Tay, ikaw ba ‘yan? Sinusundan mo ba’ko?”  tanong sa isip ng dalaga.

Nagpatuloy ulit siya. Sa pagkakataong iyon ay nag-uunahan na ang kanyang mga paa. Mabilis siyang nakalabas dahil sa nadamang takot.

After a month.

“Esang, mukhang close na talaga kayo ni Sir Mills, at lalo na sa anak niya! Uuuyyy!” tukso ni Jinky nang pareho na silang nakahiga sa kama.

“Tumigil ka nga diyan, malapit sa’kin si sir dahil nga sa tatay ko, at ‘yung only son naman niyang si Nero, wala ‘yon, magkaibigan lang kami no’n.”

“Talaga? e bakit lagi ka niyang inaaya na kumain sa labas?”

“Dahil nga we’re friends, malinaw naman sa kanya na hanggang do’n lang kami.”

“Hay naku, bakit kasi hindi pa i-open ang heart? Ang tagal na Esang, pero hanggang ngayon mukhang occupied pa rin ng Martin na ‘yon ang puso mo, ba’t kasi pinakawalan?”
“Wag na lang natin siya pag-usapan Jinky…”

“Okay change topic, e nasabi mo na ba sa mudra at sister mo ang tungkol sa tatay mo?”
Sinulyapan ni Esang ang family picture nilang nilagay niya sa frame at ipinatong sa side table bago sumagot.

“Oo… after a month ng pag-iisip sa wakas ay nasabi ko rin sa kanila… umiyak ng umiyak si nanay, si ate medyo lang… ipinagpamisa na raw nila si tatay.”

Umaga.

Ready na sa pagpasok sa work si Esang. Pagbukas niya ng pinto ay muntik pa siyang mapatid sa isang bungkos ng pulang-pulang rosas sa paanan niya. Nagtatakang dinampot niya ang mga bulaklak at luminga sa paligid.

Hindi iyon ang unang beses na nangyari iyon.
“Alam mo Esang kung wala lang kakabit na card ‘yan, iisipin ko talagang para sa’kin ‘yan, kaso name mo ang nakasulat, do you think it comes from Nero?” si Jinky
Hindi makasagot si Esang. Palagi naman silang magkasama ni Nero at hindi naman ito nanliligaw sa kanya dahil inunahan na niya itong hanggang friends lang sila. Feeling niya hindi ito galing kay Nero.

Related Posts

Hindi lang sa apartment nila may dumarating na mga bulaklak kundi maging sa Botique shop nila.

“Ang weird ha, pero wait, ‘di ba nagsimula kang makatanggap ng mga flowers mula nang manggaling ka sa sementeryo? Hindi kaya may nagkagusto sa’yong ghost?” biro ni Jinky.

“Luka-luka, ghost talaga? hayaan mo, kung sinuman ang sender ng mga flowers na’to, siguradong magsasawa rin siya!” ani Esang habang inaamoy-amoy ang mga rosas.

“Hoy ‘wag mong amuyin baka may pampatulog ‘yan!”

Habang tumatagal ay lumalaki ang takot sa dibdib ni Esang. Pakiramdam kasi niya ay palaging may nagmamasid sa kanya. Saan man siya magpunta maski sa supermarket parang laging may nakasunod sa kanya.

Gabi. Naisipan niyang tawagan si Nero.

“Hello Nero…”

“Yes, Rose Anne?” si Nero sa kabilang line.

“I just want to know if… you’re the one who sent  flowers for me?”

“I wish it was me, but I’m not!”

Mula sa bintana ng kuwarto ay napansin ni Esang sa sulok ng mga mata  niya ang isang lalaking naka-hood at nakatayo sa harap ng apartment nila.

“Okay Nero, thanks, I’ll call you later.” Ibinaba ni Esang ang phone at palihim na sumulyap sa bintana. Nanatiling nakatayo ang lalaki at sa pagkakataong iyon ay tumalikod ito. Takot na isinara ni Esang ang bintana. Lumabas siya ng kuwarto at sinigurong naka-lock ang mga pintuan at lahat ng bintana ay nakasara. Doble ang kaba niya ngayon dahil wala pa si Jinky, nag-over time ito ngayon at bukas ay siya naman.

“Mama Mary, please help me, don’t let that guy get inside…” usal ni Esang habang nakatingin sa maliit na Mama Mary sa altar.

Nagpalipas lang ng ilang saglit ang dalaga at unti-unti ay muling sinilip sa bintana mula sa kuwarto ang estrangherong lalaki. Wala na ito doon. Hindi niya maiwasang mangamba dahil wala silang kalapit na bahay. Ang apartment na pinatitirahan sa kanila ng boss nila ay nasa dulo at nagsosolo. Mura raw kasi at kakilala nito ang may-ari.

Nang gabing iyon ay hindi nakatulog si Esang hangga’t hindi dumarating si Jinky.

Kinabukasan ay nadatnan na naman ni Esang sa pintuan ang bungkos ng mga pulang rosas. Naisip niya baka ang lalaking nakita niya kagabi ang naglalagay ng mga bulaklak at baka ito rin ang palaging pakiramdam niya’y bumubuntot sa kanya.

Mula sa trabaho, ginabi ng uwi si Esang dahil sa overtime. Madilim ang kalyeng dinaraanan niya patungo sa apartment dahil hanggang kanto lang ang taxi. (Itutuloy)