Una sa Balita

My sweet-creepy-stalker

By
0 441

Ika-25 na labas

“Paano tayong dalawa?”

“Hindi ko alam.”

“Esang, please, sana hindi ito ang maging katapusan ng pag-ibig natin,..”

“Natatakot lang kasi ako, baka pag nandoon ka na…baka makakita ka ng iba…baka makalimutan mong ako ang mahal mo…kaya hangga’t nandito ka pa, gusto kong maging malinaw ang lahat…” pilit mang itago ay bakas pa rin ang pagdaramdam sa tinig ng dalaga.

“What do you mean?”

“Bumalik ka na sa mga magulang mo, at habang nandoon ka, hayaan na muna natin ang isa’t isa. Kung makakabalik ka pa, nandito pa rin naman ako, hihintayin ko ang pagbabalik mo.”

“What? Are you crazy? You mean we have to break our relationship while I’m away?”

“At least wala tayong commitment, hindi tayo aasa at hindi tayo masasaktan.”

“Hindi masasaktan? Sinasabi mo pa lang ‘yan nasasaktan na’ko.”

Dumantay ang balikat ni Esang sa binata.

“Martin, kung naniniwala kang ako ang para sa’yo, hindi mo kailangang mag-alala, kung naniniwala ka sa pag-ibig natin, babalik ka…at pagbalik mo saka natin ipagpapatuloy kung anuman ang nasimulan natin.”

“No, hindi ako papayag na mag-break tayo! Marami namang paraan na ma-reach out natin ang isa’t isa kahit nasa malayo ako, may phone, may internet, we can talk and see each other  through skype anytime we want!”

“Basta gawin mo na muna ang dapat mong gawin, be a good son, makakapaghintay naman ako.”

“I don’t understand you …”

“Martin, simple lang, gusto kong maging malaya tayo pareho habang malayo tayo sa isa’t isa…at kapag okay na okay na ang family mo at nandiyan pa rin ako sa puso mo, balikan mo ako.”

“Paano kung pagbalik ko…ako naman ang wala na sa puso mo?”

“Isa lang ang maipapangako ko sa’yo…ang puso ko, hihintayin ka nito.” Sabay turo ni Esang sa puso niya.

Habang nanonood ng t.v. si Esang napansin ni Aling Rosita na hindi naman ito talaga nanonood. Parang tagusan ang tingin ng dalaga sa television. Comedy kasi ang palabas pero parang malungkot ang mukha nito.

“Anak, may problema ba?”

“H-ho? Wala po nay!”

Tinabihan ni Aling Rosita ang anak sa upuan.

Related Posts

“Tungkol ba kay Martin?”

“Nakipag-break po ako sa kanya…”

“Sabi ko na nga ba… dahil babalik na siya sa America?”

“Mabuti na po ‘yon nay, kaysa naman itali ko ang puso ko sa kanya, tapos aasa ako…at mabibigo…”

“Esang, may kinalaman ba ito sa ama mo?”

Hindi agad nakasagot ang dalaga. Pero natumbok ng ina ang pinanggalingan ng desisyon niya.

“Anak…wag mong gawing basehan ang love story namin ng ama mo sa mga pagdedesisyon mo para sa sarili mong love story.”

“Hindi ko kasi maiwasang isipin nay, diba sabi mo nangako siya na babalikan ka niya…umasa ka rin at nasaktan dahil hindi niya tinupad ang pangako niya…”

“At ayaw mo itong mangyari sa’yo?”

Hindi kumibo si Esang, pero ang reaksyon ng mukha niya ay tanda ng pagsang-ayon.

“Anak magkaibang tao ang tatay mo at ang boyfriend mo, meron silang sariling pag-iisip at kanya-kanyang puso…at meron din silang mga tadhana…nagkataon lang siguro na itinadhana ang ama mo para sa iba…”

“Iyon na nga po nay eh, anuman po ang dahilan, yung nangyari sa inyo, pwede ring pong mangyari sa’min…”

“At pwede ring hindi…”

Kahit na ano pa ang sabihin ng ina, buo na ang desisyon ni Esang. Hangga’t maaga pa ay kailangan niyang bumitaw kay Martin bago pa lumalim ang pag-ibig niya at tuluyan siyang matali sa mga pangakong walang kasiguraduhan.

Patulog na si Esang nang makarinig siya ng mahihinang katok. Dahil siya ang malapit sa pintuan kaya siya ang nagbukas ng pinto.

Si Martin.

“Esang, can we talk?”

“Nag-usap na tayo diba?”

“Gano’n lang ba kadali sa’yo ‘yon?”

“Mahirap Martin, pero mas mahihirapan tayong dalawa kung ipagpapatuloy natin ito.”
“Malapit na akong umalis, but please before I go, pag-isipan mo munang mabuti ang desisyon mo.”

“Hindi ka pa dumarating sa buhay ko, sinabi ko na sa sarili ko na hindi ako makikipagrelasyon sa taong lalayo sa akin at hanggang ngayon iyon pa rin ang desisyon ko.”

“Esang, gusto mo bang mag-stay na lang ako dito?”

“Hindi… kailangan ka ng magulang mo, please go…goodnight Martin…” pagkasabi niyon ay isinara na ni Esang ang pinto. Pero nanatili siyang nakatayo sa likuran niyon. Tulak ng bibig kabig ng dibdib ang pakiramdam niya . Pero titiisin niya na ang masaktan ngayon gaano man ito kasakit kaysa lumalim pa ng husto ang sugat sa pagtagal ng panahon. (Itutuloy)