Una sa Balita

My sweet-creepy-stalker

By
0 441

Ika-24 na labas

“Kaya ba parang nalungkot ka?”

“Ano ka ba, nagtatanong lang ako.”

“Esang, hindi naman kita basta-basta iiwan, isa pa, kung uuwi man ako sa mom and dad ko, babalik at babalik ako sa’yo.”

“So, uuwi ka na nga?”

“Hindi pa naman agad-agad, marami pa rin akong dapat asikasuhin, ganoon din sina mom, pero naiintindihan mo naman ‘di ba?”

Hindi makasagot ang dalaga. Pero tumango siya.

“Buti pa lumabas tayo mamaya, tutal naman Sunday ngayon, let’s go to church and then let’s watch movies?”

“S-sige, magpapaalam ako kay nanay.”

Matapos ngang magsimba ay dumiretso sa panonood ng sine ang dalawa. Isang horror movie ang napili nila.

“Martin, kelan mo balak bumalik sa America?”

“Hindi ko pa alam, siguro I will talk to mom and dad muna.”

“Pero siguradong babalik ka ro’n ‘di ba?”

“Esang, what are you trying to say ba, na iiwanan na kita?”

“Parang gano’n na rin ‘yon ‘di ba?”

“Of course not! Bakit, kapag ba umuwi ako sa’min you will break me up?”

“Ayoko lang kasi ng LDR…”

“LDR?”

“Long distance relationship… kaya kung babalik ka na sa America, mas mabuting malaman ko agad…”

Natahimik si Martin.

“Mahal kita Esang, that’s all I know.”

Related Posts

Hindi na umimik ang dalaga. Tahimik siyang lumuha sa gitna ng madilim na paligid ng sinehan.

“Mahal ko, are you crying?” puna ni Martin.

“Hindi… natatakot lang ako…”

“Na mawala ako?”

“Sa palabas, maganda ang effect pati ang make up ng mga zombies… makatotohanan…” pagsisinungaling ni Esang.

Inakbayan ni Martin ang dalaga at kinuha ang kamay nito saka masuyong hinagkan.

Humilig naman ang dalaga sa balikat niya. Ang totoo natatakot talaga si Esang na mawala ang boyfriend niya sa kanya.

Lumipas pa ang mga araw.

Gabi. Magka-chat sina Martin at Esang.

“Esang can we talk?”

“Seryoso?”

“Pwede ba’kong pumunta diyan ngayon?”

“Ako na lang ang pupunta diyan, over coffee?”

“Sure. Less sugar please? Thanks.”

Pinuntahan nga ni Esang si Martin sa kabilang pinto dala ang tinimplang kape. Magkatabi silang naupo ni Martin sa sofa.

“Importante ba?” kinakabahang tanong ni Esang.

“Tinawagan kasi ako ng mommy ko…”

“Pinapauwi ka na nila?”

“Actually, payag naman sana silang mag-stay pa’ko dito pero my dad’s need me… may mga kailangan kasing i-settle si mom sa London, kapag umalis siya walang makakasama ang dad ko.”

Saglit na namagitan ang katahimikan.

“Esang, It’s hard for me to decide, kasi mahal kita…”

“Pero sabi mo nga, natutunan mo na kung paano dapat ma-inlove, take care, protect and give your heart a choice… may choice kang piliin ang responsibilidad mo bilang anak. Kung mananatili kang nakayakap sa pag-ibig natin, mawawalan ka ng pagkakataon na gawin ang tama.” (Itutuloy)