Una sa Balita

My sweet-creepy-stalker

By
0 441

(Ika-23 na labas)

“Oo nga eh… when you’re looking at them, it feels like everything is gonna be okay.”

“Sana…”

“Sana?” napatingin si Martin kay Esang.

“Sana, may forever tayong dalawa…”

“Why not, we love each other and I know we will love each other forever…”

“Sana may makita tayong bulalakaw, para makapag-wish tayo.”

“Kahit walang bulalakaw, pwede pa rin naman tayong mag-wish… dito…” hinawakan ni Martin ang kamay ni Esang at dinala sa tapat ng puso niya.

Habang nasa tapat ng puso ni Martin ang kamay ay napapikit ang dalaga, humihiling na sana ay hindi sila magkalayo.

Maya-maya ay unti-unting naglaho ang mga bituin at nagsimulang pumatak ang ulan.

“Hindi ka ba nalulungkot sa ulan?”

“Nalulungkot… pero iniisip ko na lang na blessings ang hatid ng ulan, ’wag lang babagyo…” nakangiting sabi ni Esang.

“Ako, hindi ako malulungkot sa mga patak ng ulan, as long as you’re here with me.”

“Alam mo ikaw, palagi ka na lang may hugot, pero in fairness napapaniwala mo ko sa mga hugot mo!”

“Ano bang hugot ‘yang pinagsasasabi mo, I’m just telling you how I feel.” Natatawang sabi ni Martin.

Related Posts

“O sige na, k

hit ano pang sabihin mo, naniniwala ako sa’yo, at palagi akong maniniwala sa’yo.” Malambing na sabi ni Esang sabay tingin sa binata.

Nagtama ang mga paningin nila at ang pagtatamang iyon ay tumagal ng ilang Segundo.

Napatitig sila sa isa’t isa . Puno ng kaba. Puno ng pag-asa. Puno ng pagmamahal…

Unti-unting inilapit ni Martin ang mukha niya sa dalaga. Hinayaan niyang tangayin siya ng damda­ming umiibig. Gayundin si Esang na sadyang hinintay na lumapat ang labi ni Martin sa labi niya. Iyon ang una niyang halik. At napatunayan niya kung gaano ito katamis. Pareho silang napapikit habang dinadama ang tamis ng kanilang pag-ibig sa pamamagitan ng mga halik na iyon. Saksi ang bawat patak ng ulan at malamig na haplos ng hangin.

Matapos ang madamdaming halik na iyon ay niyakap ni Martin si Esang. Para kay Esang sapat na ang mga yakap na iyon para ipanatag niya ang pusong nangangamba. Sapat na iyon para pagkatiwalaan niya ng lubos ang lalaking pinili niyang mahalin.

Nakatulog si Esang na yakap ang malaking teddy bear na regalo ni Martin. Dahil malalim na ang gabi nang maghiwalay sila ni Martin kaya naman tanghali na nagising si Esang.

Naalimpungatan pa siya nang marinig ang boses ng binata kausap ng ina.

“Martin, ano ba ‘yang ibabalita mo at mukhang excited na excited ka?”

“Opo may good news po kasi ako!”

Tuluyang idinilat ni Esang ang mga mata at saglit na humarap sa salamin bago lumabas ng kuwarto.

“Martin!”

Iniwan muna sila ni Aling Rosita.
Tuwang-tuwang niyakap ni Martin ang dalaga pagtalikod ng ina nito.

“Martin, ano ka ba, baka makita tayo ni nanay!”

“I’m sorry mahal ko, hindi ko lang mapigilan ang sarili ko, I’m so happy, kasi tapos na ang problema namin, iniurong na ang kaso kina mom and dad!”

Natigilan si Esang. Agad nagtalo ang isip at puso. Masaya siya sa pagkakalutas ng problema ng pamil­ya ni Martin, pero tila nalungkot naman ang puso niya sa pangambang babalik na si Martin sa America.

“Wait, hindi ka ba masaya for me?” tanong ni Martin nang kumalas si Esang sa yakap niya.
“S-syempre naman masaya ko! siguro babalik ka na sa kanila?” (Itutuloy)