Una sa Balita

My sweet-creepy-stalker

By
0 462

Ika-21 na labas

Lumilitaw sa mga ebidensya na walang kinalaman ang mga magulang ni Martin kaya laking pasasalamat nila.

Malapit na ang birthday ni Esang kaya nag-iisip si Martin ng magandang sorpresa.

“Esang, ano ba ang gusto mo sa birthday mo?” tanong ni Martin habang magkatabi silang nakaupo ng dalaga sa terrace.

“Ahm…tulad pa rin ng dati, good health, peace of mind…blessings para sa family ko.”
“How about celebration?”

“Naku hindi ko na iniisip ‘yang mga ganyan, nag-debut nga ako nagsimba lang kami nila nanay at ate, tapos kumain sa fastfood…kasi iniisip ko ‘yung gagastusin sa celebration, mas mabuting idagdag ko na lang sa ipon ko.”

“Pero once a year lang naman ang birthday, it is just fair to have a celebration diba?”

“E ikaw, siguro nagpapa-party ka kapag birthday mo no?”

“Yeah, I invited all my friends, pero hindi naman bongga, just for fun.”

Saglit na katahimikan ang namagitan sa kanila. Si Esang ang bumasag niyon.

“Martin, kapag maayos na ang lahat, babalik ka na sa America diba?”

“Wag na muna na nating pag-usapan ‘yan.”

“Bakit ‘wag?”

“Wala lang, hindi ko pa kasi napag-iisipang mabuti, dati oo, pero ngayon I’m thinking about you, about us .”

Hinawakan ni Esang ang kamay ni Martin.

“Kung ako ang tatanungin mo, ayokong magkalayo tayo,pero kung talagang kailangan, ‘wag mo kong alalahanin.”

“Esang gusto kong palaging maging masaya sa piling mo, kaya please, ‘wag na muna nating pag-usapan ang mga ganyang bagay.”

Sa kabila ng pagmamahal na ibinibigay at ipinapakita ni Martin ay hindi maalis ni Esang sa puso niya ang pangamba na isang araw ay iiwan siya ni Martin para bumalik sa mga magulang nito. Sa buhay nito sa America.

Birthday ni Esang. Madaling-araw pa lang ay gising na ang dalaga. Magsisinungaling siya sa sarili  kung sasabihin niyang hindi siya umaasa ng sorpresa mula kay Martin.

Isang romantic surprise syempre ang ine-expect niya. Kaya naman maaga pa lang ay puno na ng excitement ang puso niya. Wala naman siyang balak maghanda kaya wala siyang pine-prepare kundi ang sarili niya, ang puso niya para sa inaasahang sorpresa ng nobyo.

“Aba, ang aga mo yatang magluto ng almusal?” si Aling Rosita na kakagising pa lang at sinisipat ang niluto ni Esang na sinangag, hotdog at ginisang sardinas na hinaluan ng itlog.
“Of course naman nay! Special day ko ata ‘to!”

“Talaga?”

“ Nay ‘wag ka nang magkunwaring nalimutan mo, it’s my birthday!”

Related Posts

“Alam ko, happy birthday anak!” sabay halik ni Aling Rosita sa pisngi ni Esang.

“Thank you ‘nay, tara almusal na tayo, ‘wag na nating hintayin si ate mamaya pa ang gising no’n!” ani Esang habang inihahanda ang mga plato sa mesa.

“Sinong mamaya pa gigising ha?” singit ni Rhoda na lumabas mula sa kuwarto.

“O ate ang aga mo rin?”

“Maaga akong magbubukas ng carinderia, kasi may lakad ako mamayang gabi.”

“Talaga, sa’n naman?”

“ Secret!” nakangiting tugon ni Rhoda.

“O siya, kain na tayo.” Si Aling Rosita.

“Ay sis happy birthday ha.”

“Thank you, sana lang may itinabi kang gift!” biro ni Esang sa kapatid.

“Yaan mo titingin ako sa UK mamaya!” ganting biro ni Rhoda.

“Never mind, puro ukay na nga ang mga damit ko eh!”

Matapos ang agahan ay hinarap ni Esang ang mga tahiin niya. Ganadong-ganado siya magtahi kaya naman agad din siyang natapos. Nagbukas siya ng laptop at chineck niya ang cp niya, pero nagtataka siya dahil  tanghali na ay wala man lang paramdam si Martin.

Dapat maaga pa lang ay nabati na siya nito.

“Baka maraming customer sa restaurant…baka busy…baka nalimutan?”  sa isip ng dalaga.
Hindi siya nakatiis kaya itinext niya ito.

“Hi mahal ko, musta ang umaga mo?”

Walang reply.

“Sa work ka na ba?”

Wala pa ring reply. Sinubukan niyang idial ang number nito pero nagbago ang isip niya.

“Di bale , baka busy lang talaga siya, baka babawi na lang siya mamayang hapon…”

Hapon. Nakipaglaro ng bingo si Esang.

“Esang wala ka man lang bang pa-canton diyan?” kantyaw ni Jengjeng na kadarating lang galing sa school at naupo na rin sa bingguhan.

“Wala, palipasin na lang natin, haha!”

“E ano bang gift sa’yo ng jowa mo?” singit na tanong ni Weng. (Itutuloy)