Una sa Balita

My sweet-creepy-stalker

By
0 463

Ika-20 na labas

 “Kung nag-aalala kang maiiwan kita, ‘wag mo na munang isipin ‘yon, let’s just be happy kung anong meron tayo ngayon and I promise na hindi kita iiwan.”

Sa sinabi niyang iyon ay tila may kumurot sa puso ng dalaga sa isiping paano kung bumalik na si Martin sa America?  Siguradong mga pangako lang ang maiiwan sa kanya. Pero anupaman ang kahinatnan ng pag-ibig niya kay Martin ay handa siyang sumubok.

Ang dati’y oras ni Esang sa bingguhan ay naging oras na nila ni Martin sa pamamasyal at pagba-bonding.Kaya naman katakot-takot na kantyaw ang inaabot nila sa mga kabingguhan at kaibigan ng dalaga.

“Naku Martin ha, inagaw mo na sa amin ang prinsesa ng bingguhan namin!” biro ni Weng nang dumaan si Martin kasama si Esang.

“May pupuntahan lang po kami.” Nakangiting tugon ng binata.

“Sa’n naman ‘yan?” usisa ni Aling Susan.

“Secret po!” nakangiting sabi ni Esang.

“Martin,ingatan mo ang kapatid ko ha,at umuwi kayo agad.” Habol ni Rhoda mula sa loob ng bahay nila.

“Opo ate!” sagot ni Martin na dahilan para muli silang kantyawan ng mga bingolera, dahil sa pagtawag niya ng ate sa ate ni Esang.

Sa isang ice cream bar sila nag-date.

“Wow! Type ko ang lugar na’to!”

“Sabi ni ate Rhoda favorite mo raw ang ice cream kaya dito kita dinala.” Ani Martin habang tumitingin sa ice cream menu.

“At nagtanong ka talaga kay ate ha!”

“Of course naman, I’d like to know everything about you and everything that you like.”

“Sweet.” Maikling tugon ng dalaga.

Related Posts

“So, chocolate flavor?”

“Korek! Ikaw?”

“Cookies and cream.”

Habang kumakain sila ng ice cream ay sige sa kuwentuhan ang dalawa. Tungkol sa kani-kanilang pamilya. Sa mga past nila. Sa mga bagay na like and dislikes nila. At dumako rin sila sa dating lovelife ni Martin.

“I had two girlfriends before…but it didn’t work. Mischelle is broke up with me because of another guy, while Ysabelle had to move on to another place. Nabalitaan ko na lang na nag-asawa na siya. They’re both Fil-Am.”

“May times ban a naiisip mo sila, or any regrets?”

“Of course sometimes dumaraan din sila sa isip ko, but hindi ko naman pinagsisihan na nagkaroon ako ng relasyon with them, it gave me lessons about being inlove…”

“Anong lesson naman ‘yon?”

“That…when you’re inlove, you have to take care of your heart, protect your heart , and always give your heart  a choice.”

“Take care, protect, and a choice?”

“Minsan kasi nahihirapan kang magdesisyon kapag mahal mo ang isang tao, kaya hindi mo nabibigyan ng choice ang puso mo,..choices sa mga pagpapasya para hindi ka masyadong masaktan, para madali kang maka-move on.”

Napangiti si Esang.

“Alam mo kumain na lang tayo ng ice cream, kasi baka lumalim na ang usapan natin e malunod pa tayo!”

Patuloy ang magandang pagtitinginan nina Esang at Martin. Dahil dito ay lalong ginanahan si Esang sa pananahi at umaasang asap ay makakatuntong na siya ng college. Si Martin naman ay lalo pang pinagbubutihan ang pagtatrabaho sa restaurant ng uncle ni Jackson.

Paminsan-minsan ay sinosorpesa siya ni Esang, dinadalaw siya sa trabaho, oorder lang ng juice at mauupo sa isang sulok habang pinagmamasdan siya sa pagtatrabaho.

Naco-concious man ay gusto pa rin ni Martin na nakikita niya ang dalaga. Kasabay nito ay gumaganda rin ang sitwasyon ng mga magulang ni Martin sa America dahil sa nalalapit na pagtatapos ng kaso. Nahuli na kasi ang president ng organization na sinalihan ng mga ito at siyang tunay na nag-estafa ng pera ng mga miyembro. (Itutuloy)