Una sa Balita

My sweet-creepy-stalker

By
0 463

Ika-19 na labas

Hindi binibitiwan ni Martin ang mga kamay ng dalaga.

“Yes, Martin… the feeling is mutual… ­mahal din kita!”

Napapikit si Martin sa narinig. Kinabig niya ang dalaga at dinala sa dibdib niya. Sapat na ang mahigpit na yakap na iyon para maipadama nila sa isa’t isa ang isang pagmamahalan na kapwa umusbong sa mga puso nila. Hindi alintana ang mga tao sa paligid na napa­patingin sa kanila, ­dahil sa mga ­sandaling iyon ay wala silang ­nakikita at nararamdaman kundi pag-ibig.

Ang mga sumunod na araw ay lalo pang naging­ makulay sa pagitan nina Esang at Martin.

Sa pamamagitan ng skype ay ipinakilala ni Martin si Esang sa mga magulang niya. Natutuwa naman ang mga magulang ni Martin na sa kabila ng hinaharap nilang problema ay nakatagpo ang anak nila ng kaligayahan.

Nang matapos ang pakikipag-usap sa mga magulang ay napansin­ ni Esang ang lungkot sa mga mata ng binata.­ Magkatabi silang naka­upo sa sahig ng kuwarto ni Martin.

“Miss na miss mo na sila no?”

“Yeah… sanay naman­ akong hindi sila makasama for about two or three months kapag nagbaba­kasyon ako sa lola ko ­before, but when my granny’s gone, ngayon na lang ulit ako nahiwalay sa kanila…”

Related Posts

“Kailan mo naman­ ­­planong umuwi sa kanila?”

“Kung ako ang masusunod, hindi ko dapat sila iniwan sa gitna ng kinakaharap naming problema, pero pilit nila akong inilayo sa problemang ‘yon… sabi ni mommy, mas mapapa­natag sila kung wala ako do’n hanggang maayos na nila ang lahat…”

“Naiintindihan ko sila…”

“Pero hindi ko maalis ang guilt sa dibdib ko, kasi I’m not a kid anymore, I’m a man and kaya ko naman silang ipagtanggol.”

“Naiintindihan din kita, pero nag-iisa ka nilang anak at I’m sure mahal na mahal ka nila kaya ang gusto nila ay ‘yung makakabuti sa’yo at kung saan ka safe…pero teka, diba parang hindi rin safe na pa­puntahin ka nila sa lugar na wala ka namang kakilala?”­

“This is my choice, ang gusto talaga nila ay puntahan ko sa probinsya ‘yung mga relatives namin, but I chose to be here in Manila, kaya ibi­nigay na lang nila sa akin ‘yung mga address at numbers ng lahat ng mga family friends namin dito just in case lang na kailanganin ko ang tulong.”

“Iyon naman pala eh, wag ka ng mag-alala,­ maaayos din ang lahat, at magkakasama ulit kayo ng mga magulang mo… E tungkol naman sa studies­ mo, anong ­balak mo?”

“Pagmaayos na siguro ang lahat, itutuloy ko ang course ko… ikaw?”
“Pag nakaipon na…makakapasok din ako sa college… magiging sikat na fashion designer ako balang araw!”

“That’s good!”
“Martin, ‘yung bang mga plano mo sa hinaharap, tutuparin mong lahat sa America?
(Itutuloy)