Una sa Balita

My sweet-creepy-stalker

By
0 463

Ika-18 na labas

“Yes, kapag nakaipon na’ko, uuwi na rin ako, namimiss ko na sina mom and dad.”

“Let me just remind you bro, hindi ka uuwi hangga’t hindi ka nila pinapauwi.”

“Pero hindi ko talaga maiwasang mag-alala.”

“Naiintindihan kita, kaya nga kapag nandoon na’ko, ako muna ang magiging mata at teynga mo sa kanila, at saka tinatawagan ka naman nila diba, and I think medyo maganda naman ang tinatakbo ng kaso, in favor of your family.”

“I hope so.”

“And one thing more, pa’no si Esang kapag bumalik ka na sa America?”

Natigilan si Martin. Paano nga ba kung sakali?

“Sige, pag-isipan mo muna ‘yan, next week na ang flight ko, pupuntahan na lang ulit kita before I go.” Sabay tapik ni Jackson sa balikat ng kaibigan.

Hapon. Masayang-masaya pa rin ang pakiramdam ni Esang. Pakiramdam niya lahat ng tapakan niya ay singlambot ng mga ulap.

“O anak, sa’n ka pupunta?” tanong ni Aling Rosita nang makitang palabas ng bahay ang dalaga.

“Ihahatid ko lang po itong mga tinahi kong damit kay Ka Edna.”

Paglabas ng bahay ay kapansin-pansin din ang kakaibang aura ng mukha niya.

“Uy Esang, ang glow mo ngayon ah, blooming ka pa sa bulaklak ni Aling Susan!” bati ni Weng na nakasalubong ng dalaga.

“Talaga? bolera ka ha!” nakangiting tugon ni Esang.

“Siguro inlove na si Esang!”  singit na biro naman ni Arman  maggugulay sa kariton na napadaan lang.

“Naku ikaw kuya Arman ha, ilako mo na ‘yang paninda mo nang makarami ka!”

Nagpatuloy sa paglalakad si Esang patungo sa tindahan ni Ka Edna.

“Ka Edna, eto na po yung pinatahi nyo!” naka­ngiting bungad ni Esang sa matanda.

“Naku salamat Esang, magkano ba lahat ang mga ito?”

“120 na lang po yang tatlo.”

Matapos makuha ang bayad ay nagpaalam na ang dalaga. Pauwi na siya nang mapahinto siya sa paglalakad. Bigla kasing nagkagulo ang mga tao sa paligid. Hinarang niya ang isang kakilala.

“Maye, anong nangyayari?”

“May naaksidente sa kanto, nabundol ng taxi!”

“Ha? sino raw?”

“Hindi ko alam, ang dinig ko matangkad raw na lalaki at maputi!”

Natigilan si Esang. Dumagundong ang kaba sa dibdib. Naisip agad niya si Martin.

Related Posts

Matangkad at maputi kasi ang binata at oras na ng pag-uwi nito ngayon.

Tumakbo si Esang patungo sa pinangyarihan ng aksidente. Pero pagdating niya roon ay hindi na niya halos makita ang sinasabing lalaki dahil napapaligiran na ito ng mga rescuers at mga usi.

“Oh God, ‘wag naman po please!” kausap ni Esang sa sarili habang pilit na sumisiksik sa karamihan ng mga tao. Nang sa wakas ay makasingit na siya at mapunta sa unahan ay saka naman isinakay ang lalaki sa stretcher.

“Kuya, sandali lang, pwede ko ba siyang makita?”

“Miss,kilala mo ba ‘yung naaksidente?”

“Hindi ako sigurado kaya nga nakikiusap ako, gusto ko siyang lapitan, baka kasi siya si…si Martin!” nangingilid na ang luhang pakiusap ng dalaga sa isang tanod na humaharang sa mga tao.

Pero umandar na ang ambulance.

“Mabuti pa, sumunod ka na lang sa ospital.”

“Martin…” hindi na napigilan ni Esang ang mapaiyak sa isiping si Martin ang naaksidente.

Desidido na sana siyang sundan sa ospital ang lalaki nang pagtalikod niya ay bumulaga sa harapan niya si Martin.

“MARTIN!”

Sa sobrang tuwa niya pagkakita sa safe na binata ay nayakap niya ito nang buong higpit.

“Esang, why?”

Kumalas si Esang sa pagkakayakap niya sa binata bago sumagot.

“Akala ko kasi ikaw yung naaksidente…”
“Kaya ka ba umiiyak?”

Tumango ang dalaga.

“You mean…I am important yo you?”

Muling tumango ang dalaga. Hinawakan ni Martin ang mga kamay ng dalaga.

“Mas importante ka sa’kin Esang, you know that.”

“Martin…” nabablangko ang dalaga. Walang maapuhap sabihin sa binata. Binabalot kasi ng kaba ang puso niya.

“You don’t have to say anything, I understand…”

“No, hindi mo naiintindihan, sobra akong nag-alala kanina…”

“Thank you dahil inaalala mo ako, but look at me now, I’m good!”

“Oo, pero…meron kasi akong na-realize…”

Hinintay ni Martin ang sasabihin pa ng dalaga.

“Na-realize ko na napakahalaga pala ng oras…ng panahon…anytime pwede tayong mawala…kaya hangga’t nandito pa tayo pareho, habang may oras pa tayo, siguro kailangan na sabihin na natin yung nilalaman ng puso natin…”

“Esang, I already told you what’s inside of me…mahal kita…if you feel the same, ako na siguro ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo!” (Itutuloy)