Una sa Balita

My sweet-creepy-stalker

By
0 463

Ika-17 na labas

“Esang, wait lang, may ibibigay ako sa’yo.”

Saglit na pumasok sa bahay si Martin. Paglabas nito ay dala na ang isang boquet ng white roses at iniabot ito sa dalaga.

“Martin, bakit may ganito pa?”

“Nagpasama ako kay Jengjeng kahapon kung saan ang bilihan niyan na pinakamalapit, and I chose white roses like my pure intention. I hope you like it! “

“Of course I like this!”

Sa wakas ay nasagot ang katanungan sa isip ni Esang nang hindi siya nagtatanong tungkol sa nakita niyang pag-alis nina Martin at Jengjeng kahapon.

“Martin, thank you so much.”

“Para sa flowers?”

“Yes and for your time.”

“Ako dapat ang nagpapasalamat.”

Nang biglang bumungad sa pintuan si Aling Rosita.

“Ehem!”

Gabi. Idinikit ni Esang ang picture nila sa wall kung saan matatanaw niya ito bago matulog at sa paggising. Inilagay naman niya ang flowers sa vase na nilagyan niya ng tubig para hindi malanta agad.

Nahiga siya at nagsimulang titigan ang picture nila ni Martin. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari kanina. Parang kanina lang ay crush na crush niya ang binata at inaasam ang puso nito. Pero ngayong nakapagpahayag na ito ng damdamin sa kanya, sa isang iglap ay nabago ang ikot ng mundo niya.

Napuno ng mga rosas ang paligid. Parang lahat ng bagay na tingnan niya ay maganda. Parang may musika siyang naririnig na ikinapapanatag ng loob niya. Maaliwalas ang buong kapaligiran at tila walang problema ang mundo.

“Thank you Lord… thank you sa napakasayang pakiramdam…”

Samantala. Gising na gising pa rin ang diwa ni Martin. Nakatitig din sa picture nila na inilagay naman niya sa ibabaw ng table. Inalis niya sa frame ang solo picture niya at ipinalit doon ang picture nila ni Esang.

“Thank you Esang… dahil sa’yo nabawasan ang bigat sa dibdib na dinadala ko… I hope na maging okay tayo hanggang sa maging okay din ang family ko… and I hope na makilala ka nina mom and dad, siguradong magugustuhan ka nila…”

Nanatiling nakatitig si Martin sa picture nila hanggang sa unti-unti na siyang mapapikit sa antok.

Related Posts

“Hoy bff, hindi yata kita nakikita sa bingguhan ngayon, graduate ka na ba?” si Jengjeng na pinuntahan ang kaibigan sa silid nito.

Kasalukuyang nananahi si Esang.

“Busy lang.”

Napatingin si Jengjeng sa picture nina Martin at Esang na nakadikit sa wall.

“Hala, may sweetness agad-agad?”

Napatingin din si Esang.

“’Yung photographer kasi pinilit kami na magpakuha ng picture.”

“Ang point ko e ‘yung nagsimba at namasyal kayo together, with this souvenir ha! so ano na ang kasunod nito, magseselebreyt na kayo ng first weeksary?” nakangiting sabi ni Jengjeng.

“Sira ka talaga, pero alam mo bff, ano kasi eh, nagtapat na siya sa’kin!” ani Esang na napahinto sa ginagawa.

“EEEEEE!” hindi maiwasan ni Jengjeng ang mapatili sa kilig.

“Ssshh! Wag ka ngang maingay baka marinig tayo nila nanay at ate!”

“Okay, e ano naman ang sagot mo, sinagot mo na ba?”

“Gusto ko sana, pero syempre nagpakipot pa’ko ng konti.”

“Korak lang ‘yon, dalagang pilipina lang ang peg!”

Natigilan ang dalawa nang may kumaluskos sa pintuan. Marahang binuksan ni Jengjeng ang pinto at hindi nga sila nagkamali, muntik pang masubsob sina Rhoda at Aling Rosita.

Nakadikit kasi ang mga teynga ng mga ito sa pintuan.

“Sabi ko na nga ba at may mga ipis sa pintuan!” biro ni Esang sa ina at kapatid.

“E pa’no naman hindi niyo kami sinasali sa usapang kilig niyo!” si Rhoda.

“Anak, okay lang naman ‘yang ganyang pakiramdam, pero sana kilalanin mo munang mabuti ang Martin na ‘yon bago mo ibigay sa kanya ang matamis mong oo.”

“Martin, babalik na ako sa America, so okay ka na ba dito?” si Jackson na dinalaw si Martin sa trabaho nito. (Itutuloy)