Una sa Balita

My sweet-creepy-stalker

By
0 463

Ika-16 na labas

“Esang, I’m sorry kung hindi mo maiintindihan ang sasabihin ko…”

“Wag na lang english kasi 50-50 ako diyan!”

Napangiti si Martin pero alam niyang nagbibiro lang si Esang.

“I mean, baka isipin mong sinasamantala ko ang bago pa lang na friendship natin…but…I think I’m inlove…”

“Inlove?”

“Yes… I’m inlove with you…”

Daig pa ni Esang ang natuklaw ng ahas. Hindi siya makagalaw, ni hindi siya makalunok. Paki­ramdam niya ay tinangay siya ng hangin papunta sa kawalan. Para siyang idinuduyan ng mga anghel sa kalangitan habang nagsisi-awit ng papuri sa Diyos.

“Esang?”

“H-ha?”

“I said, I’m inlove with you…siguro hindi ka maniniwala dahil hindi pa tayo lubos na magka­kilala, but, sa gitna ng lahat ng mga problem ko, I found you,I found you here…” sabay turo ni Martin sa puso niya.

“Ahm, hindi naman sa hindi ako naniniwala…ahm, siguro nga hindi ako makapaniwala pero…” nauutal at hindi alam ni Esang kung paano sasabihin ang nasa loob niya.

“I’m willing to wait, I just want you to know kung ano ang feelings ko sa’yo, but it doesn’t mean naman na kailangan mo agad sagutin, I’m happy with what we have right now. But of course I’m hoping that one day, maging tayong dalawa.”

Isang ubod tamis na ngiti ang lumabas sa labi ni Esang. Sa sobrang saya ng puso niya ay tila nawalan ng puwang ang mga letra, kaya hindi siya makaapuhap ng itutugon.

Related Posts

Isang photographer ang lumapit sa kanila.

“Sir, ma’am, baka gusto nyo ng souvenir na picture, 100 lang po!”

Nagkatinginan ang dalawa.

“Pasensya na po manong pero may camera naman po yung cellphone namin!” si Esang.

“Pero ma’am yung sa cellphone nyo po pang fb lang, ito pong amin instant makikita nyo at madi-display sa bahay agad-agad pag-uwi nyo!” giit ng matandang lalaki.

Naisip ni Esang oo nga naman, sa dami ng picture niya sa fb ay wala isa man sa mga ito ang naisipan niyang ipa-print.

“Manong sige po, kuhanan nyo kami dito sa tabi ng puno, tag-isa kami ng copy ha!” si Martin.

Pumwesto ang dalawa sa lilim ng isang puno. Inakbayan pa ni Martin ang dalaga kaya naman super na-concious ang dalaga kung may amoy pa ba ang pabangong inilagay niya kanina o baka naman amoy araw na siya, nakakahiya!

Naupo sila sa ilalim ng puno habang hinihintay ang lalaki na ma-develop ang picture.

“Martin, tungkol sa sinabi mo kanina, bigyan mo muna ko ng konting panahon para mapag-isipan ‘yon, alam mo na…”

“Yes of course, tulad nga ng sinabi ko, I’m willing to wait, ang importante hindi ka nagalit sa ipinagtapat ko sa’yo.”

“Ang OA naman kung magagalit ako, by the way nasabi mo na rin lang kanina na hindi pa natin lubos na kilala ang isa’t-isa, siguro maganda kung sasamantalahin natin ang pagkakataon na’to para magkuwentuhan, para kilalanin ang isa’t-isa.”

“Yeah sure!”

Ang mga sandaling iyon ay napuno ng mga katanungan at kasagutan tungkol sa kani-kanilang buhay. Ang nakaraan at ang kasalukuyan. Minsan napapangiti sila sa pinag-uusapan, at may times din naman na mapapawi ang mga ngiting ‘yon kapag napag-usapan na ang problema.

Matapos silang mamasyal ay kumain sila sa pinakamalapit na fastfood na nakita nila. Akala ni Esang ay tapos na ang nakakakilig na araw na iyon nang magpasya silang umuwi. Pero hindi pa pala doon natatapos ang pagpapahayag ni Martin ng saloobin. (Itutuloy)