Una sa Balita

My sweet-creepy-stalker

By
0 468

Ika-14 na labas

Dahil do’n ay maghapong hindi lumabas ng kuwarto si Esang. Nagkunwari siya sa ina na super busy sa mga tinatahi niyang mga damit. Kahit ang totoo ay gusto na rin niyang tahiin ang puso niya dahil sa pagkakapunit-punit nito dahil sa nararamdaman niyang selos.

Gabi.

Nagulat si Esang nang mag-ring ang cellphone niya. Hindi niya kilala ang number.

“Hello?”

“Good evening Esang, it’s me, Martin…”

Nabigla ang dalaga at agad bumilis ang tibok ng puso.

“Martin!paano mo nalaman ang number ko?”

“Importante pa ba ‘yon, I just want to know if you’re okay, hindi ka kasi lumabas ng bahay maghapon…”

“Ahm, okay naman ako, pero gusto ko ring malaman kung kanino mo nakuha ang number ko?”

“Okay fine, kay Jengjeng, hiningi ko sa kanya, actually inaabangan nga kita kanina eh.”
“Ha? bakit naman?”

“Kasi gusto sana kitang ayain magsimba ­bukas, Sunday diba?”

“Magsimba, tayong dalawa?”

“Yeah, if you want pwede mo ring ayain ang bestfriend mo kung naiilang ka sa’kin.”

“No, hindi naman sa naiilang ako sa’yo, we’re friends na diba? medyo nabigla lang ako.”

Pigil na pigil si Esang sa sarili, Gusto kasi niyang ­tumalon at magsisigaw dahil sa tuwang ­nararamdaman, Tuluyan nang natabunan nito ang selos sa ­kanyang puso.

“So pa’no, okay lang ba na magsimba tayong dalawa?”

“Sure, why not, nagsisimba naman talaga ako every Sunday, minsan kasama sina ate at nanay, minsan naman solo lang kapag busy sila.”

“That’s good, thank you… goodnight Esang.”

“Good night Martin…”

Nang ibaba ni Esang ang cellphone ay hindi na niya napigilan ang sarili. Pinakawalan niya ang kilig na kilig na tili.

“EEEEEEE!”

Natigilan lang siya nang mapatingin siyang muli sa cellphone at nakitang may ilaw pa ito.

Related Posts

Hindi pa pala niya na-end ang call at hindi pa rin ibinaba ni Martin ang tawag. Kaya mabilis niyang pinagana ang isip niya.

“EEEEE IPIS!”

Sa kabilang linya ay napailing na lang ang natawang si Martin.

“Sa O, eto na talaga, meron ng bibinggo sa numero ni KALBO, 70!”

“YES! BINGO!” sigaw ni Rhoda .

Napahinto sa pagtatantos ang mga nagbi­bingo, pero hindi lang dahil sa may bumingo na kundi dahil napatingin silang lahat kay Esang na lumabas mula sa pintuan nila.

Nanibago kasi sila sa mas gumanda pa nitong hitsura. Naka-lipstick at parang naka-make up pa ng manipis nga lang. Bumagay din dito ang suot na dress na kulay silver. Parang may importanteng lakad.

“Aba, ang bunso namin mukhang napaaga ka yata sa pupuntahan mong debut o may throwback prom ba?” nagbibirong sabi ni Rhoda.

“Si ate talaga, Sunday ngayon, magsisimba ko, I mean kami pala ni Martin… at ni Jengjeng, dadaanan ko nga siya eh!” isinama ni Esang si Jengjeng sa sinabi dahil nahihiya siyang sabihin na sila lang talaga ni Martin ang planong magsimba. Baka kasi tuksuhin sila.

Pero plano rin talaga niyang daanan ang bestfriend at ayain ito. Baka kasi mailang siya pag silang dalawa lang ni Martin.

“Naks naman Esang, mukhang nagpaganda ka ng husto ngayon ah?” si aling Susan.

“E ikaw ba naman ang may kasamang gwapo sa pagsisimba!” biro rin ni Weng.

“Tumigil nga kayo diyan, e kayo ba walang balak magsimba?” kunot-noo pero nakangiting tanong ni Esang.

“Mamaya pa kami magsisimba ni nanay, last mass.” Si Rhoda.

“Ipagdasal mo na lang kami Esang!” hirit pa ni Aling Susan.

“Naku, kayo talaga…”

Kinatok niya ang nakasarado pang pinto ni Jengjeng.

“Jeng!” walang sagot. Ilang katok at ilang tawag pa, pero wala pa ring sagot kaya minabuti ni Esang na buksan na ang pintuang hindi naman pala naka-lock. Narinig niya ang lagaslas ng tubig mula sa banyo kaya naisip niyang baka naliligo ito.

“JENG!” muling tawag niya.

Sakto namang tapos ng maligo si Jengjeng kaya lumabas na ito ng banyo.

“O, sa’n ang lakad natin?” tanong nito.

“Talagang natin, kasi aayain kitang magsimba!… kasama natin si Martin…”

“Whow! Sabi ko na nga ba, alam mo bestfriend naunahan mo lang ako, pero bet ko talaga itong si papa Martin!” kinikilig na sabi ni Jengjeng. (Itutuloy)